Girlfriend ko, 2 years na kami. Madalas kumain mag food trip (as our bonding/date). Wala naman issue kung sino ang sagot sa date namin because we both have stable jobs (Minsan ako ang sagot, minsan sya, minsan din hati kami ng payment). Ang kinakainis ko lang pag order na ng food. Sanay kasi ako na madaming inoorder since malakas ang appetite ko. Si GF ko naman, she make it a habit na titikman/babawasan ung order ko. Ok lang sana kung konti lang kukunin nya pero madalas, halos kalahati nung order ko ang kinakain nya as her reason is titikman nya lang naman daw. Wala naman sakin kung tikim lang o kung umorder siya ng pang kanya pero naiinis lang ako kapag madami syang kinukuha. Gusto ko kasi kapag kumain, ung dire-diretso (Yung feeling na busog agad). Kahirap kasi nung nabibitin. Hehe.
Kasi, kapag binawasan nya, tas order na naman, edi maghihintay ka uli ng ilang minutes (waiting time) bago maserve yung food.Nasabi ko na din naman sa kanya yun, pero ang reason nya lagi is ganun daw kasi sila pinalaki and house rule nila is sharing. Kaya lang pwede naman sana sharing kung parehas kaming busog. Ang ending kasi, siya lang ang nabubusog since sya ang madalas kumakain ng order ko. And hindi ako gano nasasatisfy sa food kasi nga nalilipasan lalo pag another order ng food, another hintay na naman.
Sorry kung dito na ko nagrant, alam ko medyo mababaw. Any tips kung pano ihandle yung ganitong situation? Salamats 😊
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...