Chapter 48

64 0 0
                                        

Chapter 48

"I-I'm sorry... you have to s-see it..."

Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na kinakayang tingnan ang lungkot na nakikita sa mga mata niya. He looks so guilty... like any moment by now, he'd break himself in front of me just to avoid my eyes. Kanina pa siya hindi makatingin sa 'kin mula nang hawakan ko ang mga kalmot at sugat niya.

I was still guiding him. He seems hesitant to be held by me. Nararamdaman ko ang nag-uumapaw na hiya sa kaniya dahil kahit hindi niya na kaya pa'ng maglakad nang diretso ay pinipilit niya pa rin. It was as though my touch is burning him.

I didn't speak. Nang makarating sa living room ay tinulungan ko siyang makaupo sa couch. I can feel him trying to sober up, but the alcohol was so strong that he ended up laying on the couch. Pero napansin ko pa ang pagtago niya sa kaniyang pulso mula sa paningin ko.

I looked away as I felt my tears welling up again. I was wiping my tears when I turned my back because I can't bear him seeing him like this after knowing that he harmed himself. Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang naglakad papalayo.

"S-Saan ka?" malamlam ang boses na tanong niya.

I halted from walking and wiped the new tears that came out again. Tumikhim ako dahil alam kong mahahalata sa boses ko na umiiyak pa rin ako kung hindi ko 'yon gagawin.

"Sa labas. Itatapon ko ang mga bote at maglilinis saglit," marahang sagot ko. Taliwas sa nakasanayang tono ng boses na ginagamit ko sa t'wing kausap siya mula nang dumating siya rito sa France, naging marahan ito ngayon.

"P-Please don't... Ako na, Aurora."

Lumingon ako at nakita siyang dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga. He tries to offer me a small smile as though convincing me that he can do it. He still looks ashamed which made my heart break again.

Hindi naman ako nakagalaw sa kinatatayuan dahil nanatiling nakatingin sa kabuoan niya. One of the known young directors in the Philippines that is known to be successful in all of his crafts is in front of me... almost literally breaking himself. At nagpapadurog lalo sa 'kin 'yon dahil sa kabila ng mga narating niya, alam kong hindi siya tunay na masaya.

Dahil sa pagtagal ng tingin ko sa kaniya ay hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa harapan ko. My lips gaped when I felt him gently wiping my tears. He has a small smile on his lips while looking at me... ang paraan ng pagtingin niya ay parang nananaginip.

"Ako na, ha?" Mahina ang kaniyang boses at nararamdaman ko ang pagod. He also stopped wiping my tears and lowered his gaze. "Y-You don't need to do this, Aurora. Alam kong... galit ka pa. A-Alam kong napawi lang 'yon saglit dahil sa nakita mong mga sugat sa 'kin... Y-You don't need to do this if your heart is saying otherwise. Huwag mong pilitin ang sarili mong makausap at makasama ako dahil nakita mo ang... sugat ko. I didn't mean to show it to you... I'm sorry... I'm sorry..."

Napasinghap ako nang sunod-sunod na namang nagsibagsakan ang mga luha ko. I hate that he's still so scared even after I clearly showed him that I care! That I still love him and I can't lose him that's why I'm doing this!

Pinilit kong manlisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Nakita ko na naman ang takot sa mga mata niya, pero binalewala ko 'yon.

"Ako na nga! Bumalik ka na ro'n sa couch! Can't you understand? Hindi mo na nga kaya dahil lasing na lasing ka na. Kung magpupumilit ka pa, talagang magagalit na naman ako sa 'yo!" pagbabanta ko.

I saw him flinched when I raised my voice, the reason why guilt quickly enveloped my heart. Napalunok ako nang hindi na naman siya makatingin sa 'kin.

"I'm sorry..." I quickly apologized. "Hindi mo naman gustong magalit na naman ako, 'di ba?" Naging marahan na naman ang boses ko.

To Trust the DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon