Chapter 24
MAE'S POV
"Nakikinig ka ba sa akin Mae? Asan kana ba?" Kausap ko si Mom sa kabilang linya at ang mata ko naka-tuon sa pag mamaneho.
"Papunta na ako diyan Mom," sinilip ko sa likuran ang mga inutos sa akin ni Mom.
Nahinto si Mae sa pag mamaneho, na isang bagay ang mag paagaw ng atensyon sakaniya. Atensyon na kina-init ng kaniyang butse.
Tinigil niya ang sinasakyan sa gilid nang kalsada at lumabas na.
Hindi pa rin maalis ang mata ko sa dating Shop ko na ngayon ig renovate iyon ng mga ilang mga manggagawa.
Inaalis nila ang mga dating desinyo at pinapalitan ng bagay na hindi ko gusto.Bakit flower shop pa din ang pinapagawa?
What's the meaning of this?
Sumugod ako sa tatlong kumpol na tao na makita ko sa isang tabi. Kasama ni Mrs. Martinez ang dalawa niya muling tauhan.
"Mrs. Martinez, what's the meaning of this?" Naagaw ko ang atensyon nito at kahit na rin ang tauhan nito. "Ang kapal din naman ng mukha mo, na agawin ang dati kong negosyo. Matatanggap ko na mag papatayo ka ng ibang business dito sa dating kinatatayuan ng Flower Shop ko, pero ang mag patayo ka muli ng panibagong flower shop! Aba nakaka-bastos naman ata iyon sa akin!"
Hindi lang iyon ang kina-iinit nang butse ko ngayon.
May iba pa!
Galit ako dahil nakuha niya ng basta-basta ang pinag hirapan ko."Umagang-umaga ang init na naman ng butse mo Mae." Hayop talagang matanda na ito. Aagawin pa naman ang negosyo ko. "Itong pinapatayong negosyo dito sa dati mong Flower Shop, utos ito ng bagong naka-bili. Wala naman akong karapatan na pang-himasukan ang desisyon niya, kong anong business ang gusto niyang itugdok dito." What? Anong ibig sabihin nito?
"Binenta mo ang Shop ko? Bakit mo ginawa iyon?" Kulang na lang lumabas na sa ilong ko ang galit sa naging sagot nito.
"I'm a business woman Mae. Normal lang din sa akin na ipag-bili sa mga may pera ang mga negosyo at ibang properties ko, kaysa naman naka-tunganga lang at wala akong mapag-kakakitaan!"
"Wala akong pakialam sa business na sinasabi mo." Himutok ko pa. "Sino? Sino ang naka-bili ng Shop ko?" Asik ko pa.
Ang kapal na agawin niya ang dati kong negosyo"Hindi ko obligasyon na ipag alam ang mahalagang impormasyon ng mga kliyente ko, Mae. Mabuti pa, huwag kanang manggulo pa lalo't tapos na ang deal natin sa property na ito." Tangina niya talaga. Sasagot pa talaga siya sa akin? Ang kapal naman ng mukha!
Hindi ko na pinansin ang pamumula ng mukha ko sa galit. "Sino? Sino ang putanginang, naka-bili ng property ko? Sino?!" Sindak ko pa dito.
"Hmm? Kilala mo siya. Sino nga ang pangalan niya?" Nag-iisip pa kong sino iyon. "A-ha! Si Lea kristine Montecillo. Siya ang naka-bili ng property mo na ito!" Nanigas ako sa aking kinatatakuyan sa gulat at hindi makapaniwala sa naging sagot nito.
Pinag bagsakan ako nang langit at lupa, sa aking narinig.
Nag martsa ako pabalik sa aking sasakyan at mabilis iyon na pina-harurot na patakbuhin.Bwisit ka Lea.
LEA KRISTINE'S POV
"Heto na ang pina-imbestiga mo sa akin tungkol kay Mark." Nilagay ni Mrs. Martinez ang nalikom nitong impormasyon sa pag papa-imbestiga ko tungkol sa aking asawa. Kinuha ko ang mga documento na nakuha nito at isa-isa iyon sinuri. "Mabusisi akong nag hanap, pero wala naman akong nakitang kakaiba. Malilinis lamang na records at tungkol sa mga naka-transact niya. Iyan lang ang nakuha ko,"
"Maraming salamat, Mrs. Martinez." Dugtong ko pa. "Gusto kong mag-alam ka pa, humukay ka pa nang mga impormasyon. Malakas ang kutob ko na may tinatago di si Mark na baho." Ngumiti ako dito at tumayo na; bitbit ang mga nakuha kong impormasyon tungkol kay Mrs. Martinez.
"Sige, tatawagan na lang kita mapag naka-kuha na ako ng impormasyon." Hindi na ako sumagot at iniwan na si Mrs. Martinez sa coffee shop kong saan kami madalas nag kikita.
Taas-noo akong nag lakad; at sa puntong ito naging matalim ang mga mata ko sa galit.
Dumiretso na ako sa kompaniya para asikasuhin ang mga naiwan na mga trabaho. Pag pasok ko sa Opisina, sinalubong kaagad ako ng secretary ko dala ang mga documento na kailangan kong tapusin.
"Mam Lea, ito na ho ang documento na pinapabigay po ni Sir Reynard." Nilapag nito sa table ang ilang documento na kailangan ko.
"Sige maraming salamat. At siya nga pala, iyong hini-hinggi ko sa'yong files?"
"Ay oo, sandali lang Mam at kukunin ko lang p—" hindi na natapos nito ang sasabihin nang pabagsak na bumukas ang pintuan. Sa likod no'n ang galit na galit na si Mae.
"Putangina talaga Lea!" Sigaw nito. "Hindi ko makaka-limutan ang ginawa mo sa akin! Ang kapal naman talaga ng pag-mumukha mo ano?"
"Mam, tatawag na po ba ako security?" Kabado na ang secretary ko sa pag tataas ng boses ni Mae
"Hindi na kailangan." Pigil ko dito. "Ewan mo na muna kami saglit, mag-uusap lang kami."
"Sige po Mam." Nag lakad na ang secretary ko palabas. Hinintay pa ni Mae na tuluyan na nga talagang maka-alis talaga ang secretary ko; bago ito sumugod sa direksyon ko.
"Ang kapal naman talaga ng mukha mo, ano? Akala mo hindi ko alam na plinano mo ang lahat nang ito?!"
"Hindi ko alam ang tinatalak ng butse mo, Mae." Nangamatis pa ang kulay ng mukha nito sa galit. "Sa pag kakatanda ko, wala naman akong atraso sa'yo. Kong wala kana man magandang sasabihin, makaka alis kana."
Hinampas na malakas ang table at maka-gawa iyon na nakaka-takot na inggay. Nilapit pa lalo ni Mae ang sarili sa akin; nag hahamon. "Tangina! Huwag mo akong ginagawang tanga, Lea! Ibalik mo na sa akin ang shop ko, ngayon na!"
"Hindi ko na maibabalik sa'yo dahil binenta na sa akin ni Mrs. Martinez ang properties. Kong gusto mo maibalik ang properties mo, bilhin mo sa akin ang shop mo ulit. Let's say, 30 million?" Nangalaiti pa lalo ito sa galit.
Nakaka-tuwa lang talaga siya pag-masdan."What?"
"Oh bakit? Ayaw mo?"
"Babayaran kita at babawiin ko sa'yo ang Shop ko!"
"Saan? Paano? Galing sa pera ng mga magulang mo? Huwag na nga tayong mag lokohan Mae, hindi mo naman mababayaran ang properties dahil umaasa ka lang sa mga pera ng mga magulang mo. Kaya ka nga nalugi dahil sa mga bisyo mo," pang-iinis ko pa lalo dito.
Iyan naman ang gusto ko.
Ang mabaliw ka ngayon Mae.
Papahirapan muna kita sa mga kamay ko."Alam kong plinano mo ito na kunin ang shop ko at gipitin ako! Hindi ako makakapayag, na makuha na lang properties ko nang ganun-ganun lang!"
"Anong gagawin mo? Sasaktan mo ako?" Matapang kong hinarap si Mae. Hindi naman ako matatakot sa isang kagaya niya. Inayos ko ang suot na damit ni Mae; samantala naman ito nanatili lamang sa harapan ko, nag pipigil na mapag buhatan ako ng kamay. "Sandali, diba dapat nag dadalamhati ka ngayon sa pag kamatay ng kapatid mo? Eh mukhang hindi ka naman malungkot." Awtomatiko nawala ang anggas ni Mae sa sinabi ko.
Wala ka naman pala eh."Babalikan kita, Lea. Hayop ka! Babalikan talaga kita!" Dinuro-duro pa ako nito at pag katapos nag martsa na ito palabas ng aking Opisina.
Sinandal ko na lang ang likod ko sa table; pinapanuod si Mae, hanggNg mawala ito sa aking paningin.
Hindi ako titigil hangga't hindi kita napapabagsak Mae, kayong dalawa ni Mark.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going