Chapter 65

618 14 3
                                    

Chapter 65

MAE'S POV

"Can you check it again?" Pumunta ako sa control room para alamin kong may nakuha na ba ang mga ito ng impormasyon.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapatahimik kong sino ang misteryosong babae ang nag padala sa akin ng bouquet. Palaisipan pa din sa akin kong sino siya o kong ano pa ang nalalaman niya.

Kailangan ko siyang mahanap sa lalong madaling panahon.

Kaninang pumunta ako sa mismong floor kong saan mismo naroon ang system ng mga cctv sa aming kompaniya. Makikita mo ang maraming monitor ng mga cctv camera, na gumagalaw at nag record ng mga footage simula sa loob, entrance at pati na rin ang parking area.

Narecord 24-7 ang mga camera at maski sa kasulok-sulokan at walang makaka lusot kong sino man, kaya doon na ako dumiretso dahil panigurado nahagip ng camera ang misteryosong babaeng iyon.

"Pasensiya na po talaga Mam Mae, pero wala po kaming nakuhang footage mismo sa floor niyo," ang salita ng isang staff ang mag pakulo ng galit ko sa narinig. Pinadaanan ko ng tingin ang ilang staff na abala sa kanilang ginagawa. Bwisit! Pina-sweldo at binigyan ko sila ng trabaho tapos lahat nang pag hihirap ko, mapupunta lang sa wala?

"What do you mean by that? Ginagago mo ba ako?" Sa labis na galit, hindi ko na mapigilan na lapitan ang lalaking incharge sa pina-pa trabaho ko at kina-putla naman nito sa takot.

"Hindi po t-talaga Mam. Hindi po namin alam kong bakit wala kaming makitang footage sa mismong floor niyo dahil nag karoon ng mga glitches at problema ang system kaya wala pong narecord ng araw pong iyon." Gusto kong sumigaw sa galit at inis sa sinabi ng isang staff. Ang kasamahan nitong katulong sa pag hahanap ng impormasyon, hindi na rin magawang tumitig sa akin ng diretso dahil alam naman nila na pagagalitan ko lang naman sila.

Aba, dapat lang nila akong katakutan at kong hindi nila aayusin ang mga trabaho nila, sisisantihin ko sila lahat!

"Alam niyo naman palang may problema ang system pero hindi pa rin kayo umaksyon!" Tumaas na ang aking boses at ilan sa mga staff na naroon sa silid, hindi na maitago ang takot at pag kabahala na baka madamay din sila sa galit ko.

"Sorry talaga po Mam, hindi namin alam na mag kaka problema nang ganito," pawisang paliwanag ng lalaki na putlang-putla na.

"Hindi ko kailangan ng lintik mong sorry, gusto ko makaka hanap ka ng impormasyon sa pinapagawa ko sa'yo!" Pag didiin ko pa. Kong alam ko lang kong paano nila pinapatakbo ang kanilang trabaho sa pag review ng mga footage, hindi na ako mag lalakas ng loob na istorbohin sila at lalo lang nila pinapakulo ang dugo ko. "Tignan mo ulit ang ibang floor o kaya naman kong kinakailangan na isa-isahin mo lahat na tignan ang footage sa cctv camera sa buong building, gawin mo at alamin kong sino ang babaeng naka pula!" Pag didiin ko pa.
Gusto ko na siyang mahanap para pag bayaran niya ang ginawa niya sa akin! Hayop siya!

"Tinignan na namin talaga Mam Mae, ang mga footage sa ibang floor kanina p-pa pero wala talaga kaming nakitang naka-pulang babae na pumasok dito sa kompaniy——" pinutol ko na ang anumang sasabihin ng kasamahan nitong babae.

"Meron! May babaeng naka red dress ang pumunta dito at binigay sa secretary ko ang ang bouquet ng rosses. Hindi niyo ba talaga naiintindihan? ahh shit!" Matinis na napa sabunot na lang ako sa buhok sa dismayada na pati rin ang mga ito, hindi ako magawang tulungan. "Hanapin niyo kong sino ang babaeng iyon at babalikan ko kayo!" Naging mabigat ang pag hingga ko na tinalikuran sila at lumabas na sa silid na iyon.

Habang tinatahak ang aking paa pabalik sa aking Opisina, hindi na maitago ang pag dilim ng aking mukha sa galit at ang kamay ko naka kuyom na.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang mahalagang numero. "Hello Louie. Alam ko na kong sino ang nanakot sa akin. Babae." Pag diin ko ng salita at palingon-lingon na rin sa paligid para masiguro na walang ibang makaka-rinig sa akin.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon