Chapter 51
Tw: mention of self-harm
"'Wag mo 'kong maasar-asar."
Pinilit kong ikunot ang noo upang ipahatid na naiinis ako sa pasaring niya, pero mas lalo lang akong naging emosyonal. Because I miss everything about us in the past.
Narinig ko ang mahina niyang tawa. Pakiramdam ko gusto niyang palakasin ang pagtawa gaya ng kung paano siya tumawa sa 'kin dati nang nang-aasar, pero pasalamat siya't hinang-hina pa siya kaya matatantiya ko pa.
I sniffed as I looked away. Embarassment just started to swallow me because he caught me looking like someone who grieves for his death. Pinunasan ko rin ang mga luha, iniiwas pa rin ang tingin, at inayos ang pagkakaupo dahil napagtanto ko ulit kung gaano na kangalay ang mga paa ko.
I didn't know why silence ruled in between of us after that. Napalunok ako bago dahan-dahang pinihit ang tingin sa kaniya dahil hindi ko na natiis pa. My lips went ajar upon seeing him wearing a small amused smile on his lips. His eyes still looked so tired, yet I saw a familiar and vivid glint that I would always see before whenever he sees me. At pakiramdam ko'y ngayon lamang ulit nabalik ang liwanag na 'yon sa mga mata niya.
"Ano ba? Ba't ka nakatitig nang ganiyan?" kunot-noo kong tanong kahit parang... gusto ko ring ngumiti. Siguro lahat ng uri ng pagngiti ay magagawa ko ngayon.
"I'm just really... happy. Pakiramdam ko, nananaginip lang ako," nanghihinang aniya, pero malinaw ang masayang emosyon.
Naramdaman ko ang pagkatunaw ng puso. I bit my bottom lip when I felt my tears welling up again upon remembering how he looked like dreaming when I let him inside my condo unit. Ilang simpleng paraan ang ginawa ko sa gabing 'yon para lang ipadama sa kaniyang hindi siya nananaginip... na totoo ang paghaplos ko sa kaniyang mukha, pagbibigay ng baso ng tubig para mahimasmasan siya, at ang pagpapahayag kong pagkatapos ng ilang tao'y naiintindihan ko na siya.
At ngayon, alam kong hindi niya na kailangang maguluhan pa kung nasa reyalidad ba siya o nasa isang panaginip dahil ilang libong beses kong ipaaalala sa kaniyang totoong nangyayari ito gaya ng pag-ibig ko sa kaniya.
"This ain't a dream... I'm here in front of you," I assured him while offering a gentle smile.
Muli ay nakita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Nag-iwas siya ng tingin, pero binalik lang din sa 'kin at mas lalong lumaki ang pagngiti.
"Grabe ka siguro kung nag-alala kanina, 'no?" His voice almost broke while trying to tease me. The teenager Ivan just came back.
My brows furrowed again. "Bakit kasi hindi ka umiwas sa bala? Muntik ka pa'ng mamatay kung hindi lang braso ang tinamaan sa 'yo! Buti na lang at hindi kritikal ang lagay mo! Papatayin talaga kita kung namatay ka." Nakasimangot na ako sa kaniya ngayon. I teased him back. And damn... it feels good. Because this is how we would joke with each other before. Good old days.
Tumawa siya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa 'kin. Para na kaming mga tanga na nagtatawanan at nagbibiruan habang parehong may mga luha sa mga mata. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagtungo ng ulo sa kama dahil sunod-sunod na namang nagsibagsakan ang mga luha. Parang tanga talaga.
"I-I'm sorry for not telling you about it..." mahinang sabi ko nang mag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya. I was wiping my tears. "Hinintay ko lang talaga na ikaw mismo ang makaalala dahil ayokong pag-usapan na ako lang ang nakaaalala... Sana sinabi ko agad, 'no?" Naging mapait ang ngiti ko nang maalala ang hindi inaasahang pangyayari kagabi. "Siguro hindi nangyari 'to... hindi mo kailangang magmadaling pumunta sa unit ko, at siguro wala ka sa tabi ng kalsada kagabi that pushed that robber to abruptly rob your phone."
BINABASA MO ANG
To Trust the Dawn
Teen FictionFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been searching for the warmth of a home---the same warmth the dawn brings. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa ang bata at inosente niyang puso na sa wakas ay makahanap n...
