Chapter 57
"Aurora—"
Binawi ko ang kamay mula sa kaniya saka tinaliman siya ng tingin. "You take your words back!"
I stood up even when my knees began to tremble. Mahigpit din ang naging pagkuyom ko sa mga kamao dahil sa namumuong lindol sa dibdib ko. It seems as if a volcano just erupted inside of me, slowly turning all of my veins and bones into ashes. Dahil sa patuloy na nararamdaman sa loob na naghalo-halo—lungkot, pait, gulat, at patuloy na namumuong galit, muling sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha ko.
"Ivan... sabihin mo sa 'king nagbibiro ka lang at patatawarin kita," mas kalmado ko nang pagsasalita habang nakatingin nang diretso sa kaniya na nanatiling nakaupo sa damuhan.
But he didn't budge. He didn't speak. He was just staring at me... at nagpasinghap sa 'kin ang titig na iyon dahil sa pamilyar na anyo nito. Dahil parang... nakikipagtitigan na naman ako sa isang bungo. There were continuous tears coming from his eyes, but it seems like I was only seeing his spirit. Gaya ng nakita ko sa kaniya noon sa condo ko matapos ko siyang makitang saktan ang sarili. It's as if those euphoric emotions that he showed to me everytime we're together were all a facade of what he truly feels for this life.
I felt a sudden pang of guilt. I took a profound breath and realized that I acted impulsively. Hindi ko naman siya dapat kagalitan dahil wala siyang kasalanan sa kung ano man 'tong sinasabi niya.
"I'm not gonna take back anything because it's true, Aurora..." Ngumiti siya nang mapait sa 'kin saka bumaba ang paningin sa lapida ng ama niya. "At hindi ako magbibiro ng ganito... because joking about it is a disrespectful act to what your mother and my father... went through."
Napatakip ako sa aking bibig. Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko kaya dahan-dahan akong napaluhod sa harapan niya. Sunod-sunod pa ring nagsibagsakan ang mga luha ko nang may saglit na naalala na mula sa nakaraan... ang una at huling beses na nakaharap ko ang Papa niya.
Bigla akong napaatras nang mapatingin ito sa akin. Ilang beses kong ikinurap ang mga mata ko para masigurado kung totoong kulay ba ang nakikita ko sa mga mata niya na nasisinagan ngayon sa kulay ng papalubog na araw.
Kulay abo.
Gaya ng kay Ivan.
Kaya sigurado akong siya ang ama ni Ivan dahil rare ang gano'ng kulay ng mga mata, lalong-lalo na rito sa probinsiya. At dahil parang galit siya sa kung sino ma'ng kausap niya sa phone, pakiramdam ko... galit din siya sa 'kin base sa paraan ng pagtingin niya.
Pero ang mas lalong ikinabigla ko ay ang rumehistrong gulat sa mga mata nito. Umalingawngaw nga rin sa tenga ko ang tunog ng pagbagsak ng cellphone niyang kani-kanina lang ay hawak niya habang may kausap dito. Hindi ko maintindihan ang pagbabago ng reaksyon niya habang nakatingin sa 'kin na gulat na gulat pa rin na para ba'ng nakakita ng multo.
"F-Fabienne..."
Kaya pala tinawag niya akong Fabienne.
Pinunasan ko ang mga luha saka nag-angat ng tingin sa kaniya, ngayon ay pinilit kong mawalan ng emosyon ang mga mata dahil unti-unti na naman akong kinakain ng galit. It seems like I was seeing Matthew in him because of how sharp my gaze is at him.
"If it's true that you father was my mother's asshole boyfriend who left her alone in Manila, hindi ako naniniwalang ang Mama mo ang dahilan kung bakit naiwan si Mama. Your father decided it, not even thinking about her! S-Sabi ni Mama sa letter niya, pinagbantaan sila ng mga magulang ng Papa mo na kung hindi sila maghihiwalay, maghihirap sila, walang tatanggap na university, pati na ang trabahong mapapasukan, and they could do that because of how powerful they were. That was the reason why your father decided to leave her!" Hindi ko naipagpatuloy ang pagiging kalmado dahil pinangunahan na naman ako ng emosyon nang maalala ang nakasulat sa liham ni Mama.
BINABASA MO ANG
To Trust the Dawn
Novela JuvenilFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been searching for the warmth of a home---the same warmth the dawn brings. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa ang bata at inosente niyang puso na sa wakas ay makahanap n...
