Chapter 53
"Faith?! Ikaw ba 'yan?"
I let my things slip away from my fingers upon hearing the familiar voice. Ang boses na siyang nagpalaki sa 'kin. Ang boses na siyang humihele sa 'kin na parang musika noong bago niya pa lang ako kinuha sa ampunan. The voice that has always pushed me to bring the best of me... kahit pakiramdam ko hindi ko kaya. But that voice has always been the one that proves that feeling wrong.
And just like that, tears just started to cascade on my cheeks---ang siyang pinipigilan ko kaninang rumagasa nang nasa tricycle pa ako pauwi. Parang ilang taon kong naipon ang mga luhang 'yon... like they are meant to be shed on this day, at this moment.
Nasa harap pa lamang ako ng pintuan, hindi pa tuluyang nakakapasok, pero parang mapipigtasan na ako ng hininga sa nag-uumapaw na emosyong bumabalatay sa 'kin. It was just a voice... letting out a single question. But why does it sound so nostalgic? Bakit parang biglang bumalik ako sa pagiging bata na umiiyak nang patago sa t'wing hinihiling na sana siya na lang ang ina ko?
"F-Faith... Oh my god..."
She went nearer with hands on her mouth. Her chest was rising and falling. Until I feel like watching my own eyes in hers as tears started to slip out from them. Inalis niya ang mga kamay sa bibig at pansin ko ang pagkilatis niya nang mabuti sa 'kin, lalong-lalo na sa bawat sulok ng mukha ko.
Her hands were trembling, hindi 'yon nakatakas sa paningin ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga palad niya sa mukha ko. Her touch was like finding some loopholes to point out that would prove that she's just dreaming. Was it really that impossible for her that I'd go back here?
Para matigil ang agam-agam niyang panaginip lang ito, kinulong ko ang mga kamay niya gamit ang mga palad ko. Tuluyan siyang nagpakawala ng malakas na hagulgol nang gawin ko 'yon.
"T-Tita..." I gently mumbled to hush her thought that I'm not real. I also smiled at her. "Yes, Tita. Si Faith ho 'to..." I answered her question that I almost forget because of how emotions succumbed me. Being not able to take it anymore, I locked her into my tight embrace. "I miss you, Tita..."
Her sobs intensified. Naging mahigpit ang kaniyang pagyakap pabalik sa 'kin. Kahit gaano pa kahigpit, kahit hindi ako halos makahinga, isinawalang-bahala ko 'yon dahil alam kong sa loob-loob ko'y maluwag at magaan... unti-unting inaalis ng yakap na 'to ang mabigat na nakadagan.
Naramdaman kong nababasa na ang balikat ko dahil sa mga luha niya, bagay na lalong ikinaluha ko dahil pakiramdam ko, ilang taon niya ring inipon ang mga luhang 'yon. She was already sniffing as soon as she slowly recovers from her emotional outburst.
Dahan-dahan siyang kumawala mula sa yakap at pinunasan ang mga luha. I was just watching her closely as I noticed the slight changes on her face. Her features got even more sharper, 'yong klase ng mukha ng istriktang guro pa rin, pero mas naging matalas. I let out a soft laugh. Saktong nakasuot din siya ng uniform nila na parang kagagaling lang mula paaralan.
I also noticed our height difference that got a slight change. Ang huli kong naalala ay mas matangkad pa siya sa 'kin nang kaunti noong nagpaalaman sa airport... samantalang ngayon ay ako na ang mas matangkad sa aming dalawa.
"Bakit hindi ka nagsabi?! E'di sana nasundo kita! Faith naman... pabigla-bigla ka." She was throwing me a sharp look, pero gumaralgal naman ang boses niya. Nakahawak din siya sa magkabilang bewang, bagay na palagi niyang ginagawa sa t'wing sinisermunan niya 'ko noon.
Marahan akong natawa saka pinunasan na rin ang mga luha. "Hindi na po 'yon magiging surprise, eh."
"May surprise-surprise ka pa'ng nalalaman! Hindi kami nakapaghanda rito ng Lola mo... 'yong k'warto mo hindi ko pa nalilinis nang maayos! Hindi pa nga rin ako nakapagluto ng hapunan! E'di sana nakapag-isip na ako kung anong ulam ang ihahanda ko para sa pagdating mo." Sunod-sunod ang naging litanya niya, ganoon pa rin ang klase ng boses ang ginagamit niya sa t'wing sinisermunan niya ako rati. However, her emotions still betrayed her because I saw her tears cascading on her cheeks again.
BINABASA MO ANG
To Trust the Dawn
Novela JuvenilFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been searching for the warmth of a home---the same warmth the dawn brings. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa ang bata at inosente niyang puso na sa wakas ay makahanap n...
