Chapter 5

8.8K 189 3
                                    

Chapter 5

LEA KRISTINES POV

Napa-tigil sa ginagawa si Lea nang tumunog ang cellphone na naka-patong sa ibabaw ng mesa. Iniwan niya saglit ang ginagawa at kinuha ang phone para tignan kong sino iyon–at ang kaniyang Kuya ang tumawag sakaniya.

Ganun na lang ang pag tataka ni Lea na tumatawag ito–kadalasan kasi tumatawag ito kapag importante o kaya naman napag-uusapan nila tungkol sa negosyo.
Hindi rin ugali na tumawag ang kapatid niya para mangamusta o kaya naman makipag-kwentuhan lamang sa akin. Kapag may gusto itong sabihin, pinarating na lamang nito sa pag-tetext.

"Yes Kuya Glenard?" Sagot ni Lea ng sinagot na ang tawag. Kunot-noo pa siya nang marinig ang mabibigat nitong pag-hingga sa kabilang linya–kasabay ang hindi maipaliwanag na kaba na lumukob sa kaniyang dibdib.

"Asan ka Lea? S-Si Daddy." Marinig pa lang ni Lea na binanggit nito ang Daddy nila, doon siya kinabahan at hindi maipaliwanag na takot sa puso niya.

Hindi na hinintay pa ni Lea ang anumang sasabihin ni Kuya Glenard kundi nag mamadali na pinatay ni Lea ang tawag nilang dalawa. Kinuha niya na rin ang bag ang keys.
Lakad-takbo na ang ginagawa ni Lea palabas ng aking Opisina, kahit marami pa siyang dapat tapusin at gawin na naiwan na trabaho sa kompaniya–nanaig pa rin sa kagustuhan niya ang makita at puntahan ito.

May ilan pang mga empleyado na binabati at tinatawag ang pangalan ni Lea, pero hindi niya na iyon tinignan at tinuonan nang pansin dahil naging okupado na ang isipan niya. Sumakay na si Lea sa itim na sasakyan at mabilis na pina-harurot iyon ng takbo.

Ilang minuto, naka-rating na si Lea sa Mansyon. Sinalubong rin siya ng bati ng mga katulong at pag lilibot ni Lea naka-salubong niya si Kuya Reynard.

"Kuya!" Nang-hihina na nilapitan ni Lea ang kapatid. Nag danak ang malamig na pawis sa noo at tinakbo niya pa talaga para lamang mapa-bilis na mapuntahan si Daddy. "Kumusta si Daddy? Tumawag sa akin kanina si Kuya Glenard at sinabi na inatake na naman daw siya ng kaniyang s-sakit. Is he o-okay?"  Nanunug ang mata ni Lea sa takot sa tuwing sinusupong ng sakit ang kaniyang Daddy. Ito rin ang isa sa mga dahilan konng bakit nag retired na ang Daddy nila sa pamamahala ng kanilang negosyo at kompaniya dahil panaka-naka na itong sinusumpong ng sakit nito. Nag advice na lang ang doctor na mas mainam na tumigil na ang kanilang Daddy sa pag trabaho dahil iyon ang makaka-buti. Kaya't si Kuya Glenard at Reynard ang nag tutulungan para hindi masayang ang kompaniya at ilan namin na mga negosyo ng aming mga magulang.

"Huwag kanang mag-alala Kristine, maayos na ngayon si Daddy." Kahit konti nabunutan ng pasan sa dibdib ni Lea nang marinig na maayos na ang kalagayan ng kaniyang Daddy. "Gago talagang Glenard na iyon. Sinabihan ko na siyang huwag ipapaalam sa'yo na sinumpong si Daddy ng sakit dahil ganito lang naman ang kalalabasan na susugod ka ngayon dito at mag-aalala sakaniya." Bakas ang iritado sa tinig nito.
Kahit iritado man ang mukha ni Kuya Reynard, iniisip parati nito ang aking nararamdaman. Ganun ito palagi na ayaw niya akong mag-alala at ipaalam sa akin ang mga problema. Gusto niya pa rin na sino-solo at mag-isang nireresolbahan ang mga problema, lalong-lalo na rin tungkol kay Dad.

"Kahit pigilan man ako ni Kuya Glenard na pumunta dito—pupunta at pupunta pa rin ako dito Kuya."

"Narinig ko, na kinuha ni Glenard na maging business partner ang magaling mong asawa!" Panimula nito na kina-tigil naman muli ni Lea. Sa mata pa lang ng kapatid gumuhit kaagad ang galit dito. "Ibang klase, sinabihan ko na Glenard pero pinag patuloy niya ulit ang kaniyang plano.. Kapag nalaman ko lang na lumapit siya muli sa'yo at kahit si Steven, mapapatay ko ang hayop na iyan!" Hindi na lang kumibo si Lea dahil tiyak kapag nag salita muli ako–may ibabato na naman itong salita sa akin. "Puntahan mo na si Dad sa silid," iniwan na ako nito sa malawak na sala.
Sinundan na lang ni Lea nang tingin anv kapatid–mukhang hindi nga talaga ito nag bibiro sa kaniyang sinabi.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon