Chapter 41

24 0 0
                                        

Chapter 41

Halos hindi ko maramdaman ang sariling katawan nang mahiga sa malambot na kama. Kakauwi ko lang mula sa nakakapagod na trabaho. I was blankly staring at the ceiling of my room. I consider this work as my passion that whenever I get tired when I get home, I would just smile and tell to myself that it's worth the tiredness because I love what I do.

Pero itong nararamdaman ko ngayon... ibang-iba.

For the first time, I just feel... tired like the world has died and all its remains were thrown at me. Walang cliche na kasabihan na worth it lahat ng pagod dahil pagod lang talaga ako... I was really drained.

I hope I would soon forgive myself for feeling this.

And maybe, it's okay... to just really get tired and drained from what was once keeping us alive, at sa bagay na alam ng mga tao kung saan tayo magaling. Hindi naman siguro dapat sa lahat ng pagkakataon ay palagi tayong puno ng buhay habang ginagawa ang nagpapasaya sa atin. Maybe we just need to rest. We just need to breathe without thinking about anything but our existence. Maybe sometimes, it's okay to just... exist.

Nagpakawala ulit ako ng malalim na buntong hininga nang magmulat ng mga mata. There's a sudden urge inside of me to... let it all out. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na paglandas ng mga luha ko. Ang bigat-bigat pa rin.

I just recently remembered everything... last year, at coincidence pa'ng mismo sa 23rd birthday ko. Ilang taon ko ring dinala ang bigat na hindi ko maintindihan mula sa taong nagising ako mula sa pagkaka-coma. I wasn't able to grieve for everything properly dahil dalawang taong pinagdamutan akong maalala ang lahat kaya para pa ring nakadagan sa 'kin ang mundo sa labis na bigat.

Seeing him again isn't helping my mental state. Lalo na dahil bago ko pa lang naalala ang lahat. Recently remembering everything means feeling all the emotions deeply as though I am still living in it. Na para ba'ng bago pa lang nangyari ang lahat kahit pa limang taon naman na ang dumaan.

A lot of things have already changed for the past years... pero parang nakatali pa rin ako sa nakaraan. I still feel like the nineteen-year-old Faith who looks stupid upon begging to be heard. Nakakainis dahil parang nakausad na ang lahat, pero parang naiwan pa rin ako.

I stood up wearily. Ininom ko ang inihandang gamot na nasa bedside table ko. This is the medication that I take for the injuries that the accident had caused me. Nag-iisang gamot na lang dahil sa from time to time na checkup ko mula nang tumira na ako rito sa France ay napag-alaman kong malapit na ang tuluyang paggaling ko. Ang iniinom ko ngayon ay para sa traumatic head injury na natamo. Ilang buwan na lang din ang kailangan before I'll get rid of it.

Napangiti ako nang mapait. I'm getting better physically, but mentally... I can't say that. I don't even know when will I be able to heal from the things that I wasn't able to properly grieve. Sana ang injuries na natamo ko lang sa aksidente ang kinailangan kong hilumin... sana hindi ko na lang naalala ang lahat para wala lang sa 'kin ngayon ang makita siya ulit.

After remembering everything, I quickly sought for a professional help dahil halos gabi-gabi akong hindi nakakatulog, and my suicidal ideation... came back. Mas nakakatulong sa 'kin ang talk therapy, the reason why I have my own therapist already at from time to time, may appointment din kami.

I sat on my bed again and stared at nothingness. Mula sa pagkakatitig sa kawalan ay dumapo ang mga mata ko sa isang picture frame na nilagay ko sa bedside table. It was me, wearing a toga. Napangiti ako nang kaunti. I remember how happy I was... it was one of those moments where I feel like I'm living a new life, mga panahong hindi ko pa naalala ang lahat.

Bumaling ang paningin ko sa picture frame na katabi ng graduation picture ko. Naramdaman ko na naman ang pagkabasag sa loob ko habang dahan-dahang kinuha ito. It was my mother during her teenage years-- kung saan nakasuot ng uniporme at ang ngiti'y payapa... parang ako noong teenager pa. Parang nakaharap nga lang ako sa salamin.

To Trust the DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon