Chapter 43
"Good afternoon Mam," sinalubong ng bati ng katulong si Mrs. Chavez na pag dating pa lang sa Mansyon. Balisa na ang mata ng Ginang at pakiramdam na nanuyo ng laway ang lalamunan matapos niyang bisitahin ang anak na si Mae. "May gusto po ba kayong kainin, Mam?" Patuloy lang nag lalakad si Mrs. Chavez, hindi pumapasok sa isipan ang sinasabi ng katulong dahil naging okupado at hindi makapaniwala sa mga nangyari.
Nanginig na ang kamay ng Ginang at ang mata nito balisa na rin. "Mam?" Nabalik sa katinuan ang Ginang sa rami ng kanyang iniisip; hindi niya na narinig ang sinasabi nito.
"Ano iyon Manang?"
"Ang sinabi ko ho, may gusto ho kayong kainin," dugtong ng katulong.
"Hindi ako nagugutom. Kailangan ko lang mag pahingga," tumango na lang ang katulong at nilampasan na ni Mrs. Chavez para umakyat sa ikalawang palapag.
Hini-hinggal na sinarhan ni Mrs. Chavez ang pintuan ng kanilang silid na asawa at nilock pa iyon para masiguro lamang na hindi makaka-pasok si Mae; kahit alam naman sa sarili na hindi na siya masusundan pa nito.
Gumilid ang bakas na luha sa mata ni Mrs. Chavez sa takot sa tuwing maiisip ang nakaka-takot na mukha ni Mae, na para bang hindi niya na ito kilala.
Ang nanlilisik na mata nito na mag panginig ng kanyang laman sa takot.Pilit na winawaksi ng Ginang ang mga sinabi ng anak ngunit; natatakot na posibilidad na pwedeng totoo nga ang sinasabi nito.
Paano kong totoo na pinag tangkaan nitong patayin ang totoong Ama ni Mia?Maraming nag lalarong mga katanungan sa isipan ng Ginang na kahit na rin siya hindi alam ang sagot.
Wala sa sariling napa-hawak ang Ginang sa dibdib para kontrolin ang namumuong takot na baka balikan siya ni Mae at siya naman ang isunod nito.
LEA KRISTINE'S POV
Pasimple kong tinignan si Mae habang sinisimsim ko ang alak sa redwine glass na hawak ko ngayon.
Naroon sila si Mae at si Mr. Chavez sa isang sikat na restaurant para sa pag usapan ang tungkol sa business.
Dinadama ko pa ang slow music sa loob ng restaurant at iilan lamang ang taong naroon kumakain; malapit kong saan ang table namin.
Tahimik lamang kumakain si Mr. Chavez samantala naman si Mae, hindi ko maiwasan na pansinin ito na kanina pa tahimik.Sobrang dry ng balat ni Mae at malayong-malayo ang sigla nito kumpara na makita ko siya noo.
Ang eyebags nito lalong naragdagan kahit pag takpan man iyon ng makapal na foundation at concealer.Napapa-ngiti na lamang ako habang pinapanuod siya ngayon na kumain at parang langtang gulay.
Mainggat na nilapag ko ang redwine glass sa table at sabay sabi ng ganito. "Kumusta na kayo Mae, ni Mark?" Ang tanong ko ang nag patigil kay Mae sa pag hiwa ng steak gamit ang tinidor at knife. "Is he, gaving you a hard time? " Pag sasawsaw ko pa lang lalo.
Natatawa lang talaga ako na makita ko; kong paano umasim ang mukha niya sa tanong ko.
Oh my god!
Gusto ko lang siya inisin.
Bakit ba?"Rinig kong iniwan kana daw niya base pa lang sa balita na nabasa ko. I'm so sorry," dugtong ko pa at nilunok na lang ni Mae ang laway at ang mata nito kay talim na akong tinitigan.
Sige magalit ka lang, wala akong pakialam!Base sa nalaman kong source, iniwan na siya ni Mark kaya nga; ilang araw itong nag mukmok at nag inom na para bang nababaliw sa isang lalaki!
Nakaka-awa!
Nakaka suka ang ganung ginagawa!
Kahit sarili nitong anak napabayaan na sa kabaliwan niya kay Mark.
Ngayon naramdaman mo na rin Mae, ang naramdaman ko noon.
Masakit ba?
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going