Chapter 67

590 11 0
                                    

Chapter 67

LEA KRISTINE'S POV

"Uggh." Isang unggol na lang ang lumabas sa aking bibig sabay sapo sa aking ulo, na maramdaman ang pananakit no'n. Gumulong pa ako nang pag kakahiga sa kama at pag mulat ng aking mata, labis ang tataka ng mapag tanto na naroon ako sa aking silid.
Bakit ako nandito?
Paano ako naka-uwi?

Isang katanunggan pa rin para sa akin kong paano ako naka-uwi sa bahay, na wala naman akong maalala na nag maneho ako ng sasakyan. Huli ko na lang matandaan na nag uusap kami kagabi ni Insoo sa bar hanggang sa naisipan kong mag pahingga sa balikat nito at hanggang doon na lang ang natandaan ko. Kinapa ko ang cellphone kong naka-patong sa table, bumunggad kaagad sa akin ang samo't-saring text at tawag ni Kuya Reynard at ni Insoo. Isa-isa ko nang tinignan ang mga mensahe na piandala sa akin ni Kuya at baka mahalaga iyon na trabaho sa kompaniya at sunod naman na tinignan ko ang text na pinadala sa akin ni Insoo, na nag sasabi na siya pala ang nag buhat at nag hatid sa akin sa bahay.

"Ughh, ano bang nangyayari sa akin?" nahihiya kong napa-sapo ng mukha dahil inistorbo ko pa si Insoo. Hindi ko rin malaman kong bakit ganun-ganun na lang ako nag pakalasing. Bumaba na ako sa kama at tinahak na rin papasok sa banyo para makapag-ligo na, at baka sakaling maalis ang hangover niya. Matapos maligo, simpleng pang bahay lamang ang sinuot ko at hindi na ako nag ayos dahil nasa bahay lang naman ako.
Lumabas na ako sa kwarto, para bumaba na para makapag-almusal na. nang maka rating na ako sa sala, naamo'y ko kaagad ang mabangong niluluto na sinanggag at tocino, n amag pakalam pa lalo ng aking sikmura sa gutom. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad hanggang maka-pasok na sa dining, at ang aking kamay naka-hawak sa ulo, dinarama pa din ang pananakit buong akala ko maalis ito kapag naligo na ako, hindi pa pala. "Manang, ako na mag tatapos sa pag luluto, kunin mo na lang ako ng gamot sa sakit nang ulo, napa rami ata ang nainom ko kagaab----" nahinto ako sa pag sasalita na imbes si Manang ang madatnan kong nag luluto sa kusina, kundi ibang tao.

"Gising kana pala," bati ni Mark sa akin at hawak nito ang spatula.

"Good morning Mommy," masiglang bati naman ng anak ko ngayon naka-upo sa silya at nag hihintay na lang matapos si Mark sa pag luluto. Suot pa ni Steven ang pajama na damit at naka handa na rin sa lamesa ang tatlong pinggan at mga kubyertos. Nauna na rin naka hain sa lamesa ang unang mga niluto ni Mark na mag paawang labi na lang sa akin. What is happening?
Bakit nandidito na naman siya sa pamamahay ko?

Hindi pa rin nag si-sink in sa utak ko na nandito ulit si Mark sa pamamahay ko, at aaminin kong naiinis ako sa kanyang presinsiya.
Hindi ko pa rin makaka-limutan na kamuntik niya nang ipahamak ang anak ko at hindi na maalis ang galit ko sa tuwing nakikita ko siya.

"Umupo kana para makakain na tayo," wika ni Mark at nilagay ang mangkok lamang sinanggag sa lamesa at buong aliwalas ang mukha nito na pinapaanyaya na maupo para makakain na kami ng almusal. "Masakit ba ang ulo mo? Sandali ipag kukuha lang kita ng gamot," tangka sanang aalis si Mark at humarang naman ako sa kanyang dinadaanan.

Hinarap ko siya ng malamlam at galit na paraan, na ayaw na makita ang presinsiya niya sa harapan ko o lumalapit sa anak ko. "Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko? Diba binalaan na kita noon, na ayaw na kitang makita. Umalis kana, bago pa kita ikaladkad" mahina at madiin kong galit na hindi pinarinig sa aking anak ang pag paalis ko sakanya,

"Lea, please huwag mo naman akong paalisin. Diba sinabi ko sa'yo noon na babawi ako sainyong dalawa ng anak ko? Please hayaan mo ako, na ipakita na seryoso ako. Gusto kong makasama kayo ng anak k-----"

"Shut it! Nilalason mo lang ang utak ng anak ko, kaya nakuha mo ulit ang loob niya. Hindi ka pa ba titigil Mark? Hanggang Kaylan mo kami guguluhin? Umalis kana, at ayaw kong lumalapit ka sa akin o sa anak ko!" lumalakas ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
"Mommy, Daddy nag aaway na naman po ba kayo?" ang salita ni Steven ang mag pahinto sa aming dalawa ni Mark. Base pa lang kong paano niyaa kami titigan na dalawa, kanina pa ito nakikinig at nag oobserba sa amin. "Mom, Pinapaalis mo na naman po ba si Daddy?" lumungkot ang mukha ng aking anak.

"No, sweetheart, hmm. It's just that, sinabi niya sa akin na aalis na siya. Hindi ba?" bumaling ako nang tingin kay Mark na galit at nag papahiwatig na sang-ayunan niya kong ano man ang sinabi ko. Walang reaksyon man lang si Mark at kahit na rin ito, hindi alam ang isasagot. Lintik naman kasi.

"You're lying Mom, pinapaalis mo lang si Daddy." Natigilan ako sa sinabi ni Steven. Alam na alam nga talaga nito na papaalisin ko si Mark. "Mom, huwag na po kayo mag-away na dalawa at huwag mo na rin paalisin si Daddy, please just for me," mahina at may pakiusap nitong saad.

"Steven," pag tututol ko pa rin ng hiling nito. Bumagsak ang balikat ng aking anak at nabahiran nang lungkot at luha ang inosenteng mata nito, na gusto nitong maka-sama si Mark.

"Lea," nag salita si Mark sa tabi ko. Isa pa din siya, nakaka-inis talaga!
Kay talim kong tinignan si Mark at sabay baling naman sa anak ko na ang mata nito'y mamula-mula na nilalabanan lamang na maiyak na lamang. Kapag ganito talagang scenario hindi ko pa rin matiis ang anak ko.
"Okay fine, just for this once," labag sa kalooban kong pumayag na rin.
"Thanks Mommy," pinunasan nito ang munting luha sa mata nitong mamasa-masa na. Umaliwalas na rin ang mukha ng anak ko at ramdam ko naman na sabik na makasama si Mark sa hapag-kainan.

Umupo na ako sa bakanteng silya na kaharap lamang ng anak ko at sumandok na rin ng sinanggag para makakain na. Natigil ako sa pag kuha nang ulam na nilagay ni Mark ang isang soup bowl laman ng ginawa nito sa tabi ng pinggan ko. It was chicken and corn soup.
Taas-kilay na tinignan si Mark sa kaliwang bahagi ko.  "For you, maganda iyan pang pawala ng hangover," matamis itong ngumiti, at wala akong reaksyon sa ginawa nito kundi pag susungit na makasama siya ngayon.

Umupo si Mark sa katabing upuan ni Steven at sinandukan na ito ni Mark ng sinanggag at itlog. Nakikipag kulitan at kwentuhan si Steven sa Ama nito na mga ginawa at nangyari sakanya sa school. Habang nakikinig sa kanilang pinag uusapan, tinikman ko na ang ginawang soup na ginawa ni Mark at pumatok naman ito sa panlasa ko at hindi makaila na masarap naman talaga ang pag kakagawa nito doon.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, hindi pa rin maalis ang masamang titig at sulyap ko kay Mark sa harapan ko. Gusto kong mag sungit at paalisin na ito pero hindi ko naman magagawa iyon dahil nakapangako na ako sa anak ko na hindi ko siya paalisin.
Hinihintay ko na lang matapos ang almusal namin bago ko siya muli ipag tabuyan na umalis.
Naririndi kasi ako na makita o maramdaman lamang ang presinsiya nito.

"Daddy, tuloy po ba tayo na pupunta mamaya sa Ocean park?" Ang tanong ng anak ko na mag pahinto sa akin sa pag kain. Kunot-noo na sinulyapan ko si Mark, at nahulaan kaagad nito ang pag babataang titig ko lamang sakanya.

"Sandali, whats the meaning of this Mark? Nag pla-plano ka na hindi man lang ako ino-orient kong papayag ako?"
"Sorry kong hindi ko sa'yo nasabi kaagad. Balak ko sanang sabihin sa'yo ang bagay na ito pag katapos natin kumain pero naunahan na ako ni Steven,"depensa na kina-kulo na naman ng dugo ko sa galit. Mag sisimula na naman siyang makialam at pinangungunahan niya na naman ako.

"No, were not going, kong gusto mo. Ikaw mag-isa na pumunta doon."

"Look Lea, hindi naman ako may gustong pumunta doon, kundi ang anak natin."

"Opo Mommy, naikwento sa akin ng kaklase ko na pumunta daw sila ng family niya sa ocean park no'ng isang araw at sinabi sa akin na marami daw na mga fish doon. Gusto kong pumunta doon Mommy, sige na po, naka bili na sa atin si Daddy ng tickets. Please po," pinag dikit na namn ni Steven ang kamay para pumayag lamang ako. Ginagamitan na naman ako ng anak ko ng technique na puppy eyes para pag bigyan lamang na pumayag ako.

"Paano ba iyan Lea, gugustuhin mo bang makitang malungkot ang anak natin? Pumayag kana, hindi lang naman siya mag e-enjoy, kundi ikaw rin." Gatong na naman ni Mark sabay irap sakanya. Nakaka-inis talaga ang hayop na ito.
"Sige na po, my love mommy?" nag puppy eyes pa ito na ganun pa lang na charm, hindi na ako makaka-tanggi pa.
"Sige na nga."

"Yehey!" nag apir pa ang dalawa sa harapan ko at pakiramdam ko tuloy, mukhang naisahan ata ako doon ha.

Hindi na maalis ang saya at excitement sa kanilang dalawa na pinag patuloy nila ang naudlot na pag kain. Pasimple kong sinilip si Mark na tinutulungan ang anak ko sa pag kain at nakita kong gaano na nga sila kalapit sa isa't-isa, na pati ang anak ko komportable na pangiti-ngiti sa Ama nito.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon