Chapter 43

28 0 0
                                        

Chapter 43

Back to reality again.

Humihikab pa ako nang magbabad sa bathtub. I was still really sleepy. Hindi nga siguro ako magigising nang maaga kung hindi lang kinalampag ni Daphne ang pinto ng kuwarto ko para gisingin ako. She always knows whenever I don't wake up at the intended time to wake up because it can be seen from the outside that the lights in my room are off.

That's what I also do whenever she wakes up late kaya ginagaya ako ng gago. Tsk, gantihan lang. That's our love language as cousins.

I was trying to get rid of my sleepiness and dizziness while getting ready for work after taking a bath. Hindi ko alam kung anong oras na ba akong nakatulog kagabi dahil ang naalala ko lang ay dilat na dilat ang mga mata ko habang nakatingin sa kisame. I couldn't sleep last night because those memories kept on bugging my head.

Inilingan ko ang sarili para hindi na uliting maisip pa siya at ang mga 'yon. Ang s'werte niya naman para maisip ko pa. Just because he had the Dona Aurora flower sculpted doesn't mean my heart will soften. Hinding-hindi na ito kailanman lalambot sa kaniya.

There will still be times when I would be emotional over him, but it's just because of the memories that I had with him... hindi dahil lumalambot na ang puso ko sa kasalukuyan. It's not realistic when I say that I'm completely numb when it comes to him because I'm still a human after all who feels emotions, especially when talking about the past.

Habang nasa sasakyan na kaming dalawa ni Daphne, nagpatuloy ang sermon niya sa 'kin. Dahil inaantok pa talaga ako, she was the one who drove the car. Baka ma-aksidente pa kami.

"Tsk, tigilan mo na nga ako. Kamukha mo lang si Tita, pero hindi mo 'ko masisindak d'yan sa mga sermon mo," nakangising ani ko habang nakapakit at nakasandal.

I suddenly miss Tita Stella. When Daphne and I were still studying, walang araw na hindi 'yon tumatawag sa kahit na sino sa 'ming dalawa dahil naninibago na wala siyang inaalagaan. Napupunan naman 'yong pangungulila niya kapag umuuwi si Daphne sa Pilipinas sa t'wing bakasyon. Si Daphne lang ang umuuwi sa 'min noon tuwing bakasyon dahil kahit wala pa akong naaalala noon... may nag-uudyok sa aking huwag umuwi ng Pilipinas.

Idinilat ko ang mga mata para makita kung nasaan na kami. Sinimangutan lang ako ni Daphne dahil sa sinabi ko. Nakita kong malapit na kami sa restaurant kaya inayos ko ang sarili. I took several deep breaths because my sleepiness can't still abandon me. I also applied a nude lipstick on my lips dahil parang kulang na lang sa 'kin ay kabaong dahil sa kaputlaan ko.

"'Di naman halatang puyat ka, 'no?" pang-aasar niya sa 'kin bago tinanggal ang seatbelt at lumabas sa kotse.

I also removed the seatbelt and went out of the car. I just rolled my eyes at her. When we entered the restaurant, there were already a few people. Alas sais na ng umaga. Dali-dali kaming dumiretso sa kitchen. Hindi pa naman kami kumpleto. Ginawa ko na agad ang trabaho ko, at sinigurong hindi na lutang para hindi magkamali.

"Le réalisateur et son équipe ne sont pas là. Peut-être qu'ils sont en train de filmer ailleurs, ici à Versailles, aujourd'hui... (The director and his team are not here. Maybe they're doing the taping in another place here in Versailles today...)"

"Peut-être... J'aimerais pouvoir les repérer plus tard. Je veux revoir le réalisateur... (Maybe... I wish I could spot them later. I wanna see the director again.)"

Kunot-noo akong lumingon sa likuran nang marinig ang pag-uusap na 'yon. I saw two waiters talking to each other. Pamilyar sila, kaya natukoy ko agad na silang dalawa 'yong nag-uusap... and I heard one of them saying that the director is hot. Hindi ko namalayang tumalas na ang paningin ko sa kanila.

To Trust the DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon