Chapter 56
Feeling empty without knowing the reason is a universal experience. Most of us seek for things that could possibly fill the vacancy because its weight is heavier than an occupied space of one's own heart. You couldn't fathom its existence—the reason why you feel loaded even if you're not.
Ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko habang tulalang nakatingin lamang sa pabilog na lamesa. Dalawang araw na ang nakararaan mula nang malaman ko ang nangyari kina Sanya at Allysah, at ang posibleng kasalukuyang sitwasyon pa rin nila hanggang ngayon. And still, the emptiness still lingers. I still don't know what to feel, but I feel like there's one thing that I want to happen in order to fill the vacancy in my heart.
"Hoy, nakikinig ka ba?"
Napakurap ako nang marinig ang boses ni Nik sa harapan ko. She was furrowing her brows at me. The side of my lips rose at her. Oo nga pala, magkasama kami ngayon. Nagyaya siyang makipag-lunch dito sa isa sa high-end restaurants sa city proper. We're currently waiting for our orders now.
"Hindi. Wala na akong tenga."
"Aba, ang pilosopo, ah." Nagulat ako nang bigla niya na lang pinikot ang tenga ko.
Audible groans came out of my mouth at that abrupt move. Sinamaan ko siya ng tingin kasabay ng paghigpit ng pag-alis ko sa kamay niyang nakahawak sa tenga ko. Kinurot ko pa ito nang malakas kaya siya naman ngayon ang namilipit. I was loudly chuckling while looking at her. However, I quickly covered my mouth and halted when I noticed the people's eyes around focusing on us. Napatikhim ako't umupo nang pormal.
Hindi 'yon gawain ng professional, Rory. Hindi ka na high school.
Nik also realized it late as she still spent the next seconds groaning loudly as if we're the only customers here. Napatikhim din siya at napaupo nang maayos. Nang magkatinginan naman kami ay sabay lang din kaming natawa na parang mga tanga.
"Gago ka talaga," I muttered.
"Coming from you?"
I just laughed.
"Anyway, ano nga pala 'yong sinasabi mo kanina? I was preoccupied."
Tumingin siya sa 'kin nang matagal bago bumuntong-hininga't nagsalita, "Ang sabi ko, deserve nila 'yon."
Natahimik ako saglit nang matanto kung ano ang tinutukoy niya. During the first minute of waiting for our orders, I began telling her what Tita Stella told me two days ago.
"Sa lahat ng katarantaduhang ginawa nila sa 'yo mula noong bata ka pa, malamang may masamang balik talaga. Yabang-yabang pa rati, pero sa gan'to lang din pala mauuwi ang buhay nila." Sarkastiko siyang natawa saka uminom sa isang baso ng tubig na dinala ng isang waiter.
Hindi ako nakapagsalita. Kagaya ni Tita Stella, nararamdaman ko ring parang ang sama-sama kong tao dahil wala akong ni katiting na nararamdaman tungkol sa kinahinatnan nilang sitwasyon.
Pero napangisi ako nang may biglang maalala.
"Rebelde. Rebelde pala 'yong nanay mo."
"Well, no wonder na anak ka niya. Amoy alak na kahit fourteen pa lang, at baka nga maaga kang mabuntis lalo na 'pag may 'di trusted na lalaki kang kainuman. May napanuod kasi ako na gano'n ang sitwasyon, nakakaawa. Ni-rape 'yong tomboy—"
It was one of Sanya's remarks that cut deeply to the point that my brain can still remember until now... especially that it connects to my mother and the word... rape, God, she's evil. Iyon yata ang isa sa pinakamalala na sinabi niya sa 'kin na talagang natawa pa siya, demonyita na kahit ang bata pa noong sinabi niya 'yon. Her age at that time wasn't an excuse of how she made fun of rape when women or men who went through it got traumatized that it takes them long to heal and forget because they still face the same nightmare everyday.
BINABASA MO ANG
To Trust the Dawn
JugendliteraturFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been searching for the warmth of a home---the same warmth the dawn brings. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa ang bata at inosente niyang puso na sa wakas ay makahanap n...
