Kuripot

4 0 0
                                    

Unahan ko na muna kayo sa disclaimer ha para iwas bardagulan 😂 Di po ako nanghihingi ng solicitation or ano pa man. Talagang pa vent out lang. Salamat.

Soooo after a few months, nakahanap na din ako ng trabaho. Tuwang tuwa ako dahil sa wakas pwede ko nang madala yung anak ko sa pasyalan na palagi nyang minemention sa akin. Ayaw kasi ng ama nya dahil magastos daw (grabe kasi tong asawa ko. Kinukwenta kahit isang sentimo)

Ang problema ngayon eh kumuha kami ng babysitter para sa anak dahil walang magbabantay sa kanya. Stay out lang naman ang sitter at off sya kung off namin mag asawa (tig 2 days off kaming dalawa so 3 days lang sya magbabantay ng bata. No laba, no linis. Bantay bata lang talaga).

Mas mataas pa ang matatanggap ng sitter sa basic salary ko pero ok lang. Wala kaming kamag anak dito kaya wala talagang mapag iwanan. Kaya ang sahod na matatanggap ko eh mahahati pa dahil pambayad sa sitter (50/50 kami ng asawa ko sa pagbayad). Plus may mga expenses pa ako tulad ng pagpapadala sa Pinas, transpo ko (taxi ako if morning shift dahil walang bus ng maagang maaga sa lugar namin plus fare pa sa train). So ang matitira sa sahod ko eh hindi sapat para sa pag gala namin (may entrance fee pa kasi plus fare din papunta dun).

May binabayaran rin pala akong insurance every quarter so kung ano ang matitira sa sahod ko eh yun ang ipambabayad ko.

Masakit talaga sa puso na akala ko maibibigay ko na yung gusto ng bata dahil sa wakas may trabaho na ako pero hindi pa rin pala. 😔

Hindi rin ako makahingi sa asawa ko dahil kuripot nga (eto ang nagpush sa akin para maghanap ng trabaho dahil kahit pang wax ng kili kili ko ayaw akong bigyan 😒)

Hindi rin ako makapag part time dahil 10 hours duty ko at 2 hours ang ginugugol ko papunta pa lang sa trabaho so a total of 14 hours. pagdating ng bahay grabe talaga ang pagod ko. Pagbaba pala ng train mga 15 minutes pa lalakarin ko para makarating sa pinagtatrabahuhan ko.

Happy ako may trabaho na ako. Kakalungkot lang na pagod na nga ako eh hindi ko pa maibibigay ang hiling ng anak ko.

Ayun lang. Salamat sa pagbabasa ☺️


▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now