Chapter 36
MAE'S POV
"Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?" Kausap ngayon ni Mae ang secretary sa labas mismo ng Opisina. "Ayaw ko ng mga delay na mga paperworks, naiintindihan mo ba ako?"
"Opo Mam, natapos ko na po." Anito. "Tumawag sa akin kanina si Sir, gusto niya daw kayo maka-usap Ma—-" hindi na narinig pa ni Mae ang sunod na sinabi nito na naging okupado kaagad ang isipan.
Nakita ni Mae ang lalaking dumaan medyo may kalayuan din kong saan sila naroon ng secretary nito.
Palinga-linga pa ang lalaki at mukhang may hinahanap ito.Hindi lamang simpleng lalaki ang nakikita ni Mae, kundi isang delivery guy at may bitbit pa itong regalo.
Regalo na manumbalik ang kaba at takot sa kanyang puso.Kaparehong-kapareho ang regalo na natatanggap niya.
Nasundan niya ako muli?
Bumalik siya?Palinga-linga pa ang lalaki na animo'y hinahanap nito kong saan idadala ang regalo.
Sa segundong lumilipas, namumuhay ang kaba at takot sa puso ni Mae. Aaminin niya sa sarili nag karoon na siya ng trauma at takot sa tuwing nakaka-kita siya ng delivery guy o kaya naman regalo.
Sandali,
Ibibigay niya ba iyon sa akin?Hindi pinuputol ni Mae ang titig sa delivery guy, hindi pa rin mahanap kong kanino iyon idadala.
Naging malilikot na ang mata ni Mae sa takot, kamuntik na siyang mapa-sigaw na may humawak na malamig na kamau sa balikat niya. "M-Mam? Ayos lang po ba kayo? Namumutla ata kayo," puna ng secretary ko.
Namumutla ang labi, na kina-balik ni Mae nang tingin muli ang delivery guy at binigay nito ang regalo na hawak sa isa sa mga empleyado ko dito at nag lakad na ang delivery paalis.
Aaminin ni Mae na nabunutan ng tinik ang dibdib na hindi para sakanya ang regalo na iyon. Aatakehin na siya sa takot kong posibilidad na sa akin nga talaga iyon ibibigay.
"Gusto niyo Mam, ng tubig?" Pag-aalok nito na kina-kurap naman ng mata niya.
"O-Oo, ayos lang ako." Pilit na pinapakalma ni Mae ang pananalita at ang secretary ko hindi pa rin maalis ang pang takot sa mata nito. "T-Tapusin mo na lang ang gagawin mo. Understand?!" Kahit takot man, gusto pa rin ipakita ni Mae na wala siyang kinakatakutan na kahit na sino.
Nilunok ni Mae ang laway sa huling pag-kakataon at nag lakad na paalis. Pabagsak niyang sinarhan ang pintuan ng Opisina at sinandal niya ang likod sa pinto.
Shit!Ano bang nangyayari?
Hindi dapat ako matakot nang ganito.
Hanggang maka-uwi si Mae, tolero at maraming bumabagabag sa kanyang isipan. Sa tuwing pinipikit niya ang mata, naiisip niya ang posibilidad na mangyari na bigla na lang bumalik ang nanakot sa akin at ilabas nito ang totoo sa kanyang nalalaman. Umupo si Mae sa malambot na kama at tinignan si Mark sa tabi, na mahimbing na itong natutulog.
Sinapo ni Mae ang mukha at mag papasado alas dos na nga ng madaling araw, heto't bukas na bukas pa rin ang kanyang diwa at hindi pa rin maka-tulog. Pilit niya man na hindi mag isip ng kong ano-ano, subalit namumuhay ang kaba at takot sa dibdib ko, na wala naman dapat ikabahala. Tumayo si Mae , para tumungggo sa kusina para uminom ng tubig dahil nauuhaw na siya.
Nag lakad na si Mae pababa at sumalubong kaagad sa kanya ang madilim nilang living are, wala kanang makikitang bakas na taong gising ng gabingiyon at malalim na nga ang gabi. Nilamon na ng kadiliman ang bawat kasulok-sulokan ng kanyang bahay, hindi na rin binuksan ni Mae ang ilaw dahil nakikita niya pa naman ang paligid dulot ng liwanag mula sa ilaw sa labas.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going