Chapter 3

19.9K 265 39
                                    

Chapter 3

LEA KRISTINE'S POV

Dalawang taon na ang naka-lipas tuluyan nang naka-limot sa mapait na karanasan at buhay si Lea. Sa tulong ng kaniyang Mommy, ng aking mga kapatid at si Insoo, tuluyan akong nagising sa aking kahibangan at pag-kakamali–tinama ang aking buhay. Pumunta si Lea ng States kasama si Steven para mag simula muli at kalimutan ang aking naka-raan.
Sa tulong ni Mommy, pinag patuloy ni Lea ang pag aaral na hindi niya natapos noon. Habang nag aaral sa States, pinag sabay niya rin ang pag aaral ng kanilang negosyo.

Wala nang balita pa si Lea kay Mark at kahit na rin kay Mae. Huli kong balita sakanila–simula ng aking pag-alis sa dati naming bahay ni Mark. Iyon din ang araw ang pag alis niya nang bansa. Apat na buwan itong nawala at pag katapos bumalik rin kaagad ng Pilipinas.

Hanggang doon na lang ang nasagap kong balita, at wala ng plano pa si Lea na bumalik pa sa dating asawa.

Sa kaniyang pag-mamahal at mapapait na karanasan na sinapit noon–naging malamig at tigas na ang kaniyang puso.

Kasalukuyan na siya ngayon nag tra-trabaho sa kompaniya ng kanyang mga magulang at bumalik na sila ni Steven nang Pilipinas dalawang buwan na ang nakaka-raan. Matagal na rin nag retired si Dad sa kompaniya at kaming tatlong mag kapatid ang nag manage ng kompaniya at ilang mga negosyo ng aking mga magulang. Tulong-tulong silang tatlo sa pag papalago ng aming negosyo at ngayon tanyag na sikat at kilala sa buong Pilipinas ang aming kompaniya.

Sa sipag at tyaga ni Lea, naka-pundar na rin siya nang sariling bahay, sasakyan at ngayon nag plano na rin mag tayo ng sarili niyang business, aside sa pag trabaho sa kompaniya nila.

Taas-noong nag lakad si Lea papasok ng kanilang kompaniya–binabati at ginagalang ng bawat empleyado na kaniyang maka-salubong.
Tumayo naman ang secretary ni Lea sa kina-uupuan ng mapansin nito ang aking pag dating. Nag bigay galang ito hanggang tuluyan na siyang maka-pasok sa loob ng kaniyang Opisina.

Black and white ang combination ng motif ng buong silid nang Opisina. Pag pasok mo pa lang bubunggad na kaagad sa'yo ang black seat of couch na pwede kang maupo kapag kausap ang ilang besita at mahahalagang ka-meet na board member. Nag kalap rin ang iba't-ibang painting sa silid at sobrang aliwalas.

Sa kabilang dako naman naroon ang table ni Lea– naka-patong ang pc set, ilang documento sa table at glass nameplate naka-sulat kong ano ang posisyon niya sa kompaniya. Sa
likuran ang napaka-laking glass window na matatanaw mo talaga ang kulay asul na kalangitan at nag tataasan na mga building sa paligid. Parang langgam na lamang ang mga taong nag lalakad sa ibaba at laruan ang mga sasakyan.

Nilapag ni Lea ang dalang chanel bag at ilang sandali lamang pumasok na sa silid ang katiwalang tauhan niya.
Suot ang itim na suit at malapad ang pangangatawan ng lalaki. Balbas sarado din ito, at karaniwan na inuutusan ito ni Lea kapag may mahalaga siyang ipapagawa dito.

"Nakuha mo ba si Mr. Zaballa, Mr. Aringo?" Nilapag ni Mr. Aringo ang ilang documento sa ibabaw ng desk ko. Pasimpleng sinulyapan na lang iyon ni Lea at gumuhit ang ngiti sa labi–na matagumpay na nagawa nito ang aking pinag-uutos.

"Yes, Ms. Sandoval." Anito. "Huwag kayony mag- alala at ginawa ko lahat ng pinag uutos mo sa akin... Tiyak na magagalit si Mark, kapag nalaman niyang nakuha na natin, ang investor na inaasam- asam niyang makuha."

Kinuha ni Lea ang documento, binuklat at isa-isa niya itong sinuri.

"Job well done, Mr. Aringo, alam ko naman na magagawa mo nang mabuti ang pina-pagawa ko sa'yo." Lumawak ang ngiti sa labi ni Lea at sinandal niya ang likod sa swivel chair. Sa pag kakataon na ito galit na gali na siguro ngayon si Mark, na malaman na nawala na ang kina-asam-asam niyang makuha na investor.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon