Chapter 54
"Lola?" kunot-noo kong tawag dito nang matagpuan siya sa k'warto ko. She was facing back at me, and her shoulders were moving---an obvious indication that she was sobbing.
Bumalatay agad ang pag-aalala sa 'kin at agad siyang nilapitan. It was my fourth day of vacation, and I've already noticed the obvious pattern of emotions on her eyes day by day... lalo na sa t'wing tumitingin siya sa 'kin sabay tingin sa picture frame ni Mama na nasa sala. I don't know what's going on with her... and a part of my heart is not ready to hear it.
"Bakit ka ho umiiyak?" I gently asked her while caressing her back. Mas lalong lumala ang hagulgol na pinapakawalan niya. I looked away while still caressing her back because I already have an idea about what's going on with her.
"P-Patawarin mo 'ko, apo... Patawarin mo 'ko sa lahat ng mga sinabi ko sa 'yo no'n... Alam kong... A-Alam kong kahit ilang taon na ang dumaan, at a-alam kong sinabi mo na ang pagpapatawad mo sa 'kin, pero d-dinadalaw pa rin ako ng konsensya sa t'wing sumasapit ang g-gabi... Narito pa rin ang matinding pagsisisi." Halos hindi siya makabuo ng salita nang tuluyang sabihin 'yon.
I felt a sudden crack in my chest upon hearing it. At the same time, that crack invited my tears to be out of my eyes.
"Lalo na roon sa p-palagi kitang pinagkukumpara kay F-Fabienne... sa mga p-panahong hindi ko pa alam ang nangyari sa kaniya. B-Binulag ako ng galit ko para sa panganay kong anak kaya kahit wala kang kasalanan ay napagbubuntuan kita noon dahil... k-kamukhang-kamukha mo siya. K-Kaya sa t'wing nakikita kita ay bumabalik ang galit ko noon."
I lowered my gaze. Bumitaw rin ako sa paghagod sa likuran niya dahil parang binalik ako sa nakaraan. I remember how helpless I was whenever she compared me to my mother dahil wala akong laban. She often used her against me whom I didn't even know... na sa pangalan ko lang naman kilala. Sa taong wala naman nang kinalaman sa buhay ko bukod sa siya ang nagluwal sa 'kin. These were my thoughts years ago whenever I break down alone after hearing such painful comparison.
"H-Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ako sa pagsisisi matapos malaman ang nangyari sa Mama mo sa kaparehong araw na umuwi siyang... b-bangkay rito. H-Hindi man lang ako nakabawi sa kaniya... Nagsisisi pa rin ako na hindi ko siya hinanap sa mga taong nagdaan dahil mas nangibabaw sa 'kin ang galit sa pag-alis niya nang walang paalam. N-Naisip kong may kasalanan din ako kung bakit siya umalis dahil m-masiyado akong mahigpit sa kaniya, p-palagi ko siyang pini-pressure, at n-napagsalitaan ko siya ng masakit bago siya nagdesisyong umalis..." Hindi na siya magkamayaw kakapunas sa mga luha nang magpatuloy.
My lips gaped. It seems that those regrets were kept for a long time now since we discovered the truth that she couldn't contain to have it all hidden in her chest anymore. Napalunok ako saka nalasahan ang pait dahil sa bawat bigkas niya ng mga salita ay parang... sariwa pa sa kaniya lahat ng memorya bago umalis si Mama. Para ba'ng lahat ng pagsisising 'yon ay natakpan lang ng galit sa loob ng maraming taon kaya ngayon na tuluyang naipakita ay parang preskong memorya pa rin kahit dalawang dekada't higit na ang dumaan.
Hindi ko namalayang sunod-sunod na rin pa lang tumulo ang mga luha ko. My fists also turned into tight balls.
"S-Sana hinanap ko siya dahil kahit nagrebelde siya, a-anak ko pa rin naman 'yon... s-sana hindi ko pinairal ang pride ko. Ang b-bata-bata niya pa nang mailagay sa mental institution..." Her sobs intensified by the mere mention of the latter. Wala akong ibang nagawa kun'di ang mapapikit dahil parang hiniwa ang dibdib ko dahil sa paraan ng paghagulgol niya. "K-Kung nalaman ko... hindi sana ako nagdalawang-isip na puntahan siya sa Maynila at ako na mismo ang mag-aalaga sa kaniya o k-kung hindi p'wede... araw-araw ko siyang bibisitahin do'n... Sana ako ang gumawa ng paraan para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kaniya. A-Ako sana ang nagpakulong sa g-gumahasa sa Mama mo..."
BINABASA MO ANG
To Trust the Dawn
Teen FictionFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been searching for the warmth of a home---the same warmth the dawn brings. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa ang bata at inosente niyang puso na sa wakas ay makahanap n...
