Chapter 47
I hate being a human. Having different emotions is what makes humans complex, and I hate it. Kung p'wede lang kayang utusan ang puso ko na isang emosyon lang dapat ang maramdaman ay matagal ko nang ginawa. If I could just let rage rule my heart until I own its identity, there would be no problem for me.
Being a human means feeling different emotions at the same time. Hindi maaaring diktahan ang puso sa kung anong gusto nitong damdamin dahil wala tayong kapangyarihan para mapasunod ito.
Kung p'wede lang maging robot na lang kahit hanggang sa natitirang dalawang buwan na narito pa rin siya sa France. Yes, it's been three months since he and his entire team started shooting here in Versailles---na ang major scenes ay shinoshoot sa Terre Savoureuse.
Hindi ko akalaing ganoon kabilis lumipas ang mga buwan. It's been a week as well since he begged to talk to me... since I realized that it's frustrating to be a human who has to feel different emotions towards a person at the same time.
"Pang-lima na yata 'yan," rinig kong komento ni Daphne.
Napatingin ako sa panglimang bote ng beer na tinungga ko na malapit na ring maubos. I heaved a deep sigh while lowering my gaze. I already felt dizzy, pero hindi pa rin ako kinakain ng antok. Kanina pa ako hindi makatulog. Lintek na insomnia.
What I did was drinking in the middle of the night to be sleepy. Ala una pa naman ng hapon ang start ng shift namin bukas kaya p'wede lang ma-late nang gising. Sir Moreau will be having an important appointment tomorrow morning, so he had decided to close the restaurant the whole morning.
I chuckled. "Oh, ikaw? Ba't gising ka pa?"
"'Di rin ako makatulog." She scratched the back of her head.
"Paano mo nalamang pang-lima ko na 'to?" I squinted my eyes at her.
"Kanina pa ako rito sa harap mo, busy ka kasi kakatulala sa kung saan kaya 'di mo napansin."
Natawa ako, pero kalaunan ay naglaho rin 'yon nang maisip ang isa sa mga dahilan kung bakit ako umiinom ngayon.
I fucking hate to admit it... the thought of him hadn't left my mind since that night. Malinaw pa rin sa 'kin lahat ng detalye ng pagmamakaawa niya sa 'kin sa gabing 'yon... the way his voice gently called me by my second name, the way he begged me to hear him explain himself, and the way he almost kneeled in front of me.
I feel like... regretting.
Matapos kasi ng gabing 'yon ay hindi ko na ulit siya nakita sa restaurant; isang linggo rin. Maybe... they're shooting the remaining scenes in another places. I don't know.
"Daphne," I called her. Nakita kong nagbukas din siya ng isa pa'ng beer at tinungga ito.
She raised her brows---asking me why.
"How do you know if you're already ready to forgive someone? O... hindi na sarado ang isip mo na tumanggap ng paliwanag?" pikit-mata kong tanong dahil nahihilo na ako. Pero hindi ito ang uri ng hilo na gusto kong tumawa nang tumawa gaya noong nasa bar ako. I felt... sad. It's just even an understatement. Parang may nakadagan na mabigat sa 'kin habang iniisip siya.
Kahit hindi na ako masiyadong diretso kung tumingin ay nakita ko pa rin ang panliliit ng mga mata niya sa 'kin, parang tinatantiya ako. It made me look away because I feel like she's reading my mind. She obviously knows why I'm asking this question.
Pero pakiramdam ko, hindi niya naman ako aasarin dahil ilang segundo ring naghari ang katahimikan sa amin pagkatapos kong itanong 'yon.
Ilang saglit pa'y narinig ko ang buntong-hininga niya kaya sinipat ko siya. Suddenly... her eyes became empty.
BINABASA MO ANG
To Trust the Dawn
Roman pour AdolescentsFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been searching for the warmth of a home---the same warmth the dawn brings. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa ang bata at inosente niyang puso na sa wakas ay makahanap n...
