Me time

6 0 0
                                    

Reklamo ko lang tong lip ko. Nak ng tokwa, praning pa rin pala. Kala ko lipas na yung phase na yon.

Sabi ko lang naman punta siya dun sa kabila (side niya). Tapos kako dalhin mga kiddos. Kase Christmas Vacay pa rin naman. Tas akala ko okay na. Tas parang natagalan ako, so sabi ko, ano na, pupunta na ba sila. Tas kala ko magrready na. So parang inisip ko di na ko magcook ng for dinner. Di na ko magtthaw, ganyan. So chumill ako and magnap dapat. E mag4pm na di pa umaalis. So ask ko ulit. Tas parang iritable na siya bigla. Bakit daw ba ganyan. Sabi ko, "Hala, kapag ayoko or di ko kayo pinapayagan, nagrereklamo kayo. Ngayon na hinahayaan kayo, issue pa rin?" Tas wala na, di na sila umalis.

Tas nung kani kanina, nagsasabi siya sa kiddos na sleep early kase aalis daw tomorrow. So ask ko siya ulit, punta kayo bukas sa kabila? Tas galit na naman. Biglang sabi, "Bakit ba? May lakad ka ba?" Parang sobrang weirdo, bigla na lang ganon amp. Alam naman niyang di ako pala-alis na 🤦🏽‍♀️ hahaha!

Anyways.. ang totoo, gusto ko lang ng alone time. At pag sinipag ako, makapagmall ng tahimik. Hindi ako makapamili maayos pag kasama siya or sila ng kids e. Napakaligalig at mainipin. Yung panganay ko, ayaw sa maingay at matao. Yung bunso, tamad maglakad. Yung tatay, mainipin pag di para sa kanya/sa bibilhan niya tsaka napaka strict at judger pa pag ako pumipili Ng for myself. Bawal ganto bawal ganyan. Nakakairita nga pag umaalis, gusto niya siya nagbibihis sa mga bata, yung anak ko babae, nagmumukhang tomboy manamit. Nakakaasar. Yung lalake, ang jologs ng mga pinapasuot, gusto mga Minecraft Minecraft shorts na paulit ulit na lang 🤦🏽‍♀️🤦🏽‍♀️🤦🏽‍♀️ e meron namang matitinong hindi madesign masyado na muntanga. Imbis na lalo maging good looking kame 3, gusto niya too basic for our lives. 🙄🙄🙄 Lolz

Hindi po ito 3rd world problems hahaha skl



▪︎2022▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now