Chapter 63

574 15 0
                                    

Chapter 63

LEA KRISTINE'S POV

Naka-pako lamang ang tingin sa hawak nitong cellphone at nag play doon ang isang karumaldumal na pag paslang ni Mae kay Jeric ng gabing iyon. Kuha ang video mismo sa loob nang condo ni Jeric at base pa lang sa quality at pag kukuha nang nasabing video, palihim iyon kinuha.

"Oh anong masasabi mo Mrs. Montecillo, diba tama ako? Ito ang matagal mo nang hinahanap na ebidensiya."

"Paano mo naman nasabi na kailangan ko iyan?"

"Dahil matagal mo na itong hinahanap. Nag punta ka pa nga sa mismong condo ni Jeric para hanapin ang cctv camera, para mag hanap ng solid na ebidensiya, diba?" Anito na mag pakunot ng aking noo dahil nalaman nito ang simple kong ginagawa. "Walang silbi ang nakuha mong ebidensiya, dahil mas malakas itong sa akin. Sa paraan na video na hawak ko, pwede mo nang mapakulong si Mae nang habang buhay at maka ganti kana rin sakanya sa lahat ng mga kasalanan niya sa'yo," imbes na humangga ako sa pinag sasabi nito, natatawa na lang ako.

"Kahanga-hanga, hindi ko lubusang akalain na ang isang kagaya mo maraming alam." Tugon ko pa na kina-lawak ng ngisi nito. "Sino ka ba talaga? Paano mo naman mapapatunayan sa akin na totoo nga ang video na hawak mo ngayon. Baka isa ka sa mga manloloko na pinapalitan na lang ang mukha sa video para maging kapani-paniwala."

Nilayo nang lalaki ang cellphone na hawak at sinilid sa bulsa na hindi pinuputol ang mahiwatig na titig sa akin. "Hindi pala ako formal na nag papakilala sa'yo. Ako nga pala si Carlo." Pag papakilala nito. "Masisiguro ko sa'yo na totoo itong video na pinakita ko sa'yo Mrs. Montecillo, ako mismo ang kumuha nito.. Alam mo kasi, vlogger kasi ako at habang nag co-content ako ng gabing iyon sa aking kwarto may nakita akong kakaiba sa kabilang building, na may nag aaway na mag kasintahan. Kaya kinuha ko ang camera ko at vinideohan ang pangyayari na kanilang pag tatalo sa sliding window.. Hindi ko lubusang akalain na papatayin ni Mae ang nobyo niyang si Jeric." Tama nga talaga ang kinu-kwento ni Carlo na kilala nga nito si Jeric dahil mag katabi lamang na building ang kanilang tinu-tuluyan.. "Nong makita kita sa condo ni Jeric, nalaman kong hinahanap mo daw ang footage ng cctv kaya doon ko na ilalabas ang natatago kong ebidensiya at baka sa ganun maka-tulong."

"Kong gusto mong maka-tulong, di dapat matagal mo nang nilabas ang video na iyan sa mga pulis,nang matagpuan si Jeric na naaksidente at hindi iyong pupunta ka sa akin para ipakita iyan."

"Haha! Gusto ko kasi na sa'yo ko ito unang ipakita Mrs. Montecillo,"

"Just Ms. Sandoval." Pag tatama ko. "Ano bang sadya mo?"

"Hindi ko naman sasayangin ang opportunidad na hindi ko ma gamit itong hawak kong ebidensiya. Ibibigay ko sa'yo ang video kasama ang hard drive ng files kapalit nang pera."

"I will offer you 5 million for that. Siguro naman sapat na ang offer ko." Napa iling-iling pa ito at mukhang hindi nito nagustuhan ang offer ko.

"Kulang ang offer mo Ms. Sandoval. Gusto kong 50 million," What? Nag lolokohan ba tayo ngayon?

"What? Hindi ko mabibigay ang gusto mo dahil masyadong ng mataas. Malaki na rin ang offer ko sa'yong limang million at hindi kana rin lugi dahil kong ibibigay mo iyan sa mga pulis, wala kang makukuha kahit, isang kusing."

"Sayang naman. Kong hindi mo maibibigay sa akin ang 50 million, hindi ko rin maibibigay ito sa'yo." Pangungonsensiya pa nito.

"Okay lang, kong hindi mo maibibigay sa akin. Marami pa naman akong paraan para madiin si Mae."

"Hindi masama ang 50 million na hinihiling ko sa'yo Lea dahil bukod sa video na ito, may isa pa akong nalalaman na sikreto.. Gusto mo bang malaman?" Lumawak pa lalo ang ngisi nito na may nalalaman pa ito na hindi ko alam. Hinakbang ni Carlo ang sarili niya sa akin at huminto sa harapan ko, na hindi pinuputol ang titig ko sakanya. "Alam na ba ni Mae? Alam niya ba na ikaw an—-"

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon