Chapter 49

38 0 0
                                        

Chapter 49

"Ivan?" mahinang pagtawag ko sa lalaki nang hindi ko na naramdaman pa ang paggalaw niya. Even though it's already obvious that he already fell asleep, I couldn't help but think about morbid things...

I quickly shook my head when I thought about it. Huminga ako nang malalim saka marahang tinapik ang balikat niya. He was still leaning on my shoulder, and we were still hugging each other.

Dahil sa posisyon namin ay parang nalagay ako sa isang magaan na sitwasyon... I feel like the heaviness that my heart has been carrying for five years is now... gone. At kung ngayong gabi lang ito at babalik ulit sa susunod na mga araw ay nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay pinaramdam sa 'kin ng mundo na hindi ko ito kailangang bitbitin.

Ang mas nagpapabigat sa dala-dala kong 'yon sa loob ng limang taon ay ang galit kong hindi natatahimik. It's true what they say that it's heavy to carry rage for a long time.

Ngayong narinig ko na ang paliwanag niya, unti-unti nang nanahimik ang galit ko sa kaniya at napalitan ng simpatya. He was also... a victim. To be betrayed by someone you loved first is something that kills the heart. Naramdaman ko ang pagtulo na naman ng mga luha nang maisip 'yon.

Hindi ko muna siya ginising sa susunod na sandali, naglaan ako ng sandali para marahang haplusin ang kaniyang buhok... to silently deliver my sympathy for him. Sa bawat mabigat na hiningang pinapakawalan niya, naramdaman ko roon ang pagod. Nakikita ko sa kaniya ang pagod mula sa paulit-ulit na paghingi sa 'kin ng tawad at ang pagod na dala-dala niya na sa loob ng ilang taon na tinuruan din siyang markahan ng sugat ang sarili.

Who wouldn't soften when someone shows the most vulnerable part of himself?

"Ivan..." I gently called him again.

I tapped his left cheek. He was still peacefully sleeping kaya nagdadalawang isip akong gisingin siya. He couldn't sleep here on my shoulder the whole night. We shouldn't be seen by Daphne in this position the next morning.

Patuloy ako sa marahang paggising sa kaniya, hanggang sa agad-agad na dumilat ang mga mata niya na parang naalimpungatan. He was blinking his eyes a few times while his gaze was being lowered. Parang hindi niya alam ang nangyayari sa paligid niya.

Tumayo ako nang umalis na siya sa balikat ko. Nakatulala pa rin siya habang nakaupo sa sahig.

"Sa guest room ka muna matutulog ngayong gabi," sabi ko. I offered him my hand para alalayan siya patungo roon.

Ngayon ay napatingin na siya sa 'kin. His face was still blank as though he's in a dream, the reason why I felt an ache in my heart again. Maliit akong ngumiti sa kaniya.

Without saying anything, he reached for my hand. Tumayo na rin siya at muntik nang matumba kung hindi ko lang nahawakan ang bewang niya nang maayos. Hindi siya nahimasmasan dahil parang wala pa rin siya sa sarili habang naglalakad kami patungo sa guest room na sinabi ko.

When we reached the guest room, I quickly guided him to lay on the bed. Iniwan ko siya saglit para kunin ang first aid kit. I wasn't able to treat his wounds earlier because we both became emotional. Nagdala rin ako ng isang panyo pamunas sa pawisan niyang mukha.

Nang makabalik sa k'warto ay nakita kong nakahinga na siya nang maayos at nakapikit na rin ang mga mata. Agad akong umupo sa tabi niya at naghanda. Pinunasan ko muna ng panyo ang buong mukha niya pati ang leeg bago sinimulang gamutin ang mga sugat niya sa panga.

I could feel his breaths on my hand as I began cleaning his wounds. Saglit akong napatigil para titigan sa malapitan ang kaniyang mukha nang mabuti. He looks peaceful... as though he doesn't carry the world on his shoulders whenever he wakes up.

To Trust the DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon