Chapter 46
One word to describe my head: mabigat.
Putangina. Ang bigat-bigat ng ulo ko nang magising kinabukasan to the point that I ended up crying in my bed. My hands were holding my head like an insane woman. I'm not exaggerating, para talaga akong mababaliw sa sakit at bigat. Napasigaw pa ako. Punyeta naman, gaano karami ba ang nainom ko kagabi?!
My eyes widened in fraction when I felt my stomach turning upside down. Napatakbo agad ako patungong comfort room at sumuka nang sumuka sa toilet. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling sumusuka basta ang alam ko ay matagal 'yon. My body weakened after that. Napaupo na lamang ako sa harap ng toilet at napahawak sa ulo, iniiwasang mapatingin sa toilet. Fuck. Kadiri. There's an urge to vomit again upon seeing the whole murder in the toilet.
And because I don't have a choice, I flushed the toilet until there were no traces of it anymore. Kahit papaano ay may kung anong tinik na nabunot sa 'kin pagkatapos sumuka. I quickly cleaned all my mess. Nag-toothbrush din ako agad dahil ang baho na ng hininga ko.
I pinned my hands against the sink and looked at myself on the mirror. My lips gaped upon seeing how messy my face was. Gulong-gulo ang buhok at hindi ko alam kung saan na ba patungo ang mascara na nilagay ko. Napailing ako sa sarili at agad naghilamos. I also took a bath after that para mahimasmasan.
I was trying to remember what happened last night until midnight habang nagbababad sa bathtub. Nakatulala lamang ako sa mga bula dahil... wala akong maalala. Tangina. Agad akong nag-overthink... what if I did a lot of embarassing things? I suddenly forgot my own existence. Puta. Kinabahan ako bigla sa naisip na posibleng kahihiyang ginawa ko.
O baka hindi talaga ako nandito sa condo namin ni Daphne? Baka ibang condo 'to? Bigla akong nanlamig. Kung ganoon... anong susuotin ko ngayon?!
I closed my eyes and leaned on the tub. Bahala na nga muna, basta ang mahalaga ay makaligo.
When I was done, I quickly wrapped my body with a towel. Alam kong iyon ang tuwalya ko kaya panatag na akong nakauwi nga ako nang maayos dito sa condo.
"Faith Aurora Vilan!"
Patapos na akong magbihis nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Daphne mula sa labas. She was also repeatedly knocking on the door which caused me to roll my eyes in annoyance. Ang aga-aga umiinit ang ulo ko. I covered my head with a towel before opening the door. Wow, kahit gaano pala ako kalasing nang mauwi rito ay na-lock ko pa ang pinto.
Para akong gustong sugurin ng isang dragon nang pagbuksan ko si Daphne. She was furrowing her brows at me, at ang mga kamay ay nasa bewang.
"What?"
"Anong oras na?! Mag-agahan ka na!" parang nanay niyang sermon. "Ay hindi, lunch na pala!"
Kumunot ang noo ko nang tumingin sa wall clock ng k'warto ko. Anak ng... ala una na ng hapon! Huminga ako nang malalim saka napapikit nang mariin. My head still hurts.
"Ano? Masarap ba ang alak?! Ke bata-bata mo pa umiinom ka sa malayo nang mag-isa!"
Sa kabila ng kirot ng ulo ko ay nagawa ko pa'ng tumawa dahil sa sinermon niya. Para na tuloy siyang si Tita Stella. "Hoy, bente-kuwatro na ako, gaga!" Nilagpasan ko siya at lumakad na sa hagdan patungo sa dining area. Patuloy pa rin siya sa pagdada kaya napailing na lang ako. Tinakpan ko rin ang mga tenga ko dahil ang ingay-ingay.
"Nakikita ko na future mo. Magiging isang pala-sermon kang nanay sa walang kuwenta mong anak na hilig uminom at mag-barkada," natatawa kong pang-aasar habang nagtitimpla ng kape. Pero natigil din ako sa pagtawa't napalunok nang maisip ang sarili ko rati.
BINABASA MO ANG
To Trust the Dawn
Fiksi RemajaFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been searching for the warmth of a home---the same warmth the dawn brings. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa ang bata at inosente niyang puso na sa wakas ay makahanap n...
