Chapter 44
Despite my realization, my eyes were still fixed on him. Hindi ko maintindihan kung bakit parang lumilipat na sa 'kin ang bigat na halatang dala-dala niya. I bit my bottom lip, trying to let this fucking emotion leave me alone. Pero hindi ito nakinig sa 'kin... it even coordinated with my eyes because they couldn't let the sight of him being swallowed by emptiness be alone.
Halos hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan nang dumiretso ang mga mata niya sa 'kin. I swallowed the lump of my throat when I noticed how his eyes glittered, how tears started to well up, how they were filled with melancholy... kasabay ng pagliliwanag ng lamppost sa kaniyang tabi na siyang nagbigay-linaw sa simbolo ng sakit na nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin sa 'kin.
Pero kahit malinaw kong nakikita ang mga luhang 'yon... hindi ko pa rin maiwasang isipin na para akong nakikipagtitigan sa isang bungo. Even when his eyes are on me, they still show emptiness. Walang buhay. Walang kahit anong laman. Para ba'ng matagal na panahon na siyang pinanawan ng hininga, and him being technically alive in front of me is just nothing but a mere illusion.
For some unknown reason, that sight of him... deepened the ache inside of me even more.
Muntikan nang mangilid ang mga luha ko, pero para iyong bagyong hindi natuloy nang may sasakyang dumaan sa pagitan naming dalawa, causing the sight of him to be gone from my eyes. God knows how grateful I was for that.
Dahil nagising ako sa katangahan dahil sa biglaan ko na namang paglambot. Parang pinalo ako sa ulo para ipaalala sa 'kin na hindi ko dapat damdamin ito. Because why would I, right? He's just nothing but a forgotten past that shouldn't be remembered anymore, or a clear bad dream that everyone would wish to forget once they wake up.
Maraming sasakyan ang dumaan pa pagkatapos ng isang nagpagising sa 'kin kaya't natatakpan na ang presensiya niya ng mga ito. And before our eyes could meet again, I already turned my back--a sign of me, turning back from the past that should already be buried.
I was gritting my teeth while I was opening the damn door with my key. Ayaw agad iyong mabuksan dahil sa panginginig ng mga kamay kong hindi nakikisama. Anger started to creep into me when it sank into me again... it's confirmed that he's the one who gives me a bouquet of marigold for weeks now. Pinalitan na nito ang kung ano mang emosyon ang bumalot sa 'kin kanina.
When I was successful opening the goddamn door, tinapon ko ang dalang shoulder bag sa couch. I wanted to freak out. Ang pinigilang mga luha kanina ay sunod-sunod na tumulo dahil sa magkahalong sakit at galit.
Tangina, bakit hindi pa rin siya tumitigil? Dahil sa pagpapakita niya ulit sa 'kin, naramdaman ko na naman ang pamilyar na emosyon na matagal ko na sanang ibinaon sa limot! Can't he understand that I'm trying to heal the wounds in me that he had caused? Ano ang iniisip niya? Na mapapaamo niya ulit ako? Oo, muntikan na! But that is not happening again!
My rage turned my fists into tight balls as I walked upstairs. Instead of proceeding into my room, pumasok ako sa k'wartong katabi lamang nito kung saan ko inilalagay ang mga bouquet na pinapabigay niya. I came to a halt upon seeing how many they are already... some are still fresh, and others have already withered.
For a moment... I hesitated with my plan upon seeing how beautiful they were even some are already withered.
Pero mulang umahon ang galit sa 'kin nang mapagtanto na parang inalagaan ko ang mga bigay niya dahil sa hitsura ng mga ito. At dahil sa naramdaman, I quickly picked a garbage bag and put them there. Hindi nagkasya ang lahat kaya tatlo sa mga iyon ay binitbit ko lang.
I went downstairs and proceeded to the backdoor of the condominium. Nakita ko agad doon ang burn barrel na minsan lang namin nagagamit ni Daphne. I also brought a box of matchstick with me.
BINABASA MO ANG
To Trust the Dawn
Novela JuvenilFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been searching for the warmth of a home---the same warmth the dawn brings. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa ang bata at inosente niyang puso na sa wakas ay makahanap n...
