Chapter 33

4.6K 94 1
                                    

CHAPTER 33

MAE'S POV

Kanina pa pabalik-balik nag lakad si Mae sa loob mismo ng silid nila Mark. Aligaga at hindi alam ang dapat gawin.

Mamula-mula na ngayon ang mukha sa galit dahil na rin sa nangyari kanina sa Opisina ng kanyang Daddy at isa na rin ang napa-galitan siya nito dahil sa kapalpakan niya.
Simula no'ng maging CEO si Mae ng kanilang kompaniya, sinikap niya talaga na hindi magalit o madissapoint ang kanyang Ama.

Pinipilit niyang mahigitan na mahalin at mapansin din siya ng Ama gaya nang pag-mamahal nito kay Ivonne.

Gusto niya maramdaman na puriin ng Ama sa lahat na mga achievement sa pamamalakad niya sa kompaniya.
Lahat nasira dahil sa'yo Lea!

"Hayop ka talaga, Lea." Nanlilisik na ang mata ni Mae sa galit. Sinisisi niya ngayon si Lea kong bakit nagalit ang Daddy niya sakanya. "Pag babayaran mo ang ginawa mo sa akin! Tandaan mo ito ughh!" Napa-sigaw si Mae sa galit.

Hindi lang ngayon, galit nang Ama ang kinakaharap ni Mae kundi kailangan na kausapin niya si Lea na mag tuloy ng investment sa kanilang kompaniya. "Bakit sa kinarami-rami ng konpaniya, bakit sa mga Sandoval pa? Tangina!" Tili niya muli sa galit.
Hinahabol na ni Mae ang pag-hingga subalit kahit isigaw niya man o ibato ang gamit sa kanilang silid, hindi pa rin mapapantayaan ang sama ng loob niya ngayon!

Hindi ako makikipag-usap at babaan ang pride ko para kay Lea.

Over my dead body!

"I hate you! I hate you! I hate you!" Sinapo ni Mae ang mahabang buhok at hindi inaasahan na mapa-hawak si Mae sa leeg.

May naalala siya bigla, na hindi niya suot ang paborito niyang kwentas.

Asan ang kwentas ko?

Nanumbalik ang aalala ni Mae sa kwentas na parati niyang suot.

Kwentas na binigay ni Dad sakanya no'ng mag 18 birthday niya. Pareho sila ni Ivonne binigyan ng customized necklace gawa sa special na bato at kakaibang design.

Simula no'ng binigay sakanya ng Daddy niya ang kwentas; hindi niya inaalis sa leeg dahil iyon ang nag bigay ng lucky charm para sakanya. Yeah! Naalis ko naman iyon sa leeg ko subalit, bilang lang sa kamay ko na tanggalin iyon sa leeg ko.

Nataranta kaagad si Mae na wala sa leeg niya ang kwentas. Sinubukan niya na halughugin ang paborito niyang bag, nag babakasali na naroon iyon subalit wala.

Asan kana ba?
Hindi ka pwedeng mawala.
Hindi pwede.

Sinunod naman na hinalungkat ni Mae ang collection ng mga jewelries, pero ganun din.

Wala din ito.

Kinabahan na si Mae na hindi mahanap ang kwentas na binigay sakanya ni Dad, kaya't hinalughog niya na ang mga drawers, cabinets at kahit na rin ang wardrobe para hanapin iyon.

Sobrang kalat na ang silid nila at naka-tambak ang mga gamit at ilang damit sa tiles sa kanyang pag hahanap.

"No, hindi ka pwedeng mawala. H-Hindi." Nababaliw na paulit-ulit na binibigkas ni Mae iyon pero wala talaga. Kahit imposible man na lalagyan na alam niya naman sa sarili na hindi niya doon nailagay ang kwentas niya, tinignan niya pa rin. "No, please. Huwag kang mawala."

"What's happening," ang boses ni Mark ang mag patigil kay Mae sa ginagawa.
Kakagaling lamang ni Mark sa trabaho at pinasadahan nito ng tingin ang mga kalat na damit at gamit sa pag hahalungkat niya.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon