Reklamo ko lang tong close friend ko na lalake na sobra makapag manyak sa ibang babae kahit may girlfriend na. 🙄
Laging may mga comment kapag magkakasama kami na:
“Uy chix/sexy nito ah”
“Laki ng b**bs/pw*t!”
“Sarap hawakan ng pw*t!”
“Ako nalang magmmilk ng b**bs niya”Sobrang punong puno na ko sakanya. Noong single siya, wala siyang narinig sakin pero ngayong may gf na siya di padin tumitigil. Sinabihan ko na siya na di na tama yung ganyan & para sakin napakadisrespectful na yang ganyan. Okay lang naman if admiration lang or sabihin mo na maganda or hot ung girl, pero yung sakanya kasi may halong pagkamanyak lalo na pag binibring up yung b**bs & as* kahit sinasabi niya na pajoke lang. 
Ang excuse lang sakin ganyan lang daw talaga magusap mga boys pero he won’t act on it / cheat on his gf naman daw????
Binigyan ko din ng example na what if bf ng sister niya pareho sakanya umasta, okay lang daw kasi “normal boy talk” naman daw yun??. Nakakagalit sobrang walang respeto sa gf niya at sa mga babae. May mga ibang kaibigan din naman ako na lalake, pero di ganyan magsalita kapag may gf.
Mga mare at pare, tama ba yang ganyan??? & normal ba talaga na boy talk to???
Sobrang mabait naman siya na kaibigan samin pero sobrang nababastusan lang talaga ako sa ganyan niyang ugali. Fyi, nasa mid-late 20s na kami.
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
RandomThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...