Experiences Sa Yaya

3 0 0
                                    

Since napag-usapan ang mga experiences sa yaya, I'll share our experiences too. Medyo mahaba ito kasi we had 4 bad experiences with different yayas.

First experience:
The yaya we got was a kasambahay of my Aunt before. When she got married and had kids, umuwi sya sa province but wanted to go back to work. So pinadalhan ko ng airfare at pocket money. Pagdating nya sa amin, since kilala ko sya sabi ko mag aalaga lang sya ng baby at maglilinis ng bahay since ako ang nagluluto at naglilinis ng room namin at nagpapa laundry kami ng damit. Kapag papasok na ako sa work, dinadala namin sila ng baby sa in laws ko. Malapit lang sa house namin kasi sa kabilang village lang. Eto lang ang bilin ko sa kanya, kausapin ang anak ko who was 3mos old that time. Hindi ko na nga sinabi in english. Ang sagot nya sa akin, "Ayoko nga." 🤣 Hinayaan ko na. Kaso biglang nung isang araw pag uwi namin ni hubby, kinamusta ko anak ko. Sabi nya ok daw, kaso sabi ng helper ng MIL ko, ma'am sumuka po si Baby, ang dami po. Sabi ko dun sa yaya, ate bakit sumuka? Sabi nya, "Dami suka. Ok lang yun di naman lumabas sa tenga." Next day, Ate, sa katapusan uwi ka na. Baka hinahanap ka na ng mga anak mo. Binigay ko na 1 month sweldo at binilhan ng ticket pauwi sa kanila.

2nd experience
Yung helper ni MIL may kapatid. Pinasok nya sa akin kasi madali lang daw pala gagawin. Kahit bata pa tinanggap ko na kasi sabi ko gusto ko pag aralin. Yes mga momsh, ganyan kasi ginawa ng mom ko sa helper namin na hanggang ngayon kasama pa namin sa bahay kahit may anak na sya. Turing namin sa kaya 2nd mom namin. 38 years na sya sa bahay ng mom ko ata ayaw nya umalis kaya pinag aral namin anak nya. Anyway gking back sa 2nd yaya, sobrang ok si neneng. Love namin sya kaya sabi ko kunin nya transcript nya sa province para matuloy nya aral nya. Ang problema, yung magulang, ayaw sya pag aralin at gusto ibibigay lahat ng sweldo sa kanila pag sweldo time. Yung bata na mismo nagsabi na, ate nahihiya po ako sa inyo kasi lagi na lang tumatawag nanay ko para kunin sweldo ko, kaya alais na lang ako. Uuwi na lang ako. Kahit ayaw namin let go, ok na din kasi si nanay napaka.

3rd experience
Referred by kapitbahay. Tiga Quezon lang kaya mura pamasahe. Pagdating sa amin advance agad si ate para bili ng cellphone. Ok lang basta sabi ko kapag gising si baby, stop muna sya mag phone. One time, dinala sila ng in laws ko sa resthouse nila sa Tagaytay. Susunod kami ni hubby the next day. Pagdating namin, yung caretaker ng bahay sabi sa akin, "Ma'am, may sasabihin po ako sa inyo. Di po ako nag gagawa ng kwento. Nakita ko po, pinapalo ni yaya anak nyo." Yung dugo ko umakyat sa ulo ko nung nadinig ko yun. Kinausap ko si ate. Sabi ko, totoo ba na pinapalo mo anak ko? Umamin naman sya agad. Ayaw daw kasi matulog. Buti napigilan ko sarili ko. Sabi ko  balutin mo na lahat ng gamit mo. Umalis ka na kasi baka kung ano magawa ko syo. Mabait pa din kami kasi hinatid namin sya sa terminal ng bus.

4th experience
Hindi na dapat kami kukuha ng yaya kasi 2 yrs old na si baby. Kaso nahihirapan na sila in laws mag alaga kasi malikot. Yung isang helper nila sa bahay, binigay sa amin. Eto na ang pinaka nakakatakot na experience namin. Nung una ok si yaya. Nag advance pambili ng phone, ok lang. Nag advance pag mag day off, ok lang. Biglang isang gabi may kukinin ang asawa ko sa room kung saan sya natutulog. Btw, pinagamit namin yung room ng anak ko kasi sa room namin natutulog si LO. Katok ng katok ang asawa ko walang sumasagot. Habang ako nagliligpit ng binili namin sa grocery si Ate girl nasa room na ng 8pm. Ako na ang kumatok, walang sumasagot, sabi ko bubuksan ko na ng susi ha. Pagbukas ng pinto, SURPRISE! Wala si yaya. Iniwang bukas ang bintana ng room at tumakas. Iniwan ang mga gamit at 1 cellphone. Sa village po kami nakatira. 2 guard ang dadaanan nya. Tumwag ako sa guard para tanungin kung lumabas ang yaya ko. Sabi ng guard, yes mam. Sabi ko bakit di kayo tumawag sa akin? Tumakas ang yaya. Sabi ng guard, ginagawa daw yun gabi gabi dahil ang sabi inuutusan ko daw bumili ng oavkain sa Hypermart. After 1hr daw bumabalik ulit. Tinext ko si yaya, sabi ko asan sya. Sa takot nya siguro hindi bumalik. Nakita ko yung messenger, may tinatagpo na lalaki. Sa galit ko tumawag ako security para mag report. Tinext ko si yaya na kapag di sya bumalik in 3 days, itatapon ko lahat ng gamit nya. On the 3rd day, nag text sya na pupunta daw sya. Tinawag ko ang security para may witness.

To make the long horrifying experience short, after ng isa pa na yaya na ok naman, hindi na kami nag yaya ulit kahit nagkaron pa kami ng bagong anak. Hindi naman lahat ng yaya, horror story. Gaya nga ng nasabi ko, yung yaya namin sa house ng mom ko, 38 yrs na sa amin. Kaya kapag makatagpo kayo ng tao na may malasakit sa pamilya nyo lalo na sa anak nyo, alagaan nyo na. Good luck sa mga naghahanap ng yaya. Sana makahanap kayo ng mabait at may malasakit.


▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now