Chapter 35

5 0 0
                                    

Chapter 35

"Bakit? Bakit ngayon ka lang lumapit sa 'kin para sabihin 'to?!"

Kahit nakakabingi ang naging sigaw na 'yon ni Tita ay parang wala akong narinig. Para pa rin akong namamanhid sa nalaman habang nakatulala kay Daphne ngayon na nakatulala pa rin, pero lumuluha na.

Napatakip ako sa bibig ko kasabay ng pag-iwas ko ng tingin. Buhay ang anak ni Tita... buhay ang pinagluksaan niya nang ilang taon. Kahit wala ma'ng maipakitang pruweba ang babae sa sinasabi nito, hindi na 'yon kailangan ngayong nag-sink in na ulit lahat sa 'kin ang napansin noon.

"S-Sorry... Sorry po, Ma'am... N-Noong isang buwan ko pa kasi nalaman na ikaw ang tunay na ina ng batang nasagip ng asawa ko noon sa pagkasunog..." Lumuhod ang babaeng naging ina ni Daphne sa harap ni Tita na kapuwa niya nakaluhod sa hinagpis.

Dahan-dahang tumingin si Tita kay Daphne, at nakita ko ang mas lalong pagbaha ng emosyon sa kaniya. Siguro dahil sa napansin nito sa mukha ni Daphne. Dahil ako, matagal ko nang napapansin ang pamilyar na hugis ng mukha nito maging ang halos lahat ng parte ng kaniyang mukha.

Unang pagkikita pa nga lang namin noon, may naalala na akong kamukha niya. Hindi ko lang matukoy kung sino, o sadyang in denila lang din ako no'n dahil ayokong mapuno ng tanong ang isipan ko, sa dami ba naman ng problema ko magdadagdag pa ba ako?

At si Tita 'yon. Magkahawig kami ni Tita dahil na rin parang pinagbiyak na buko silang dalawa ni Fabienne, pero mas magkamukha silang dalawa ni Daphne. Kuhang-kuha niya lahat ang features ni Tita.

Marami sa mga kasamahan namin sa trabaho ang ilang ulit na ring nag-point out noon na para daw kaming magkapatid dahil magkahawig kaming dalawa. Tinatawanan lang namin iyon ni Daphne noon, iniisip na coincidence lang, pero hindi namin alam na isa pala 'yon sa signs na konektado kaming dalawa dahil si Tita ang tunay niyang ina.

Nag-iwas ako ng tingin dahil naninikip na naman ang dibdib ko. Hindi pa nga ako totally nakaka-get over do'n sa katotohanang ampon lang sila Sanya at Allysah, ngayon may ganito na naman. Ano, may susunod pa ba? Parang hindi ko na kaya pa'ng i-absorb lahat.

"P-Paano... Paano mo siya nailigtas?" hirap na hirap na tanong ni Tita na hindi pa rin gumagalaw sa kinaluluhuran. Nanatili pa rin ang tingin nito kay Daphne na nakatingin na rin sa kaniya ngayon at tahimik lang.

Napakurap ako nang mag-angat ito ng tingin sa 'kin. Nakitaan ko ng munting gulat ang mga mata niya, pero naging malamlam ulit ang mga ito nang ibinalik ang paningin kay Tita.

Dahan-dahan namang lumapit muli ang babae kay Daphne at tinabihan ito sa pag-upo. Habang ako naman na patuloy pa rin sa pag-proseso sa nalaman ay inakay na si Tita patayo hanggang sa pareho kaming mapaupo sa sofa na malapit lamang sa dalawa. Si Lola naman ay pumunta muna sa kusina at nakita ko ang aligaga nitong pagkuha ng pitsel at mga baso.

Katahimikan muna ang namayani, para ba'ng hinahayaan muna ng sandali na kumalma ang lahat. Patuloy naman ako sa paghagod sa likod ni Tita dahil hindi pa rin siya tumatahan, kahit nang pinainom siya ni Lola ng tubig.

"Bagong salta kami ng asawa ko roon sa Barangay kaya hindi pa namin kilala ang mga kapitbahay namin... isa rin kami sa mga nasunugan. Dali-dali naming isinalba ang mga sarili namin palabas sa back door dahil nagpa-panick na dahil na rin sa pagkalat ng apoy. May narinig kaming iyak ng bata na nagmumula sa kalapit na bahay, nakita namin itong hawak-hawak ng nanghihinang lalaki na duguan na at naghihingalo. Nakita niya kami nang walang pag-aatubiling nilapitan namin sila... h-humiling siya sa amin na dalhin namin ang bata para iligtas, tutulungan din sana namin siya, pero... nang makuha namin ang bata ay... n-nabagsakan na siya ng umaapoy na tabla."

Mas lalong kumirot ang puso ko sa narinig. Ang asawa 'yon ni Tita. Mas lalo namang napahagulgol si Tita sa narinig. Naluluha na rin ako dahil napakasaklap ng nangyari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Trust the DawnWhere stories live. Discover now