Chapter 58
TW: mention of rape and suicide
Hindi ko alam na may hahabol pa'ng rebelasyon. Akala ko sapat na ang pasakit at gulantang sa mga nalaman ko, pero muli na naman akong gumuho.
My breathing hitched. My lips trembled. I felt my knees wobbling, giving me a sign that they are about to give up again. Hindi ko rin matukoy kung anong unang maramdaman, kung gulat o galit ba, o kung ano ma'ng emosyon na nararapat damdamin.
"W-What?" Tila tinangay ng hangin ang tanong na 'yon dahil sa hina ng boses ko. Halos hindi ko maramdaman ang buong katawan habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"Four years ago, a year after the plane crash, she was arrested. Isa sa mga tauhan niya na inutusan niyang sumabotahe sa eroplano bago ang nakatakdang lipad nito ay umamin at nagsumbong sa kapulisan, pointing her as the mastermind... Siya, at ang mga tauhan niya ay kinulong at hinatulan. They were sentenced under reclusion perpetua." I could not trace sorrow in his voice anymore, it's now purely... rage.
Napalunok ako habang nanginginig, papabadya na rin ang mga luha sa galit. "Why would she do that?!" Napatayo rin ako dahil hindi ko na kaya pa'ng komportableng maupo habang naririnig mula sa kaniya ang katotohanang sisira sa katotohanang tinirhan ko na aksidente ang dahilan sa pagkamatay ni Mama. Tangina.
He looked up at me, eyes were emotionless. "Hindi ako um-attend sa lahat ng hearing dahil baka hindi ko kayanin, pero binisita ko siya isang beses... not because I fucking cared for her, but because I want to know the truth why she murdered my Dad. Hindi ko inakalang umabot na sa sukdulan ang kasamaan niya, she was seriously obsessed! Sa t'wing may lakad pala si Papa, 'lagi niyang sinusundan like an obsessed stalker as if making sure that he doesn't have a mistress. At sa araw na 'yon, when my Dad's in Manila and was on the way here, she discovered that... my Dad and your mother... unexpectedly met again in the same airplane."
Marahas akong napasinghap sa narinig. Kinuyom ko ang mga kamao dahil nanginginig na naman sa galit. "Kaya niya ba inutusan ang mga tauhan niyang isabotahe ang eroplano?"
Umiwas siya ng tingin sa 'kin at dahan-dahang tumango. "Nagalit siya sa posibilidad na magkaayos ang dalawa. His main targets were only them, but because of her fucking obsession and jealousy, innocent lives were also taken. Multiple counts of... murder. Wala man lang akong nakitang simpatya sa kaniya para sa mga buhay na nadamay. Fuck. Pinanganak ako ng isang kriminal at demonyo." Kuyom-kuyom niya ang mga kamao. Malamig lamang ang kaniyang tingin sa harapan at parang walang ibang nakikita kun'di ang anino ng kaniyang galit.
Humahangos akong napatingala sa kalangitan nang sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha ko. "Tangina... Tangina!" Hindi na ako nakatiis pa't pinalabas ang galit sa pamamagitan ng pagsigaw. Hindi ko na naisip pa ang mga posibleng kaluluwang mabulabog dito sa sementeryo. All that I see is red again. No words could even describe the rage that I'm feeling that were manifested through tears.
Pinunasan ko ang mga ito at nanlilisik ang mga matang tumingin sa mga kamay na parang gustong pumatay. I looked at the sky, and my tears fell again when I remember my mother.
She rode on that airplane because she wanted to find her eldest daughter that were taken away from her. She rode on that airplane because she wanted to see me and make it up to me. She was there to finally live again after years of merely surviving in the mental institution. She was there, thinking it was safe, but eventually faced her death just because of Anais' selfishness and jealousy! She died because of pettiness! What's worst is the one who caused her death was also the one who caused the beginning of her suffering!
Tangina, sana ako na lang ang namatay. I was still able to enjoy my youth, but she... was deprived of it. Her suffering in her entire life still led her to nothing. Ako sana ang kabayaran dahil isa naman ako sa dahilan kung bakit siya naghirap. Ako na lang sana.
BINABASA MO ANG
To Trust the Dawn
Teen FictionFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been searching for the warmth of a home---the same warmth the dawn brings. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa ang bata at inosente niyang puso na sa wakas ay makahanap n...
