A/N: This is by far the most painful chapter next to Chapter 36. Brace yourselves, readers! Walang music for this chapter because no music could describe how painful this chapter is. Trigger Warning: mention of rape and self-harm
Chapter 37
Hindi ako nagsayang ng oras, sumakay agad ako ng tricycle at pinasundan ang kotse ni Leigh kung saan nakasakay si Ivan. Nanginginig ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ano ma'ng oras ay matutumba ako. Halos mabingi rin ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko, at nangingilid din ang luha sa mga mata ko.
Nababahala kong iginiya ang mga mata sa kotseng matulin ang patakbo sa kung sino man sa dalawa ang nagda-drive ngayon. Pero nanlumo ako nang bigla na lang mawala sa paningin ko ang kotse, isinatinig din ng driver ang nakita ko, pero halos hindi ko na siya marinig. Parang may gumuho sa loob ko at pinipira-piraso din ang puso ko.
Napalunok na lang ako at pinahinto ang tricycle. Nagbayad ako ng pamasahe bago nanlulumong naglalakad patungo sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung nasaan ako, at wala na akong pakialam. Namalayan ko na lang ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha ko, nawawalan ng pakialam sa paligid kung may makakita man sa 'kin dito.
Tangina, ano 'yon?
Narinig ko ang malakas na pagbusina kaya't dali-dali akong napatabi nang hindi man lang tinitingnan ang muntik nang makabangga sa 'kin.
"Hoy! Magpapakamatay ka ba?!"
Sobrang lakas ng sigaw na 'yon, pero parang unti-unti lang ding naglalaho sa memorya ko ang lakas. Nabibingi pa rin ako sa malakas na kabog ng dibdib ko at sa posibilidad na nabubuo sa isip ko.
Wala sa sarili akong nagpatuloy sa paglalakad. Sunod-sunod ang pagpapakawala ko ng mabibigat na mga hininga habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko. Namalayan ko na lang na nakarating na ako sa nais patunguhan. Punong-puno ng luha ang mga mata ko nang makita ang sarili sa harap ng bahay ni Father Aaron. Kahit hindi ko natanaw ang kotse sa may garahe, umaasa pa rin akong nandito lang siya... baka natauhan, 'di ba?
Muntik ko nang hindi mapindot nang maayos ang doorbell dahil sa panginginig. Pinunasan ko ang mga luha at umaktong maayos dahil baka si Father ang magbubukas ng gate.
Pero nagkamali ako ng akala. Isang hindi pamilyar na matandang babae ang naglalakad patungo sa kinatatayuan ko, sopistikada at matapang ang mukha. Napaatras ako nang makita kung gaano ka-istrikta ang mukha at awra nito. Singkit ang mga mata na parang mga kutsilyo kung makatitig sa 'kin, at nakadagdag pa rito ang mga kilay niyang halos magsalubong na. Nakakakaba ang buong presensiya niya, parang hinihigop ang kaluluwa ko.
Sa tingin ko'y siya ang ina ni Father Aaron dahil magkamukha silang dalawa.
"Who are you? And why are you here?" malamig niyang tanong sa 'kin.
Napalunok ako. Parang biglang napawi ang pait na nararamdaman ko dahil nakakatuyo ng lalamunan ang makaharap siya.
"Uh... m-magandang hapon po... n-nandiyan ho ba si I-Ivan?" Halos hindi ako makabigkas ng salita.
Para akong mahihimatay nang makitang nagsalubong ang mga kilay niya. Naningkit din ang mga mata niya na para ba'ng kahit wala pa ma'ng sinasabi ay nanghahamak na. Bakit ba ganito makatingin ang angkan niya?
"What made you think that he would be staying here? Hindi niya bahay ito," istrikta niyang tugon. Humugot ito nang malalim na hininga saka tinaasan ako ng kilay. "He's not here. Wala akong nakitang ni katiting na bakas na presensiya ng batang 'yon dito sa nagdaang mga buwan. Maybe he's in Leyte, visiting someone's grave, or if not, he's staying in their mansion."
Umawang ang mga labi ko sa narinig. Hindi siya rito nakatira sa nagdaang dalawang buwan? Akala ko ba tuluyan na siyang lalayo sa mga magulang niya? Nanlumo ako... ang dami kong hindi nalaman tungkol sa kaniya dahil mas'yado akong nagpakalunod sa kalungkutan. Napahilamos ako sa buong mukha at hindi mapakali. Hindi ko man lang siya nagawang kamustahin o kausapin sa mga sandaling 'yon. Pinuno ako ng mga pagsisisi.
BINABASA MO ANG
To Trust the Dawn
Roman pour AdolescentsFATE SERIES #3 Growing up in the orphanage, Faith Aurora has always been searching for the warmth of a home---the same warmth the dawn brings. Kaya nang ampunin siya ng kaniyang Tiya, umasa ang bata at inosente niyang puso na sa wakas ay makahanap n...
