Chapter 47

806 15 0
                                    

Chapter 46

MELISSA'S POV

"Sinasabi ko naman sa'yo Melissa na tanggapin mo na ang alok ko sa'yo na dito mo na lang ipag patuloy ang medication ng Kuya mo dito sa Canada at ako na ang bahala sa lahat ng mga gastusin. Para naman mabantayan ko rin ang Kuya mo." Kausap niya ngayon ang Ina sa telepono at kinu-kumbinsi na siya nito matagal na doon manirahan at ipag patuloy ng kanyang kapatid ang pag papagamot nito.

Dalawa lamang sila mag kapatid, ako ang bunso. Bata pa lang kami hiwalay na ang kanilang magulang. Ang kanyang Ama nakapag asawa na ng iba at nasa probinsiya samantala naman ang kanyang Mama nakapag asawa na ito ng foreigner at pareho ang dalawa architecture; pareho retired na ang ito at pa travel-travel na lang sa bansa.

Meron naman akong trabaho bilang call center. Sa gabi nag tra-trabaho ako at pag umaga naman nag lalaan ako ng oras para bantayan ang kapatid ko sa Hospital. Sa totoo lang nahihirapan na akopag sabayin ang pag tra-trabaho at pag babantay sa kapatid lalo't wala naman akong katuwang at wala silang malalapit na mga kamag-anak dito sa Maynila, pawang nasa probinsiya.

Kami lang na dalawa ni Kuya Jeric dito at sa tulong ni Tiya Minda na kapitbahay ko, at sa anak nitong babae; napakikiusapan ko na sila muna ang mag bantay sa kapatid ko habang nag tra-trabaho ako.
Bini-bigyan ko na lang sila ng bayad para sa tulong na rin na pag babantay kapag nag tra-trabaho ako.

"Ma, kaya ko na ho ito." Pag tatanggi ko. Hindi naman sa ayaw ni Melissa na tanggapin ang alok ng Ina pero hindi naman siya lumaki sa Canada.
Sa katunayan nag offer pa ang kanyang Mama na sagot na ang kanilang gastusin na mag kapatid pag punta doon pero ako lang naman ang umaayaw; hindi ko rin kasi maiwan-iwan ang trabaho ko.

"Pag-isipan mo Melissa. Gusto ko na rin kayo makasama ng Kuya mo." Nalulungkot siguro ang kanilang Mama na hindi sila kasama at wala din itong anak doon sa pangalawa niyang asawa. "Kong iniisip mo ang trabaho, tutulungan naman kita at matitiyak kong magugustuhan mo rin dito. Para sainyo rin ito ng Kuya mo at gusto ko na kayong makasama dito."

"Sige, pag-iisipan ko po Mama." Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga at ang salita naman nito parang na nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Maraming salamat Hija."

"Tawagan ko na lang kayo Mama. Mag-iingat po kayo diyan." Pinatay na ni Melissa ang tawag at sakto naman nahinto na siya sa tapat ng silid ng silid kong saan naka-himlay ang kanyang kapatid.

Nakakapagod man na araw-araw na ganito pero kinakaya niya naman para sa Kuya niya. Wala pa naman siyang asawa at habang nabubuhay ako, pinangako ko na aalagan ko ang kapatid ko.
Sinilid ko na ang cellphone ko sa bulsa at pumasok na rin sa loob. Pag pasok ko nadatnan ko si Aling Minda at hindi lamang ito nag-iisa sa silid.

Naka-himlay pa rin ang kapatid ko sa Hospital Bed at sa gilid ang isang babae naka-tayo at pinapanuod ang kapatid ko.
Nag patuloy lamang ako sa pag lakad papasok at hindi ko makita kong sino ang dumalaw sa kapatid ko, ngayo'y naka-talikod ito at hindi sa akin familiar.

Nang mapansin ng babae na kanina pa ako naka-masid sakanya at lumingon naman ito. Napa-kurap ako ng mata at hindi makapaniwala na makilanlan ko kong sino ito.

"Melissa." Tawag ng babae at ngumiti ito ng kay tamis sa akin.

"Lorainne." Tawag ko sa pangalan nito.

Inaya ko si Lorraine na maupo muna sa upuan sa loob ng silid. Si Aling Minda,nauna nang umuwi kaya't kami na lang ang naiwan ni Lorraine.
Si Lorraine ang kababata namin na kaibigan ni Kuya Jeric. Hindi ako makapaniwala matapos ang mahigit sampung taon mag-kikita silang muli. Nag migrate na kasi ang mga magulang nito sa States at naiwan na lang na negosyo nila sa Pilipinas ang mga lupain at condo na minsan si Kuya Jeric nanirahan ng mahabang panahon.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon