Chapter 39

40 0 0
                                        

Chapter 39

"Faith, siya nga 'yon! 'Yong nakita sa labas ng ho-- Hoy, okay ka lang?! Bakit ka umiiyak?"

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Anong umiiyak?" Doon ko lang namalayan ang ebidensiya ng kaniyang tanong. Hindi ako sumagot, bagkus ay tumalikod lang at ibinalik ang mga mata sa taong akala ko ay tuluyan ko nang nakalimutan.

Aurora, huh? How dare him nonverbally utter my second name as if he didn't break his promise to trust the dawn anytime?

As if he didn't trust me during that devastated phase of my life...

Nairita ako sa naisip na naman. Iwinaksi ko siya sa isipan at muling bumalik sa kusina. Why does it still sting? Why does fate have to cross our paths again? Matapos kong tuluyang maalala ulit ang lahat ay ang kaisa-isang hiling ko lang ay hindi na siya makita pa ulit dahil sa trahedyang dinulot niya rin sa 'kin.

I held my chest and closed my chest as I leaned on the wall. Mabigat pa rin. Namalayan ko na lang na sunod-sunod na namang nagsibagsakan ang luha mula sa mga mata ko na para ba'ng nakatayo pa rin ako sa gilid ng kalsada. It still gives me nightmares every night... na parang pinaparusahan ako kahit ako naman ang na-abragyado ng mundo sa gabing 'yon.

I feel like... nineteen again.

Napatingin ako sa mga kamay at nakitang nanginginig ang mga ito. Napapikit ulit ako dahil kahit limang taon na ang dumaan ay parang naririnig ko pa rin ang masasakit na salitang binitawan niya, at ang nakabibinging busina ng sasakyan bago nawala sa 'kin lahat ng memorya. I was having difficulty at breathing while intently pinning my hands against the sink.

Despite being weak, I washed my trembling hands to erase the remnant of blood on them in my mind. Pakiramdam ko, naroon pa rin ang umaagos na dugong nakita ko bago nagdilim ang lahat. I didn't seem to care when I was already being harsh on washing them. Nakatulala ako sa malumanay na agos ng tubig nang biglang parang dinala ako nito sa agos patungong nakaraan...

Gusto kong imulat ang mga mata ko, pero hindi umaayon sa nais ko ang mga talukap na ayaw magmulat. Pagod pa rin ako. Gusto ko pa ring matulog, pero... parang inaanyayahan ako ng sariling katawan na bumangon na kahit ramdam kong hindi ko pa kaya.

May naririnig akong mga iyak at malabong sigawan sa paligid, pero hindi ko alam kung sa'n nagmumula dahil madilim dito. Wala akong kahit anong naaaninag kahit kaunting liwanag.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito pagkatapos ng pangta-traydor mo!" Naging malinaw ang isang boses. Pamilyar ang boses, pero hindi ko maalala kung sino ang nagmamay-ari.

Sinubukan ko ulit imulat ang mga mata kahit nahihirapan na ako. Dahan-dahan ay nagawa ko hanggang sa masilaw ako sa puting kisame at ilaw. Pinikit ko ulit ang mga mata dahil sa pagkasilaw, pero sinigurado kong hindi na ako ulit makakatulog.

Pinilit kong sanayin ang sarili sa liwanag hanggang sa magawa ko. Parang may nakadagan na mabigat sa 'kin dahil nahihirapan akong igalaw ang bawat parte ng katawan. Maging ang paghinga ay masakit. Hinayaan ko munang mag-adjust ang buong katawan ko dahil pakiramdam ko, ang tagal kong nakaratay dito sa kama.

Patuloy ko pa ring naririnig ang sigawan at iyakan sa malapit lang kaya dahan-dahan kong nilingon ang ulo sa pinanggalingan ng mga ito. Naging maingat ako dahil ang sakit-sakit din ng ulo ko at parang mababali ang leeg.

Dalawang babae. Pilit kong inaalala ang mga mukha nila, pero hindi ko sila makilala. Mahina akong napadaing nang biglang sumakit ang ulo ko.

To Trust the DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon