Chapter 38

44 0 0
                                        

A/N: This chapter contains the childhood memories of Faith at the orphanage, including how she first met Ivan at a young age before high school. This will explain the familiarity that they feel for each other. The reason why Faith doesn't remember anything about their interaction before is because it's all in her subconscious mind. Na-mention ni Faith na ang tanging naalala niya lang ay 'yong masamang ala-ala kung saan sinaksak siya ng tinidor sa tuhod ng isang batang nakasama niya no'n. That horrible memory of her covered everything, as if it were all that she had at the orphanage.

This will be narrated by the five-year-old Faith.

Chapter 38

2005 - 2006

Nakaupo ako sa ilalim ng malaking puno ng santol habang nakatingin sa payapang kalangitan. Bumuntong hininga ako't napanguso habang kinakagat ang hawak na santol para makain. Tinatamad akong balatan ito gamit ang kutsilyo, natatakot din dahil baka aksidente kong mahiwa ang daliri ko. Hiya naman akong magpabalat nito kay Sister Nadia na siyang palaging nakabantay sa 'kin.

Bumungisngis ako habang nakatingin sa isang batang babaeng tulad ko na nadapa. Naglalaro kasi sila ng patintero kasama ang iba dito sa ampunan. Hindi nila ako pinasali dahil sama ugali nila kaya ayan, nadapa tuloy. Buti pa 'ko masaya kumakain ng santol.

"Bakit ka tawa?"

Tumigil ako sa pagtawa nang may nagsalita sa tabi ko. Ngumiti ako kay Noreen, nag-iisang kaibigan ko rito. Tanda siya ng isang taon sa 'kin.

"Helow," nakabungisngis pa ring bati ko sa kaniya dahil hindi pa rin nakabangon 'yong nadapa. "Tawa ako kasi dapa si Mylene, 'yong sama ugali, 'yong 'laging aaway sa 'tin."

Tawa rin siya kasabay ako habang nakatingin kay Mylene na umiiyak na ngayon. Ang mga kalaro niya namang masasama rin ay dinaluhan siya at pinapatahan, ang iba ay sumasabay na rin sa pag-iyak niya. Parang mga tanga.

Habang tumatawa si Noreen ay pansin ko ang pagkabungi niya. Dahil nakita ko na naman ay bumungisngis ulit ako habang tinuturo ang bungi niya dahil para siyang bampira, 'yong sabi-sabing nangangagat daw. Mukha rin siyang bampira dahil gulo 'yong buhok niyang kulot, walang suklay-suklay.

"Bakit ka tawa sa 'kin?" nakangusong tanong niya at parang papaiyak. Bumibilog din ang magkabilang pisngi niya.

"Kasi mukha kang bampira hehe. Sori, Noreen." Nagtatakbo ako matapos kong sabihin 'yon. Dinidilaan ko pa siya nang hinabol niya ako dala-dala 'yong isang tsinelas niya.

"Ikaw mukha white lady dahil mahaba buhok mo!" pang-aasar niya rin pabalik sa 'kin, pero ngayon ay bumubungisngis na rin kasabay ako.

Patuloy ko siyang dinidilaan habang tumatakbo dahil hindi ako naasar sa sinabi niya. Gusto ko lang kasi haba buhok ko kasi sabi ni Sister Victoria, ang nakakakilala kung sino si Mama ko, mahaba raw buhok ni Mama at magkamukha raw kami.

Tumigil ako sa pagtakbo nang maalala na naman si Mama. Lumungkot ang hitsura ko saka bumuntong-hininga nang maupo ulit sa ilalim ng puno ng santol. Hindi ko pa siya nakikita... Tagal ko na siyang gusto makita. Noong kinausap ako saglit ni Sister Victoria tungkol ni Mama, hindi niya ako sinagot noong tinanong ko kung kailan ako kukunin ni Mama rito.

"Bakit ka hinto?" Umupo sa tabi ko si Noreen habang pinupulot ang maliliit na bato sa baba.

Agad akong nahawa kaya pinulot ko na rin ang maliliit na mga bato. Tinatapon ko ito sa malapit na puno habang tumatawa.

"Wala, alala ko lang si Mama. Tagal ko na siyang hintay, eh," nakanguso kong sagot kay Noreen.

Tumingin siya sa 'kin. Biglang lumungkot din ang mga mata niya, parang naluluha pa nga, eh.

To Trust the DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon