Chapter 48

684 19 3
                                    

Chapter 48

MAE'S POV

"Totoo ba? Totoo bang anak ng kapatid ko si Mia?" Ang salita nito ang mag patigil sa akin.
Hindi ko na namalayan na naka-kuyom na ang kamao ko at pinipigilan na magalit sa narinig ko.

Humarap ako kay Melissa hindi ko pinakita na naapektuhan na ako sa kanyang sinabi.
Paano niya nalaman ang bagay na ito?

Walang sinuman ang nakaka-alam sa tunay na pag katao nang ama ni Mia, ako lang at wala ng iba!

May ipa pang nakaka-alam pero si Jeric, pero matagal ko na siyang pina-tahimik!
Naka-coma na siya at wala na itong kakayahan mag sumbong.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Pilit ko pa rin pinag tatanggi ang katotohan. Hindi ko hahayaan na sirain ng isang kagaya niya ang mga plano ko.

"Huwag kang mag sinunggaling sa akin Mae. Sinabi sa akin ni Lorraine na anak ng kapatid ko si Mia, at masasabi ko talaga na anak siya ng kapatid ko dahil mag kamukha sila ni Kuy—-"

"Oh my god! Seriously, Melissa?" Pagak akong mapa tawa sa harapan nito. Nababaliw na nga siya. "Nag babase ka lang dahil mag kamukha ang anak ko ang kapatid mo? Baka nakaka-limutan mo, maraming tao ngayon ang mag kamukha na hindi sila related, Melissa." Tugon ko pa samantala naman ang mata nito maluha-luha na. "Kong sino man nag sabi sa'yo ng mga kalokohan na iyan, she's lying to you. Hindi anak ni Jeric si Mia, at tigilan mo na rin kalokohan mo."

"Bakit hindi natin ipa-test si Mia at ang kuya ko, para malaman natin ang totoo?" tangina talaga. Hindi pa ba siya titigil?

Mahina at nang-gigil kong asik. "You're crazy."

Nanatiling kalmado si Melissa sa harapan ko at hindi ko mabasa kong ano man ang tumatakbo sa isipan nito. "Asan ka ba, nong naaksidente ang Kuya ko?"

"What?"

"Tinatanong kita, kong asan ka n-nang maaksidente si Kuya." Basag nitong tinig.

"Nasa bahay lang ako. Wait, sa tingin mo, magagawa kong pag tangkain na patayin ang buhay ng kapatid mo?" Nababaliw na nga siya! Ako na lang ang sinisisi niya sa nangyari sa kapatid niya. Totoo naman, pero hindi ako aamin nang ganun-ganun lang.

"Bakit hindi nga ba?" Malamig na saad nito na lalo pa ako nagalaiti sa galit. Hayop siya. "Hindi naman malayo na posible mong gawin iyon p-para lang mailayo lang sa kapatid ko si Mia." Sa labis na galit, hindi ko na napigilan ang sarili ko na maihampas nang malakas ang lamesa na maka-gawa iyon ng nakaka-hindik na tunog na mag paagaw ng atensyon ng ibang tao na naroon. I don't gave a fuck!
Wala akong pakialam kong pag-tinginan man sila ng mga tao sa paligid nila.

Buong galit at uyam kong tinitigan si Melissa, samantala naman ito kalmado lamang sa harapan ko. "Fuck you! Hindi mo alam ang sinasabi mo, Melissa."

"Patunayan mo na wala ka talagang kinalaman sa nangyari sa Kuya ko. At kong oo man, sisiguraduhin kong pag babayaran mo."

Kina-igting naman ng panga ko na tumitig sakanya. Nanginginig na ang katawan ko na gusto siyang saktan at ingudngud ang pag mumukha niya sa lamesa. Wala siyang karapatan na pag bantaan ako. "Hindi pa ako tapos sa'yo!" Dinuro ko si Melissa at walang pasabi na tinalikuran ito.

Habang tinatahak ko ang daan paalis sa lugar na iyon; blangko at sobrang dilim ng mukha ko sa galit.
Ilang beses ko na sinumpa ang pangalan niya sa isipan ko.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at tinawagan kaagad ang mahalagang tao. "Hello Louie," panimula kong saad. "May ipapagawa ako sa'yo!" Naging matalim ang aking mata at pag katapos sinilid ko na ang cellphone ko sa bulsa.
Bago nilisan ang lugar na iyon, hindi mawala ang matamis na ngisi sa aking labi.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon