Chapter 12

5.2K 131 4
                                    

Chapter 12


LEA KRISTINE'S POV


[Umuwi ka pala, hindi ka man lang tumawag sa akin.] Kasalukuyan naroon si Lea sa paboritong ice cream store ng anak para bumili ng pasalubong dito. Ilang araw lamang ang kaniyang nilaan na araw na mamalagi dito bago bumalik ulit sa Cebu para ipag patuloy ang naudlot na projects nila.

"Sorry, hindi na ako tumawag dahil babalik din ako sa Cebu,Kuya." kausap ni Lea sa kabilang linya ang kapatid na si Glenard.

[Bago ka bumalik sa Cebu, dumaan ka muna dito sa Bahay, gusto ka makita ni Mom,]

"Sige Kuya, babalitaan na lang kita. Siya nga pala, rinig kong nag away daw kayo ni Kuya Reynard totoo ba iyon? Ilan bang suntok ang natamo mo sakaniya? Dalawa? Tatlo?" tukso niya pa dito kasunod ang matinis na mura nito sa kabilang linya.

[Tangina talaga, nag sumbong ba sa'yo ang hayop na Reynard na iyon?"  hindi mapigilan na mapa-ngiti ni Lea na marinig ang inis ng kapatid sa kakambal nito. "Gagong iyon, sinugod pa naman ako dito sa Opisina at sinuntok nang malaman niyang pinag-sama ko kayong dalawa ni Mark sa resthouse. Susugod sana siya diyan sa Cebu para i haunting ang gago mong asawa, buti na lang napigilan ko pa! May saltik din ang ulo ng Reynard na iyon... Buti na lang hindi niya alam kong saan located ang resthouse ko sa Cebu kundi pinag lalamayan na siguro ang asawa mo,] hindi na bago para kay Lea na marinig ang himutok at ginagawa ng kaniyang kapatid. Ganun na ganun talaga ang ugali ni Kuya Reynard kapag nagagalit, wala itong sinasanto kahit na sino--kahit anak ka pa ng pangulo kaya nitong banggain.

Ganun karahas at tigas ng ulo nang kaniyang kapatid. Nag tatalo at away naman silang mag kakambal at hindi na bago ito kay Lea na nag-aaway ang dalawa kapag hindi nag kakasundo sa mga bagay-bagay.

"Siguro mas kailangan mo nang mag tago ngayon Kuya Glenard, hindi uupo at walang gagawin si Kuya Reynard sa mga nalaman niya. Kilala mo naman siguro ang ugali niya--hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya.. Kapag hindi niya mahanap ang lokasyon namin, tiyak ikaw ang ha-haunting niya,"

[Bullshit! Kailangan kong mag punta sa Rome,]

"Rome?" hini-hintay ni Lea sa bakanteng upuan ang take out na ice-cream sa anak. "Para sa business trip ba?"

[No, para mag tago sa gagong iyon!] sunod na lang narinig ni Lea ang pag putol nang linya. Siguro mag tatago na ang kapatid niya kay Kuya Reynard.

Ilang sandali pang pag-hihintay dumating na ang inorder ni Lea. Tatayo na sana siya sa kina-uupuan nang sumulpot sa harapan niya ang isang babae.

"Lea?" maluha-luha ang mata ng babae-at saya na rin nang makita ako.

"Jamie," bulong ni Lea.

Mag kaharap silang dalawa naupo sa bakanteng silya, hindi naman gaanong matao sa rainbow corner kaya't hindi gaanong mainggay sa paligid. Maya't-maya ang pag suri ni Jamie ng tingin sa akin at hindi rin mawala ang saya at pag kasabik na makita akong muli.

"Kumusta kana Lea? It almost 2 years, simula no'ng huli kitang nakita." panimula nitong tinig at emosyonal na ang mata nito. "Si Andrius, kumusta na? Siguro malaki na ang pamangkin ko, ano?" Pina-pasigla ang tinig—-mapansin ang pagiging tahimik ni Lea.

"Maayos naman siya ngayon. May sasabihin ka ba? Kong wala, kailangan ko nang umalis," tatayo sana si Lea at pinigilan siya nito.

"Please, h-huwag kang umalis Lea," napapasong inalis ang kamay nitong naka-hawak sa akin at binalik sa pag-sasaayos sa pag kakaupo sa silya. "Sorry, hindi ko sinasadya. G-Gusto ko lang kitang maka-usap, sana pag bigyan mo ako kahit ilang minuto lang Lea." binalik ni Lea ang sling bag sa upuan at formal na hinarap ito.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon