THE REVENGE OF THE BATTERED WIFE
Chapter 22
LEA KRISTINE'S POV
Pag pasok ko sa loob nang bahay namin, nadatnan ko si Steven na kausap ni Insoo sa malawak na living area. Natigil lamang ang pag-uusap ng dalawa nang mapansin ang presinsiya kong palapit.
Lumapit si Insoo, at ang mata nito na hinahanap si Mark. "Asan na siya? May ginawa ba siyang masama sa'yo?" Umiling ako biglang tugon. "Tangina, pinaiyak ka ba niya? Tarantado talaga ang hayop na iyon! Babasagin ko ang pag mumukha niya!" Tangkang susugod sana at mabilis ko naman napigilan ito.
"Hindi Insoo,." Tugon ko naman. Ayaw ko na nang gulo kaya't nararapat na lang huwag ng palakihin pa ito. "Nalaman niya lang ang tungkol sa anak namin kaya't siya naparito. Huwag kanang mag-alala dahil pina-alis ko na si Mark
Naging mabigat ang pag-hingga nito, sa galit at pag-titimpi lamang sa pinsan. Noon paman, matindi na talaga ang alitan sa pagitan ng dalawa matapos ng ginawa sa akin ni Mark at hindi ko naman ito masisisi. "Pwede mo ba kaming iwan saglit ni Steven? Mag-uusap lang kami."
"Sige." Nag paalam na si Insoo at tumunggo na ito sa kusina.
Ilang segundo akong naka-titig sa itsura ngayon ng anak ko. Naka-yuko ito at malalim ang iniisip, kahit hindi ito mag salita ramdam ko pa rin may bumabagabag sa isipan nito at iyon ang pag kikita nila kanina ng kaniyang Ama. Lumapit ako at piniling maupo lamang sa tabi ni Steven, na may takot at pag-aalala sa mata nito.
"Hey, sweetheart."
"Asan siya Mommy? Umalis na p-po ba siya? Ayaw k-ko sakaniya Mommy, b-baka saktan niya ulit tayo a—-" I cut of him. Binabangungot pa rin kami ng naka-raan at si Steven, malaki ang takot nito sa Ama sa mga nangyari sa amin noon.
"It's alright sweetheart, umalis na siya." Hinawakan ko ang munting pisngi at pina harap sa akin. May daplis na luha ang munting mata ng anak ko.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going