Chapter 74
MAE'S POV
"Ano ka ba Attorney, gumawa ka naman ng paraan para maka-alis ako sa lintik na lugar na ito. Hindi dapat ako makulong dito, gumawa ka ng paraan!" Hinampas ko nang malakas ang lamesa na nag haharang sa pagitan naming dalawa kasabay ng malakas na tunog na umalingawngaw sa silid na iyon.
Hindi ko maiwasan na mag labas ng galit at mag taas ng boses sa nakuha kong attorney na wala naman ginagawang hakbang para tulungan akong maka-labas dito.
Nag uusap silang dalawa sa pribadong silid at ang pulis, naka bantay sa labas.
Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang palad ko, nangangayat at nangingitim na ang ilalim ng aking mata na hindi maka tulog at maka isip ng matino na ngayo'y naka piit ako sa kulungan at wala masyadong magandang tulugan na magiging komportable para sa akin.
Hindi ito ang kailangan ko.
Kailangan kong maka alis sa lalong madaling panahon para pag bayaran ko ang mga tao sa likod ng aking pag bagsak.
At isa kana doon Lea!"Ang laki-laki ng binabayad ko sa'yo, tapos sinasayang mo lang! Para saan pa ang titulo na napaka-galing mong abogado sa larangan ng field niyo, kong sa simpleng hiling ko lang sa'yo hindi mo ako mailabas sa lintik na lugar na ito!" Himutok ko pa at ang mukha ko, kay pula na sa galit.
Hindi ko na magawang mag tiis na makulong sa isang selda, na masikip at walang aircon.
Kasama ko naka-kulong ang iba pang mga kasamahan ko na may iba't-ibang mga kaso na kinakaharap.Hindi ko na kayang mag tiis sa mabahi at pangit na lugar na ito.
Gusto ko nang maka labas dito.
"Maging mahinahon ka sana Mae, ginagawa ko naman ang makakaya ko para mailabas ka dito pero sobrang bigat ng kaso na naka patong sa'yo." Anito. "Lumabas pa ang video na pinag tangkaang mong patayin si Jeric at ang kapatid niyang si Melissa. Isa pa din ang na lumabas ang pag patay mo kapatid mo kaya imposible na maka labas ka pa dito."
"Hindi ko pinatay si Ivonne, aksidente iyon. Hindi niyo ba naiintindihan?"
"Ang pag tago at pag alis na hindi tinulungan ang kapatid mo, attempted murder na iyon, Mae." Pag papaliwanag nito. "Sinusubukan kong mag labas ng appeal sa piskal na babaan na lang ang hatol na taon na ipapatong sa'yo." Kinapikit ko naman ng mata at pag dilat ko ng mata umaapoy na sa galit.
"Tangina! Hindi iyon kailangan ko! Nakikinig ka ba sa akin? Gusto kong maka alis dito! Gawan mo naman ng paraan, lintik!"
"Susubukan ko kong ano ang magagawa ko, alam naman natin na wala tayong laban sa mga ebidensiya laban sa'yo dahil malalakas at ikaw ang dinidiin nila. Kahit i appeal natin ito sa korte, hindi ka pa din mapapawalang sala sa mga ginawa mo Mae." Wika nito at tumatagos na lang sa taenga ko ang iba pa nitong sasabihin. "Narinig ko sa iyong Ama na kinausap ito sa isa pang bigatin na attorney at makikipag tulungan sila ng mommy na mag hain ng kaso na ibibigay sa'yo. Mukhang dadagdagan pa nila ang isasampa sa'yo na kaso."
Dumagdag pa ang galit sa aking dibdib na maski sarili kong pamilya, tinalikuran na nila ako.
"Bwisit naman kasi! Bwisit! Ughh!" Malakas kong sigaw na nag wawala na ako sa kina-uupuan ko. Hindi ko mabuntungan ng galit ang mga magulang ko, kaya napag buntongan ko na lang ang nanahimik na attorney sa harapan ko. "Ano pang inuupo mo diyan? Wala kang silbi! Umalis ka! Alis! Hindi kita kailangan, inutil! Alis!" Sigaw kong pag paalis sakanya, at mabigat sa loob nito na kinuha ang gamit na naka patong sa lamesa at nag lakad palabas ng silid na iyon. "Mga hayop! Hayop!" Sigaw ko pa sa galit na napaka-bigat na pinatong ang mag kabila kong siko sa lamesa at naka hawak sa aking buhok, ramdam ang bahagyang pananakit.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going