My Parenting Style

3 0 0
                                    

My Parenting Style

Isa akong working mom, isa lang ang anak ko. Wala din akong kasama sa bahay. So ibig sabihin ako lahat, napakaswerte ko dahil pag free si hubby ko nag volunteer na sya magligpit ng kalat sa lababo at kung ano ang kaya nyang maitulong.. napaka blessed ko.

Isang bes pumunta kami ng anak ko sa mall para magpalipas muna ng pagod. Ganun ang bonding namin. After a tiring week punta kami sa mall ng friday at dun muna magpapalamig bago umuwi. Dinner n rin dun. So habang nagpapalipas kami ng oras di muna kami umorder kasi busog pa naman kakamerienda lang kasi bago umalis ng trabaho. At ang aking anak ay lagi kong kasama after school nya. Kasama ko na sya hanggang maghapon o kung anong oras man ako mag out sa work.

Habang nakaupo kami sa isang fastfood wala pang planong umorder dahil maghihintay pa kami kay hubby, may inasikaso ko na ang kanyang kumon assignments. Mejo madami ang laman ng task nya sa date na yun. Ako na nanay di talaga marunong ng kalmang pagtuturo ( sorry kahit anong gawin ko maiksi talaga pasensya ko 😭) siguro malakas ang boses ko basta ang focua ko sa knya lang ( sa anak ko). May isang may edad na babae na lumapit sa amin. Sabi nya anak mo. Tumango lang ako. Pero nagkataon naman na naputol ang pencil ng anak ko kaya nagdecide na bumili muna ng sharpener. Pero dahil may mga iba pa kaming nakita na puede nyang magamit at nagustuhan nya mejo tumagal kami. Pagbalik namin sa same faatfood tapos na ang babaeng nagtanong sa amin ng kung anak ko ba ang aking kasama. 

Sabi ko sa knya ay tapos na si nanay kumain. Nag smile lang ako sa knya. Then nag proceed na kami ng anak ko cashier para umorder ng pagkain. Namalayan ko na bigla na lang tumabi sa akin ang babae (yung nagtanong na kung anak ko ba daw kasama ko) at sabi nya. "Alam ko kahit ganito lang ako di ako nanakit ng bata, di ako naninigaw kasi naawa ako" kaya laging gulat ko. Nagtuturo lang naman ako sa anak ko.. 😔habang nasa dept kami bago kami bumalik sa fastfood naipaliwanag ko sa anak ko bakit si mommy nagagalit. At namotivate ko na sya na kaya nyang matapos ang module.

Ang hirap po ng may malakas na boses, kahit gusto ko din kumalma ang pagsasalita ko anak ko di talaga kaya. Sabi ko nga sana meron din akong mala anghel na boses para di ako nahuhusgahan ng tao.. 😔

Minsan iniiyakan ko na ganito ako. Lagi kong pinagppray na sana maging matatag anak ko, at sana maintinidhan nya lagi bakit laging stress ang mommy. Working mom na super hands on sa anak at mga gawain sa bahay.. 😔


▪︎2023▪︎

[1] Let It All Out (Vent/Reklamo)Where stories live. Discover now