We are all equal

5 1 0
                                    

Ask lang sana mga thoughts or advice para sa mama ko..

born again yung mama ko, pero siya yung tipo na cool lang sa lahat. di xa yung mahilig magbawal ng kung ano ano. Ang tanging sinasabe nya lang is wag manlalamang/mananakit ng kapwa at as long as kilala mo si Lord at tinanggap mo xa sa puso mo, all goods na. While ako, hindi ako relihiyosong tao. But same naman kami ng Diyos na pinapaniwalaan..

marami akong kaibigan na gays, and very close ako sa kanila. Most of their events, sinusuportahan ko and madalas judge ako sa mga miss gays. Then nung nakaraan since umuwi sa pinas si mama, ininvite xa maging crowning guest. Since kilala ni mama na kaibigan ko yung mga yun and judge din ako, pumayag xa. Nung papalapit na yung event, naging close din si mama sa mga friends ko, natuwa xa sa kanila kasi they are loud, naturally funny and most of all masisipag at madiskarte sa buhay. She even invited them sa mga ganap namin sa bahay. With all sincerity, she learned to love them tulad ko.

Then isang araw, nag message kay mama yung pastor nya. Yung parang head sa church nila. saying na mali daw yung ginagawa ng mama ko, yung pag support sa mga kaibigan ko, yung pkikisalamuha sa kanila dahil considered daw sila as sinners and yung mga nagffollow kay mama pwede daw maligaw at maisip na its okay to be gay. Dapat daw di ganun kasi makasalanan silang mga tao. Here comes the event, tumuloy si mama bilang crowning guest at ako bilang judge. It went well, she was happy kasi nakita nya na talented at brainy din ang mga pinagmamalaki kong mga accla. But di xa makapg post nung mga pictures nya with them kasi pagagalitan na naman xa ng mga kasama nya sa church. Then she went back to usa na..

Then last few days, tumawag xa sakin, umiiyak. Di pa din pala tapos yung issue sa mga gay friends ko at churchmates nya. She is standing by her decision na lahat naman tayo makasalanan so sino xa para tratuhin ng di maganda yung mga gays na yun na maganda naman ang pinakita sa kanya? Na bakit kailangan nyang iwasan ang mga kaibigan ko na parang may sakit? Na puso lang ang basehan ni Lord palagi. Iyak xa ng iyak sakin.

So ano yung maaadvice nyo sa nanay ko na hanggang ngayon ay nasasaktan pa din para sa mga kaibigan ko? Kasi xempre kung ako yung mag aadvice,bias ako. Kaibigan ko kasi yung mga yun.

Papabasa ko to sa mama ko mamaya. Baka mas makatulong sa kanya.. salamat!


▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now