SI NANNY GINAGATASAN NG MAGULANG
Background:
We hired a nanny for our kids (3 y/o and 8 months old) since hubby and I are both working from home. Nahanap lang namin si nanny in a Facebook group and grabe sobra kaming snwerte sakaniya kasi okay talaga siya. Bata pa siya (22 y/o) and is also gay. Despite this, maayos siya mag trabaho, madali pakisamahan, and bonus pa na parang nagiging komidyante namin sa bahay dahil sa bubbly personality niya. We are very very fond of her. Ang poblema namin sakaniya ay yung pamilya niya. Sobra siyang gatasan ng magulang niya.We are very empathetic people and we try our best to help the people around us as much as we can, without sacrificing the needs of our own family. Nung unang araw pa lang na dumating si nanny sa amin (5 months ago) nakiusap na agad sila na mag aadvance ng 1,500 para daw sa mga gamit sa school ng mga kapatid ni nanny. Pinayagan namin that time pero humirit pa agad na 3k na daw at hindi pa sila nakakabayad ng kuryente. Take note, literal na wala pang 3 oras na nag sstay sa amin si nanny nung time na to. And yet buong sahod niya for 15th nakuha na nila. Pero sige, hinayaan lang namin.
Hindi pa lumalagpas dalawang linggo, eto nanaman yung magulang ni nanny. Kailangan na naman daw ng pera at mag aadvance daw ulit sa sahod for 30th dahil wala na daw silang pang kain. Dahil mabait at masipag naman ang anak nila, hinayaan ulit namin. Pero this time we said hindi pwedeng lagi lagi ang bale dahil meron din kaming sinusunod na budget. I also told our nanny na sabihan niya ang mama niya na wag message ng message sa akin directly about sa pag advance dahil hindi naman siya ang nag tatrabaho sa amin. So bilang respect namin kay nanny, we told her siya dapat nakikipag usap sa mama niya kung mag aadvance. Reason I said this is because nalaman kong hindi pala alam ni nanny na nag sasabi mama niya samin na kukunin ang sahod niya.
So that's the first month pa lang. Hindi pa nakakapag work ng 2 weeks sa amin si nanny ubos na agad buong sahod niya for the month. And this went on month on month!
Ang mali naming mag asawa ay nasobrahan ata kami sa pagiging giving sakanila kasi ngayon ay naaabuso na kami. Nung araw kasi na sinundo namin si nanny may dala kaming mga gamit (bag/clothes) na napag lumaan pero maayos na maayos parin ang itsura. And then nung birthday naman ng isa sa mga batang kapatid ni nanny, binilhan namin ni hubby ng toy sa lazada at pinadala doon sakanila. Pati nung nag bday yung bunso nila nag padala naman kami ng mcdo delivery para sa celebration nung bata. Come Christmas nag pamasko din kami sakanila. These were on top of all their advances. So siguro akala nila always kaming oo lang at bigay ng bigay despite our reminders na bawasan ang pag advance.
Last night was our final straw. - Nangungutang sila ng 5k mid January dahil gusto daw nila mag simula ng business at gagawin daw puhunan. Sabi ni hubby na kailangan na namin maging firm this time na hindi bawat ungot nila bigay agad kami. So sinabi namin kay nanny na wala kami extra budget and we will see kung mapag bibigyan sila sa katapusan.
Sinabi lang namin yon dahil we wanted them to wait at para naman marealize nila na hindi unlimited yung nahuhugot namin na pera. Pero nasa plano naman na pahiramin sila. Unfortunately, namatayan kami ng kamaganak before the end of Jan so ang daming biglaang gastos. Sinabihan ko din si nanny na sabihan ang parents niya na maghanap ng ibang source of funds dahil malaki ang naging gastos namin. And eto na nga, nag simula na naman akong imessage ng parents niya. Sobrang shookt ako sa mga sinasabi ng parents niya kasi it seems wala sila ibang diskarte para mabuhay mga anak nila.
A few notes:
- Walo ang anak nila. Youngest is only 3 y/o
- Pangatlo si nanny at may dalawa siyang ate na parehas nang may asawa (26 and 24 y/o)
- 3 years nang hindi nag tatrabaho both parents ni nanny
- Si nanny nag stop sa pag aaral nung grade 7 siya. Prior working for us, nasa Mindoro siya for 2 years
- Nasa mid 40s pa lang ang parents ni nanny! Jusmiyo. So hindi reason na hindi sila mag trabaho. If there is a will, there is a way ika nga
- Last year November binenta nila ang kidney ng isang anak nila (pangalawa sa panganay) - yes, you read that right. Binenta nila ang kidney! Mygosh. And they were able to get 500k from that operation. The same 500k naubos nila before the end of December! I was so shocked. Yung mag anak nag pa-rebond ng buhok, bumili ng mga bagong gadgets at appliances. Bumili ng motor. Pero hindi man lang naisipan mag invest sa puhunan pang negosyo. Kaya bago matapos taon, advance na naman sila ng advance.
- We offered nanny's parents a work opportunity in Baguio. Wala na silang aasikasuhin na documents kasi willing na Tito ko na hindi na sila pakuhain requirements since parents naman ni nanny. Pero wala, dami nila excuses.I have attached screenshots of our convo from last night para makita niyo paano makipag usap parents niya. Maybe it will help you give us more sound advices with this added context.
One more thing, tinatakot din kami ng parents ni nanny na pauuwiin siya sakanila. Although they dont tell us directly. Kay nanny nila sinasabi. So I told nanny last night na kung uuwi siya, hindi naman namin siya pipigilan. Syempre it's her decision. Pero sabi niya ayaw niya dahil masaya daw siya sa amin.
Pero honestly, we are considering letting her go kasi sobrang kulit talaga ng parents niya. May habit pa ang mama niya na mag sstatus pa sa FB at mag paparinig na "kung ayaw niyo wag niyo mga pu*****ina kayo". We just let it slide dahil sinabi naman ni nanny na hanggang elementary lang ang natapos ng magulang niya. What should we do? Sa hindi namin pag payag sa utang nila na to sobra talagang affected ang ugali ni nanny at ang pag tatrabaho niya.
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)
AléatoireThe contents here are from Facebook pages and groups. I don't own any of them. I just want to compile them here for people to read. These confessions might help them what they are going through as they are not alone in experiencing hardships. Some o...