Ayaw Mag-Update

3 0 0
                                    

Hi po, magra-rant lang po ako tapos hihingi ng advice sa inyo. Magkasama po kami nung sunday ng boyfriend ko sa paghawak po niya sa kamay ko parang iba po, hindi mahigpit na parang hawak lang na may masabing hinawakan lang. Halos isang araw siya hindi nagchat, nag-aalala ako, delivered lahat tapos nagchat kanina na hinang hina raw siya, nagsorry naman, tas naisipan ko i-stalk siya sa ig tiningnan ko mga following isa sa nakita ko yung sa babaeng kinukutuban ko palagi at tiningann ko nakita ko nakalike siya run sa post like wtf, gusto ko siya tanungin, bakit ang unfair palagi, nagagawa naman niya mag scroll sa ig tapos hindi man lang makapag-update sa akin, update lang po talaga gusto ko para hindi po ako mag-alala pero wala, dati naman po panay update siya, gusto niya ako palagi mag update pero bakit siya ayaw niya gawin 'yon. Gusto ko siya komprontahin, gusto ko siya tanungin, "Sa loob ba ng isang araw na hindi ka nagparamdam naisip mo ba na ichat ako? Sumagi ba ako sa isip mo?" OA po ba ako? Tas etong kaibigan niya sasabihin di lahat kailangan mag update, simpleng pagbibigay ng assurance ipagdadamot pa sa akin, walang nakakakaintindi sa nararamdaman ko kasi para po sa kanila toxic po ako at mapaghinala at sabi pa kapag panay ako ganun iiwanan daw ako, aminado naman ako na may point sila pero hindi nila naiintindihan nararamdaman ko na nasasaktan ako:((( bakit pagdating sa akin unfair na, bakit kapag nagrant ako kasalanan ko pa hindi ba nila alam na kaya ako nagkakaganto kasi ito ang pinaparamdam sa'kin ng taong mahal ko?:((



▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now