Chapter 42

10.1K 165 27
                                    


Chapter 42

Kanina pa ni Mark pinapanuod ang cellphone na kanina pa walang humpay na tumatawag si Mae ngunit hindi niya magawang sagutin o kaya naman replyan. Kusa na lang namatay ang tawag at naka-lagay ang 162missed call at sangkatutak na mga text nito simula no'ng umalis siya sa bahay nila.

Dalawang araw na ang nakaka-lipas; tuluyan na si Mark umalis sa bahay ni Mae at piniling umuwi sa dati nilang tini-tirahan nila ni Lea.
Iniiwasan na ni Mark na makita si Mae at gusto niya nang putulin na ang anumang ugnayan nilang dalawa.

Mahirap man tanggapin; gustong itama ni Mark ang lahat at bumawi ngayon sa kanyang mag-ina.

Matagal niyang pinag-isipan ito.

Matagal niya nang gustong gawin na bumalik sa kanyang ngunit gusto kong maka-sigurado na hindi ko na muli sila masasaktan.

Tanggap naman ni Mark na hindi na siya matatanggap ni Lea kahit na rin ang kanyang anak. Kailangan niyang bumalik muli sa simula at bumawi sa kanyang mag-ina kahit alam niya sa sarili niyang huli na para mag bago.
Huli na para itama ang kanyang mga nagawang pag-kakamali.

Tinuon na lang ni Mark ang sarili sa karapan ng computer para tapusin ang kanyang ginagawa. Simula no'ng umatras si Mr. Hamington sa pag invest sa aking kompaniya. Sunod-sunod rin ang dagok na nangyari at ngayon bumagsak talaga ang kompaniya ni Mark at kailangan niyang maka-bawi muli at kunin muli ang loob ng ilang investors na nag atrasan na.

Natigil si Mark sa ginagawa nang marinig ang malakas na inggay mula sa labas. Ang malakas na sigaw ng babae nag eeskandalo sa labas ng aking Opisina. Matinis ang sigaw nito at halatang may kaaway, ilang minuto pa lang ang lumipas pabagsak na bumukas ang pintuan at madilim na mustra ni Mae ang pumasok at awat-awat pa ito ng aking secretary.

"M-Mam, bawal po talagang pumasok."

"Bitawan mo nga ang kamay ko! Matatamaan kana talaga sa akin!" Banta ni Mae at handang uupakan nito ito.

"Bawal talaga po M-Mam, mapagalitan po talaga ako ni Si—-" tinaas ni Mark ang kaliwang kamay tanda na hindi na kailangan na paalisin ito. Sinenyasan na rin ni Mark na maari na itong umalis at iwan na silang dalawa ni Mae sa loob ng Opisina ng secretary.

"Mark," lumapit sa akin si Mae. "Please we need to talk," naging malambot ang pananalita nito. "Alam kong malaki ang pag kakamali ko sa'yo pero hindi mo naman kailangan na gawin ito sa akin. Sa amin ng anak mong si Mia.. Hinanapa kana niya sa akin at hindi ko alam ang sasabihin ko kay Mia kapag nag tanong pa siya sa akin tungkol sa'yo," nanubig muli ang mata nito at wala na si Mark na planong bumalik pa dito.

Tumayo si Mark sa kinauupuan at lumapit kay Mae. "Nag usap na tayong dalawa Mae at final na ang desisyon ko. Pasensiya na pero hindi na ako babalik pa sainyo," nanubig ang mata nito, at anumang minuto iiyak.

Tahimik na pinag mamasdan ni Mark si Mae na ngayo'y mugto na ang mata nito sa ilang araw na pag iiyak at walang sapat na tulog.

"Nakikipag hiwalay kana sa akin dahil nalaman mo na ang totoo,na hindi mo anak si Mia? D-Dahil ba na galit ka sa akin?" Basag nitong salita. "Iyon ba iyon, Mark? Matagal kong pinag isipan pero hindi ko pa din maintindihan M-Mark, hindi ko maintindihan na ganito kababaw na makikipag hiwalay ka sa akin," pilit na hinuhuli ni Mae ang kaniyang kamay pero hindi binibigay ni Mark iyon. Sarado na rin ang puso at isipan niya na pakinggan ang pakiusap at pag mamaakaawa nito sakanya. "Don't hurt me like this Mark. Mahal na mahal kita at hindi ko makakaya na mawala ka sa akin. Ayusin natin ang pamilya natin at bumalik na tayo sa n-normal. Para kay Mia, please ayusin natin ito. Please come back to me, come back to us,"  tumulo na ang bakas na luha sa mata ni Mae.

Mahal niya si Mae, pero ayaw na ni Mark na lokohin ang sarili niya kong ikukulong niya pa muli ang sarili niya sa taong hindi niya naman gusto.

Oo, noon mahal ko siya.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon