Chapter 18
MAE'S POV
"Good morning Mam." Salubong na bati ng kasambahay na kararating ko lang sa bahay ng mga magulang."
"Good morning, narito ba si Mom?"
"Nandito po Ma—-" hindi na natapos ang sasabihin na suminggit ang kaniyang Ina na kabababa lamang.
"Mae, Hija." Maaliwalas ang mukha nito ng makita ako. Suot ang maroon na mamahalin na kasuotan at balot na balot rin ito ng mga alahas sa katawan. "Masaya ako at dumalaw ka dito sa atin."
"Hi Lola." Ngumiti na bati ni Mia. Suot ang cute na white na dress na bumagay dito ay naka-puyos din ng ribbon ang mahaba nitong buhok.
"Wow naman ang Apo ko. Ang cute-cute mo naman, my princess." Pinangigilan ni Mom ang maumbok nitong pisngi.
"Thank you po, Lola Mommy."
Humawak ako sa balikat ni Mia. "Ibigay mo na sweetheart, ang gift natin kay Lola, bilis na." Pag papasunod ko pa at kina-lawak naman ng ngiti sa labi nito.
"Here po, Lola." Inabot ni Mia ang paper na pasalubong nila para dito at malugod naman na kinuha iyon ni Mom.
"Oh my god!" Sinilip nito ang laman at namilog ang mata na makita iyon. "Wow naman ang sarap naman nito. Did you make this, Mia? Amoy pa lang masarap na."
"Yes po Lola Mommy, kami po ni Mommy ang nag bake niyan." Proud na tugon naman ni Mia.
"Ang galing-galing mo naman talaga. Manang-mana ka sa Mommy mo, hindi lang maganda kundi talented pa." Hinaplos ni Mom ang mahabang buhok ni Mia, at kina-hagikhik naman ng bata.
"Manang ihatid mo si Mia sa silid niya. Ipakita mo sakaniya ang gift na inihanda ko sakaniya." Utos ni Mom sa katulong na naka-stand by lamang sa tabi."Yes po Mam." Anito at lumapit kay Mia para ayain na ito. "Halika na Mia." Hinawakan na ng katulong ang maliit na kamay ng bata at ginaya na ito sa ikalawang palapag.
Nang mawala na sa tingin namin ang dalawa, ginaya na ako ni Mom na maupo sa malawak na living area para makapag-usap ng masinsinan.
"Sobrang saya ko talaga Mae at pumunta ka dito sa atin. Dito kana rin mag hapunan at uuwi ang Daddy mo dito, mamaya."
"Sorry Mom, hindi ko ata maipapangako na makakapag dinner pa kami ni Mia dito. Mayron din kaming plans ng anak ko mamaya."
"Nakaka-lungkot naman. Bihira ka lang dumalaw dito sa atin Hija, baka naman pwedeng ireschedule na lang ang appointments niyo. Minsan lang naman ako huminggi ng request sa'yo."
"Sorry Mom, hindi ko magagawa iyon." Tugon ko pa. "Dadalaw na lang kami ni Mia dito sa susunod.. Mas mabuti na hindi na lang mag cross ang landas namin ni Dad, alam mo naman na mainit ang dugo niya sa akin." Pag susunggit kong turan.
"Kahit na Hija, paminsan masunggit sa'yo ang Daddy mo. Hinahanap ka din niya sa akin." I rolled my eyes on her. Oh my god! Si Dad, hahanapin ako? Hindi mangyayari ang bagay na iyon.
Ang importante lang naman sakaniya ang kompaniya at si Ivonne.
The wench, Ivonne."Me, hinahanap? I don't think so, mas mahal niya si Ivonne kaysa sa akin." Pag didiin ko pa. Hindi ako magiging favorite ni Dad, at hindi mangyayari ang bagay na iyon.
"Bigyan mo naman ng chance ang Daddy mo, mag usap kayong dalawa at ayusin ang hindi niyo pag kakaintindihan na dalawa." Anito. "Bukas pala, may mahalagang meeting at may special announcement ang Daddy niyo kasama ang board members ng kompaniya, at gusto ng Daddy mo na nandon ka."
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going