Chapter 23
MAE'S POV
"Hello Louie, nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?" Aligaga akong luminga sa kaliwa at kanan para masiguro lamang na walang ibang taong makakarinig sa aking pinag-uusapan.
"Oo nagawa ko na Mae."ang salita ni Louie, ang nag pakampante sa aking kalooban. "Naburado ko na ang mga cctv camera bago pa makuha ng mga pulis ang mga ebidensiya sa kompaniya niyo. Masisiguro ko sa'yo na wala ni isang mahahanap ang mga pulis laban sa'yo dahil nalinis ko na lahat." Nang-hihina ang tuhod kong napa-sandal sa malamig na pader.
Pakiramdam ko, naalis na ang isang mabigat ang naka pasan sa dibdib ko sa katagang sinabi nito. Siya si Louie Bermundo, ang matalik kong kaibigan, marami itong alam tungkol sa computer at ibang bagay kaya't ito ang nahinggan ko nang tulong para malutusan ang nagawa ko bago pa ako maunahan ng mga pulis.
"Maraming salamat talaga Louie, maasahan talaga kita."
"Anything just for you Mae. Sure ka ba talaga, na walang ibang tao na naka-kita sa'yo? O sainyong dalawa ni Ivonne, bago nangyari ang insidente? Isipin mo ng mabuti Mae para magawan ko na nang paraan. Lalo pang maging delikado ang lahat kapag may naka labas na kahit na anong ebidensiya o kahit witness man lang,"
"I think meron Louie." Kulang na lang dumugo ang ibabang labi ko sa diin nang pag kakagat doon. Malakas ang kutob ko na may ibang tao maliban sa amin ni Ivonne sa fire exit.
Pinikit ko ang mata kong muli na alalahanin ang pangyayari. Klarong-klaro sa pandinig ko ang tunog na narinig bago ako umalis sa lugar na iyon.
Mayron ibang tao.
May ibang tao, posibleng naka-kita sa aming dalawa ni Ivonne nang mga sandaling iyon.
Shit!Hindi pwede maka-labas ito.
Hindi ako pwedeng makulong.
"I'm not sure, pero parang may narinig ako na tunog bago ako umalis. H-Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't tumakbo na lang a-ak—-"
"Shit." Mura nito sa kabilang linya. "Titignan ko kong ano ang magagawa ko, Mae. Ako na lang ang gagawa ng paraan basta siguraduhin mo lang na mag act natural ka lang at walang makaka-labas nito."
"Maraming salamat talaga Louie."
"Mae?" Boses sa likuran ko kaya't mabilis kong tinago ang cellphone na hawak. Nasa harapan ko si Mom, mugto ang mata at halatang kagagaling lamang sa kakaiyak.
"Mom,"
"Anong ginagawa mo dito? Naroon na ang ibang mga bisita sa loob at mga pinsan mo." Matamlay ang boses nito at puno ng lungkot ang mata. Ito ang dalawang araw mula no'ng maiburol si Ivonne sa bahay namin. Ang malalapit na kaanak at kaibigan ni Ivonne, pumunta at nakiramay sa pag panaw ng aking kapatid. "Halika na sa loob. Hinahanap kana rin ng Daddy mo." Tumango na lang ako sakaniya at sumama papasok sa loob kong saan nabuburok ang aking kapatid.
Ang maaliwalas na mukha ko, biglang naging matamlay at puno nang sakit—Sakit na pangungulila sa pag kawala nang kapatid ko.
Maraming tao ang nakilamay sa burol ni Ivonne. Halo-halo na rin ang mga tao na naroon at ang iba sa kanila mga kaibigan o kaya naman kakilala ni Daddy sa trabaho.
Sumunod lamang ako sa likuran ni Mom, hanggang tumigil ito sa malaking lamesa at doon naka-upo ang mayayaman at halatang kilala na mga tao. Tumabi ako sa tabi ni Mom, at naroon din pala si Dad;seryoso ang mukha nito.
Pinakilala ako ni Mom sa mga bagong dating na bisita at ilan pang mahahalagang tao sa isang lamesa para mag kaharap-harap.
Naging okupado ang aking isipan at hindi ko na gaanong pinakinggan kong ano man ang pinag usapan nila. Tungkol lamang iyon sa masasayang ala-ala na naiwan sakanila ni Ivonne nang nabubuhay pa ito.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going