NAGUGULUHAN SA FEELINGS
Gusto ko lang po mag share dito about sa nararamdaman ko para sa husband ko.
Mag 7 years na po kami ng asawa ko at sa loob ng pagsasama namin marami kami pinagdaanan na umabot sa nawalan ako ng feelings sa kanya dahil sobrang stress at nadepressed ako pero never ako nag cheat. Ang pinaka malalang marital issue namin ay nagkaron siya ng kabet. After I found out yung kagaguhan niya nag decide ako tanggapin siya dahil ako ang pinili niya at gusto niya makipag ayos saken. Oo mahirap at masakit dahil araw araw ko naalala yung landian nila. Lagi ko pa nabi bring up. Hindi maiwasan dahil mag iisang buwan palang. Sariwa pa.Naguguluhan lang po ako sa sarili ko dahil araw araw ko na namimiss asawa ko. Feeling ko mas minahal ko siya ngayon pero di ko alam kung pagmamahal nga ba to or naging clingy lang ako.
Sinabi ko sa kanya na araw araw ko siya namimiss at lagi ako excited tuwing pauwi na siya. Hindi siya umimik. Tinanong ko siya bakit. Sabi niya nagulat daw siya dahil hindi naman daw ako ganito dati. Kahit ako napatanong ako sa sarili ko "bakit nga ba ko nagkaka ganito? Bakit ko nararamdaman to? Bakit bigla ako nag care sa kanya?". Hindi rin ako pala sabi ng iloveyou sa kanya pero biglang gusto ko sabihin sa kanya yun araw araw. Gusto ko mag stay sa kanya hindi dahil may anak kami kundi ayoko siya mawala saken.
Dati kasi lagi ako galit sa kanya. Ang priority ko lang noon ay baby namin. Lahat ng kilos ko dapat laging kasama si baby. Hindi ako makaalis ng bahay kasi si baby lagi ang iniisip ko. Parang wala ako ibang kasama sa bahay dahil laging anak namin ang concern ko. Lagi ko rin siya tinatanggihan sa sex. Sinisipa ko pa pag kinukulit niya ko. Naramdaman ng husband ko na hindi ko siya mahal. Pero di ko intensiyon yun. Hindi lang ako aware dahil hindi naman siya nagsasalita kahit hindi na pala okay.
Okay lang po kaya ituloy ko tong ginagawa ko ngayon sa asawa ko? Baka kasi isipin niya nagkukunwari lang ako hindi kasi siya makapaniwala. Ineexpect niya siguro na ipagtabuyan ko siya after he cheated. Yung mga pinaparamdam ko sa kanya ngayon ay natural na kilos ko lang. Kumbaga hindi pilit. Nahihiya tuloy ako sabihin sa kanya na mahal ko siya at lagi ko siya namimiss. Sinabi niya rin isang beses na napipressure daw siya pag sinasabihan ko siya ng iloveyou dahil hindi niya daw deserve. Gusto ko siya yakapin at sabihin sa kanya na alisin sa isip niya na hindi niya deserve masabihan ng ganun. He's worth to fight for naman dahil minahal niya ako at mahal padin hanggang ngayon. May pagkukulang din kasi ako sa kanya kaya siya nagloko. Feeling ko kasi ayoko na mag hold back sa feelings ko. Mamamatay naba ko? Haha. Yun lang po sana maliwanagan po ako sa mga comments niyo. Salamat po.
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...