Favoritism

2 0 0
                                    

Hello po,
Pa-rant lang po...

This christmas break umuwi ung best friend ng husband ko from NZ tapos nakwentuhan kami then saka ko naconfirm na kawawa naman ung husband ko nung bata siya kasi deprieved talaga. Bata pa lang talaga daw hindi na siya pwede makita na maglaro ng Mama niya. Kapag nakita siyang maglaro, pauuwiin at pagaaralin kahit nasa top na siya sinasabihan pa rin siyang tamad mag-aral. While ung best friend niya, saktuhan lang ang grades and ok lang sa parents niya. Lagi sinasabi ng husband ko na mula bata laging mas higit sa kanya ung best friend niya. Tapos sabi niya buti daw nagkaroon siya ng supportive na asawa kasi binibilhan ko siya ng mga gadgets (switch, pc) which is hindi nagawa ng parents niya. BTW, naglayas din pala siya nung college na siya kasi feeling niya sobra na ung pagpapahirap ng Mama niya sa kanya (hindi lang about sa laro, namamahiya pa kasi Mama niya).

Anyway, going back this christmas, kahit ganon ung treatment ng parents niya sa kanya, binibilhan namin ng gifts un kapag christmas and recently nga, napansin ko parang hindi naaappreciate ng parents niya ung gifts namin(medyo mamahalin ung nabili namin sa kanila), ni hindi man lang inopen nung nag-oopen na kami gifts. Parang wala rin ako narinig na ”thank you”. Samantalang kapag ung kapatid ng asawa ko kapag nanlibre ng dinner (shakeys) sasabihin sa mga anak ko mag-thank you sa tito. E kami nga kapag andun sa bahay nila kami gumagastos mula agahan, tanghalian, merienda pati dinner. sasabihin nila hindi sila gutom tapos kapag andyan na ung pinadeliver namin nauuna pa kumain sa mga anak ko, minsan ang ending nauubusan pa mga anak ko ng pagkain.

Iba talaga pakiramdam kapag hindi ikaw ung “favorite” na anak. Kahit anong gawin mo parang wala lang sa kanila, kahit anong achievement mo hindi nila maappreciate.




▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now