Chapter 34

4.2K 95 0
                                    


Chapter 34

MARK SAMUEL'S POV

"Hello, Mr. Hamington? Inaayos ko na lahat na problema. Ako na bahala mag-ayos nito a—- Hello? Hello?" Tinignan ni Mark ang cellphone at wala na doon ang kausap.

Kina-pikit niya nang mata at kulang na lang wasakin ang cellphone na hawak sa gigil at galit na nadarama. "Putangina talaga!" Nasuntok ni Mark sa galit ang lamesa.

Bumigat ang kanyang pag-hingga na ngayon sunod-sunod nag sidatingan ang mga problema na kinakaharap ng kanyang kompaniya.

Pabalang na binagsak ni Mark ang hawak na cellphone sa table; hindi pa rin humuhupa ang galit na kanyang nadarama. Ilang minuto bumukas ang pintuan ng Opisina ko at pumasok ang secretary ko na pawisang nag mamadali.

"S-Sir," hinahabol pa nito ang pag-hingga para lamang ipamalita sa akin kong ano man ang nalaman nito.

"What?!" Bulyaw na sigaw ni Mark sa secretary nito, namutla sa takot na paninigaw sakanya ng kanyang Amo. "Ano? Nahanap mo na ba ang tarantadong nag labas ng mga impormasyon sa JTB Corporation?"

"H-Hindi po Sir." Ang salita nito ang nag papikit sa mata ni Mark. Putangina talaga. "Bumalik po ako sa IT department at nag double check ho sila ng buong system dito sa kompaniya. Lumabas ang result na sa mismong pc niyo nag mula ang pag labas ng impormasyon sa JTB Corporation kaya't napunta sakanila ang copy."

"That's bullshit!" Dumaongdong ang malakas na sigaw ni Mark at kasabay na tinabig ang mga naka-patong na kagamitan sa ibabaw ng lamesa. Dumaongdong ang malakas na pag kabasag no'n sa sahig at kasabay rin ang malakas na sigaw sa takot ng secretary nito.
Pawisan at aligaga ang mata ng secretary. Hindi niya rin alam kong dapat pa bang manatili sa loob ng Opisina ng kanyang Amo. Alam niya ang kaya nitong gawin sa tuwing nagagalit ito at kong hanggang saan lamang ang pasensiya nito.
"Sa tingin niyo, magagawa kong sirain ang image ng sarili kong kompaniya? Nag iisip ba kayo!" Singhal niya ulit dito.

"H-Hindi po S-Sir." Sagot naman ng secretary sa pagitan ng panginginig ng katawan nito sa galit. "Hindi ko rin alam kong bakit g-ganun ang lumabas na result mula sa IT department. "Kakatawag lang po ng secretary ni Mr. Hamington sa akin at sinabi na aatras na daw siya sa deal at investment sa kompaniya a-at." Pag bibitin nito.
Kina-baling ng tingin ni Mark ang secretary; nanigas na sa kinatatayuan sa mata niyang nakaka-takot at nag babanta.

"Ano? Sabihin mo na, hindi iyong bini-bitin mo pa ako!" Lumabas na ang usok sa ilong ni Mark.

Nag danak ang malamig na pawis sa katawan ng secretary nito. Lumunok pa ito ng laway at inipon ang sarili bago mag salita. "Isa-isa na rin ho, nag back out ang iba pa nating mga investortor. Dahil sa lumabas na balita tungkol sa nangyari kay Mr. Hamington, nawalan na sila ng tiwala sa kompaniya natin mag i-invest  Sir,"  Tangina talaga'

"Call all the head departments. I will call an emergency meeting. right now!

"Y-Yes Sir." Dali-dali naman na lumabas ang secretary ni Mark at huli na lang niya narinig ang pag bukas-sara ng pintuan nang Opisina na hudyat naka-alis na nga ito.

Naiwan na lang si Mark naka-tayo at sobrang bigat ng kanyang pag-hingga sa mga nangyari ngayon.

"Tangina talaga! Mahuhuli din kita!" Gigil na asik ni Mark at hinigpitan ang pag kakabit ng necktie sa leeg nito.

MAE'S POV

Maganda ang lakad ni Mae na pumasok sa Opisina ng kanyang Papa. Pag pasok niya sa loob, naabutan niya itong perinting naka-upo at seryoso sa binabasa nitong article.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon