Chapter 49

716 18 1
                                    

Chapter 49

LEA KRISTINE'S POV

"Dala ko na ang hini-hinggi mo sa akin Lea." Tugon ni Mrs. Martinez at nilapag nito sa table ang brown ng envelop na kanyang hini-hinggi.
Madalas sila nag kikita nito sa coffee Shop kapag nakaka-kuha ng panibagong impormasyon sa kanyang pinapalakad.

Nilabas ni Lea mula sa envelop ang mga sandamakmak na mga litrato dahil pina-pamanmanan niya sa mga tauhan ni Mrs. Martinez si Mae.

Sa paraan na iyon ma tra-track ko na ang kini-kilos nito at hindi na ako mahihirapan pa sa susunod na pina-plano niya.

Pinapanuod ni Lea ang mga litrato at hanga siya sa mga kinuha ng mga tauhan nito na palihim na paraan.

"Galit na galit sakanya si Mr. Chavez dahil sa bilang pag atras mo sa partnership sa kanilang kompaniya at rinig ko ngayon na hindi pa maayos ang mag-ama." Kina-ngisi naman ni Lea ang binalita nito. Iyon naman talaga ang gusto ko ang ipadama kay Mae ang hirap na gustong-gusto ko na matamasa niya.
Kulang pa nga ito at hindi pa ako kumikilos sa aking mga plano.

Sa pag bubuklat ni Lea ng mga litrato, unang tumambad sakanya ang kuha sa Hospital na may kasama si Mae na isang babae na ngayon niya pa lang nakita.

Sa unang litrato okay naman silang nag-uusap pero sa pangalawa na, umiba na kaagad ang timpla ng pakikitunggo ng dalawa sa isa't-isa.

Sa litrato, makikita mo kaagad na galit na galit si Mae samantala naman ang babae, kalmado lamang sa litrato.
Sino ito?
Bakit galit na galit sakanya si Mae?

May namuong mga plano sa isipan ni Lea na pinapanuod sa kanyang kamay ang mga litrato.

"Alamin mo kong sino ang babaeng iyan na kausap ni Mae sa litrato, at alamin mo din ang ugnayan nilang dalawa." Seryosong utos ni Lea dito at nakuha naman kaagad iyon ni Mrs. Martinez.

"Sige,ipapagaw ko ito sa mga tauhan ko. Tawagan na lang kita kapag naka-hanap na kaagad ako ng impormasyon." Tumayo na si Mrs. Martinez at naiwan na si Lea na naka-upo pa din sa upuan at hinigop niya ang kape na may ngiti sa kanyang labi.
Sino kaya ang babaeng iyon?
Bakit ganun na lang ang galit ni Mae sakanya?

MAE'S POV

"Hello Louie." Patago na kausap ni Mae si Louie at kasalukuyan siya ngayon naroon sa bahay ng kanyang mga magulang.

[Minamanmanan ko na si Melissa at narito ako sa kanyang apartment. Napag alaman kong aalis na siya at nag iimpake na sila ng mga gamit.] Lumawak na lang ang ngisi sa labi ni Mae sa paraan na ito tuluyan nang mawawala sa landas niya ang mga taong nag bibigay problema sakanya.
Kapag tuluyan niya ng napa-layo si Melissa, hindi na malalaman ng tao ang sekreto niya

"Sige, manmanan mo lang sila Louie at huwag mong ialis ang tingin mo sakanila." Mahina at pabulong na saad ni Mae; hindi ipapa rinig sa iba ang kanilang pag-uusap.

[Sige, Mae.]

"Alam mo na ang gagawin mo Louie. Kill them!" Utos ni Mae at pinutol na ang pag-uusap nilang dalawa. Sinilid niya sa bulsa ang cellphone at lumabas sa kanyang tinataguan:

Kinuha niya sa table ang baked turkey na kanyang hinanda at matamis na ngiti na lumabas mula sa kusina.

Mabilis napalitan ang shift ng ngiti sa labi ni Mae at tumunggo na siya sa dining na nag-hihintay na ang kanyang mga magulang.

"I prepare your favorite dish Dad," proud na saad ni Mae na nilapag sa lamesa ang turkey kasama ang masasarap na pag-kain na hinanda ng mga katulong.

"Hmp." Hindi man lang na amazed ang Ama sa ginawa niya pero masasabi ko naman kaagad na nagustuhan nito ang hinanda ko para sakanya.

"Look Dad, I'm really sorry for what happened sa mga Sandovals." Ginamit ko ang mahina at may pag mamakaawa kong tono ng salita at piniling maupo sa bakanteng silya na katabi lamang ni Mia.
Kaharap ko ang mga magulang ko sa hapag-kainan. Nag set pa talaga ako ng dinner para formal na maka-hinggi ng tawad kay Dad sa aking ginawang pag kakamali.

Hindi na nag salita pa si Dad at nag simula na silang kumain ng hapunan. Nakikiramdam lang sila sa bawat-isa samantala naman si Mom, hindi magawang tumitig sa akin ng maayos.
Simula no'ng inamin ko na pinag tangkaan ko rin patayin ang totoong Ama ni Mia, todo iwas na ito sa akin.

"Tumawag sa akin si Mr. Ching at binalita niya sa akin na nag approved na siya sa partnership" matagal na rin nililigawan ng kanyang Ama ang partnership ng biggest investors na si Mr. Ching at gumawa talaga ako ng paraan para lamang mag invest ito sa kanilang kompaniya. Sa paraan na ito, masisiguro kaagad niya na makukuha ang loob ng kanyang Ama na patawarin niya na kaagad ako.

"Talaga po? I'm so happy na pumayag na pala si Mr. Ching." Abot langit ang lawak ng ngiti ko ngayon. Well; expected ko na mangyayari ito kaya't hindi na rin ako gaanong nagulat.

"Hindi mo pa din nakuha ang loob ng mga Sandoval, napa-hanga mo ako na na napa-payag mo rin si Mr. Ching." Ginamit lang naman ni Mae ang madugas na laro kaya't napa- oo niya ang matandang inshik na iyon. Tinakot ko lang ang matandang iyon na ilalabas ko ang mga baho na tinatago nito kaya't mabilis ko siyang napa-payag. "Ilang beses na kita pinag bigyan ng pag-kakataon Mae at ayaw ko nang maulit pa ang ginawa mong pag babastos noon sa mga Sandoval,"

"Yes Dad, thank you." Hindi na lang umimik si Dad at binaling kaagad ang tingin nito kay Mia.

"Gusto mo ba princess ang food?" Sa paraan na pakikiusap ni Dad kay Mia, mahal na mahal niya nga ito.

"Opo Lolo. Sobrang masarap po," abot langit ang ngiti sa labi ni Mia na kinu-kwento iyon kay Dad na kina-ngiti naman kaagad ng matanda.

"Kumusta naman si Mark? Nag susustento ba sa anak niyo?" Ang malagong na boses ni Dad ang nag pahinto sa akin sa pag subo.
Kinabaling ko naman kaagad ng tingin si Mae na may pakiusap ang mata na tumitig sa akin at una naman niyang binawi iyon. "Dapat mag sustento pa din siya kahit wala na kayo, at kong hindi mapipilitan akong kasuhan siya!" Ang salita nito ang mag palunok sa akin muli.

"Sa katunayan po, nag bibigay si Mark ng sustento po Dad at hindi niya naman po pinapabayaan si Mia." Pag sisinunggaling ko para hindi na humaba pa ang usapan nila. Baka sa paraan na kasuhan ni Dad si Mark, malalaman nito na hindi niya naman totoong anak si Mia.

"Good." Anito. "Mabuti ng hindi niya pabayaan ang anak niyo at ayaw ko lang na bumalik pa siya sainyo matapos nang matapos na ginawa niyang pag-iiwan sainyo." Anito at pilit na lang akong tumango. "Don't ever disappoint me again Mae, at kapag ginawa mo iyon. Hindi mo magugustuhan ang maari kong gawin sa'yo!" Mahina subalit may halong pag babanta sa boses ni Dad na mag panindig ng balahibo sa aking katawan.

"Yes Dad, makaka-asa ka po." Pilit na lang akong ngumiti at sinimsim ko ang huling laman ng wine sa kopeta.

****
Matapos naming mag-hapunan, kalaro ni Dad si Mia sa malawak na sala samantala naman ako mas pinili kong pumunta sa banyo para mag retouch muli.
Maayos na kami ngayon ni Dad at ngayon tra-trabahuhin ko na lang kong paano sila mag kakabalikan muli ni Mark.
Nilagay ko na ang gamit ko sa channel bag at lumabas na sa banyo.
Sakto naman na maka-salubong ko si Mom, noon mag kakampi kami ni Mom pero sa isang iglap nag bago ang lahat.

Taas-noo akong nag lakad at sadya ko nang iiwasan si Mom. Bago pa man ako tuluyang maka-lagpas, nang mag pahabol ito ng salita.

"Why did you do that?" Mahina ngunit may pahiwatig na tono na pananalita nito.

"Do what?" Maang-maangan kong saad at tumitig sa mata nito.

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa Daddy mo ang totoo, na hindi naman anak ni Mark si Mia."

"Nag iisip ka ba Mom? Kapag malaman ni Daddy ito magagalit siya sa akin at worst, papatanggalin niya ako for sure sa kompaniya. " mahina kong asik at kay lungkot akong tinitigan nito. "Hindi ko na dapat siya ma disappointed at baka mawala lahat nang mga pinag-hirapan ko."

"Mae, please." Pakiusap nito pero sarado na ang taenga at isipan kong pakinggan kong ano pa man ang sasabihin niya

Nilapit ko pa ang sarili ko kay Mom at may halong takot sa mata nito. "Mabuti pang itikom mo na lang ang bibig mo Mom, at baka sa paraan na ito, I could spare your life." May demonyong ngiti sa aking labi na kina-kurap naman ng mata nito.

Ngumisi na lang ako at nilampasan ko na lang si Mom.
Hindi ko hahayaan na sirain mo Mom ang mga plano ko.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon