Chapter 2

1.8K 43 1
                                    

Chapter 2

LEA KRISTINE'S POV

Binuksan ni Mom ang pintuan at sumalubong kaagad kay Lea ang magandang condo kong saan sila tutuloy pansamantala. Kulay puti ang pintura sa kisame at pader. Pag pasok mo pa lang bubunggad na kaagad sa'yo ang maganda at malawak na sala. Kulay puti ang couch set, malaking tv, puting carpet sa sahig. Apat na silid mayron ang condo, may sariling kusina, malawak na dining area at cr. Kahit ganun kaganda at kaaliwalas ang lugar na iyon, hindi pa rin mapupunan ng saya ang puso ni Lea.

Pumasok na sila ni Mom sa loob ng condo–hindi maalis ang tingin ni Lea sa paligid pinag mamasdan ang bawat kanto ng kasulok-sulokan. Pinasok na rin ni Mom ang iba naming dalang bag at maleta laman ng ilang gamit ko.

"Mommy!" Patakbo si Steven na may ngiti sa labi at niyakap si Lea sa binti. "I miss you so much Mommy," malungkot nitong turan. Nangulila rin si Lea dahil ilang araw niyang hindi naka-sama at nakita ang anak.

Hinawakan ni Lea ang buhok nang anak at hinaplos. "I miss you too sweetheart." May bakas nang yabag ng paa papunta sa gawi namin at si Kuya Glenard lamang iyon. Suot ang pamormang damit at nakapa-mulsa.

"Kuya Glenard." Kahit paaano nakapanti at pakiramdam ni Lea hindi siya nag-iisa dahil nandiyan ang kaniyang pamilya na handang gumabay sakaniya.

"Kumusta kana? Masaya ako na maayos kana." Lumapit si Kuya Glenard at niyakap ako ng mahigpit at ako rin ang kumalas sa pag-kakayakap naming dalawa.

"Si Kuya Reynard?" Hinahanap ni Lea ang nakakatandang kapatid–nag babakasali na lumabas ito. Gusto niya kasi huminggi ng tawad sa pag sagot niya dito no'ng minsan itong dumalaw sa Hospital. Kahit masungit at strikto ang kapatid niya ramdam ko ang pag mamahal nito sa akin, siguro ginagawa niya lamang iyon para protektahan ako sa mga taong gustong manakit sa akin. "Nandito ba si Kuya Reynard?"

"Wala siya dito Kristine, ako lang." Nadismaya man si Lea sa sagot nito. May parte pa rin ng puso niya nalulungkot dahil parang iniiwasan niya ako. Takot na si Lea na iwan siya ng mga taong mahahalaga sakaniya. Ayaw niya nang danasin muli ang umiyak at masaktan. Humawak si Kuya Glenard sa aking balikat at ngumiti ng matamis. "Huwag kanang malungkot, pina-pabigay ito ni Reynard. Humihinggi siya ng despinsiya na hindi siya makaka-punta ngayon dahil sa meeting niya.. Nangako siya na dadalawin ka niya dito kapag bakante na ang schedule niya." Inabot ni Kuya Glenard ang munting paper-bag na pina-pabigay nito.

May munting ngiti sa labi ni Lea, kahit masama ang loob sa akin ni Kuya, inaalala pa din siya nito. "Maraming salamat Kuya."

"Sige na idala mo muna Glenard si Steven sa silid niya, kailangan pa mag pahingga ng kapatid mo para bumalik na ang kanyang lakas." Pag papasunod ni Mom dito.

"Sige po Mom." Hinawakan ni Glenard ang balikat ni Steven. "Halika na. Mag goodnight kana muna Steven, kay Mommy mo." Pag papasunod nito.
Tumango na lang si Steven at hinalikan ito ni Lea sa pisngi.

"Goodnight sweetheart." Niyakap ni Lea sa huling pag kakataon ang anak bago matulog.

"Goodnight din Mommy."

Kumalas na si Steven nang yakap sa akin at dinala na ito ni Kuya Glenard sa silid nito.

Naka-ngiti na pinapanuod lamang ni Lea ang dalawa hanggang mawala ito sa aking paningin.

"Dito na muna kayo titira pansamantala sa condo habang wala pa kayo ni Steven na matutuluyan. Gustuhin ko man sana na sa Mansyon ka tumuloy kasama ng Apo ko, kaso hindi naman magugustuhan ng iyong Daddy doon." Hinawakan ni Lea ang kamay ng Ina at pinisil iyon.

"Maraming salamat Mommy. Salamat sainyo nila Kuya dahil hindi niyo ako iniwan at pinabayaan. Kong wala k-kayo, hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko."

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon