Chapter 1

4.6K 59 5
                                    

Chapter 1

Unti-unting minulat ni Lea ang mata at kasabay ang mahinang unggol na pumukawala sa kaniyang bibig sa matinding pag-kahilo.

Nasilaw si Lea sa liwanag ng ilaw-at nag aadjust ang kaniyang paningin sa aking nakikita.

"A-Aray." Mahinang unggol ni Lea, hanggang maging malinaw na sakaniya ang kapaligiran. "A-Ano bang nangyari?" Ginala ang paningin at napag-tanto na naka-himlay ako sa malambot na kama at tanging nakikita ko ang puting kisame.

Sandali.

Asan ako?

Anong nangyari?

Bakit ako nandito?

Karaming mga katanungan sa isipan ni Lea, at hindi pa rin matukoy kong bakit ako narito.

Pinikit muli ni Lea ang mata at kasabay ang pag-balik ng kaniyang ala-ala.

Nanumbalik ang takot sa kaniyang puso ng maalala na umalis si Lea sa bahay nila ni Mark, kasama ang anak niyang si Steven.

Sariwang-sariwa pa din ang sakit at kirot ng kaniyang puso na maalala ang masakit at malupet na nangyari, na mas pinili ng kaniyang asawa si Mae.

Pilit na inaalala ni Lea ang pangyayari-at sunod na maalala ang malakas na buhos ng ulan ng gabing iyon kasabay nang pag agos ng malapot na dugo sa kaniyang hita.

Doon na nagimbal ang puso ni Lea at umupo sa malambot na kama-napansin niya din na may naka-kabit sa akin na dextrose at kong ano-ano pa sa akin. "Ang b-baby ko." Wala sa sariling sambit ni Lea kasabay ang pag-hawak sa walang umbok niyang tyan. "Baby ko, b-baby ko." Paulit-ulit na sambit ni Lea, at pamumuo ng takot sa kaniyang dibdib na baka may nangyaring masama sa kaniyang anak.

Rinig ko ang pag bukas-sara nang pintuan na hudyat may pumasok, kaya't natigilan si Lea. Nakita ko si Insoo, na naka-tayo malapit sa pintuan at bakas ang pag-aalala at saya ng makita ako nitong gising na. "Lea." Lumapit ito sa akin, na may ngiti at bakas ang luha sa mata nito. "Mabuti naman at gising kana. Kumusta na ang pakiramdam mo? May nararamdaman ka ba, na masakit? Ano?" Sunod-sunod nitong tanong, na gustong malaman kong okay na ba talaga ang pakiramdam ko.

Pasilip-silip pa rin si Lea sa likuran ni Insoo, na may hini-hintay. "Ikaw lang?" Wala sa sariling sambit ni Lea, na kina-kunot naman ng noo nito.

"Huh? Anong ibig mong sabihin Lea?"

"Hindi mo ba kasama si Mark? Asan na ang asawa ko, Insoo?" May kong anong saya sa puso ni Lea na banggitin ang pangalan ng asawa.
Excited siyang makita itong muli at mayakap nang mahigpit.

"Wala siya Lea. Ako lang ang nandito." Tugon nito na aking kina-tigil.

"I-Imposible," unti ng bumigat ang pakiramdam ni Lea na hindi mahagilap ng kaniyang mata ang asawa na si Mark. "Asan s-siya? Siya ang nakita ko na patakbo sa akin bago ako mawalan ng malay, Insoo. Asan na ang asawa ko Insoo? Gusto ko siyang makita ngayon."

"Ako, ang lalaking nakita mo no'ng gabing iyon, Lea." Mahina nitong sambit na nag patigil sa akin. Sinuntok ang dibdib ko sa sinabi nito, dahil ayaw kong paniwalaan na nag kamali ako. Nag kamali ako, na akala ko asawa ko ang nakita ko no'ng gabing iyon. "Nakita kita, na duguan at wala nang malay sa daan kaya't dinala kita sa hospital."

"N-No, no." Iyan na lang paulit-ulit na nasambit ni Lea kasabay ang pag-iinit ng sulok ng mata.

"Siya nga pala, pinuntahan ko si Mark sa bahay niyo para ipag paalam ang nangyari sa'yo, ngunit wala siya doon. Napag-alaman kong umalis sila ni Mae kaninang umaga papunta sa ibang bansa. Hindi ko alam kong kaylan sila babalik." Dagdag pa nitong muli na mag-pakirot sa puso ni Lea.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon