Chapter 32MAE'S POV
"Lea," sa paraang tinig ni Mae, may galit na makita ito.
Anong ginagawa niya dito?
"Narito ka lang naman Mae, ipapakala ko sa'yo ang bago nating investor. I would like you to meet Lea Kristine Sandoval- Montecillo," pakilala ni Dad na labis ko naman kina-baling ng tingin sa sinabi nito. Ha?
Ano investors?
Bakit hindi ko alam ito?
Anong ibig sabihin nito?
Maraming katanungan sa isipan ko sa mga nangyari. Natural lamang nakikipag-usap si Dad, pangiti-ngiti pa na kaharap si Lea.
Gusto ko sanang sumagot at tumutol sa naging desisyon ni Dad, subalit pinili na lang ni Mae na manahimik. Hindi niya pwedeng kontrahin ang Ama sa desisyon nito, at posibilidad na pagalitan siya nito. Kahit retired na ang Ama ni Mae takot pa din sila ng kanyang Ina na kontrahin lahat ng mga desisyon at gusto nito.
"Pasensiya na po Mr. Chavez, kong ako ang pumunta dito. May mahalaga kasing business meeting ang kapatid kong si Reynard sa Dubai at ganun din ang isa ko pang kapatid,"
"Naiintindihan ko naman iyon Ms. Sandoval. Isa ng karangalan sa akin na pinaanyayahan mo ang aking imbetasyon na mag-kausap tayong dalawa ngayon," kulang na lang sambahin ni Dad ang kausap sa sobrang galang at ibang tono ng pananalita nito. Alam kong kinukuha niya ang loob ni Lea para mag invest ang kompaniya nila sa amin.
Kong ako lang talaga ang masusunod; kanina ko pa hinila ang buhok ni Lea at kinaladkad ito palabas sa kompaniya ko.
Pasalamat ka Lea, narito si Dad kaya't pag tya-tyagaan kita ngayon!Natigil si Mae sa pag-iisip nang kina-baling ni Dad ang tingin nito sa akin. "Tatayo ka lang ba diyan Mae? Ipag kuha mo ang bisita natin ng maiinom," Nakakairita lamang dahil kailangan pa ba namin siya pag silbihan?
Gigil na gigil na siya sa galit, pero pinapakita niya lang na maayos lang sakanya. "Sige po, Dad." Pinakita ko ang plastic kong ngiti kay Dad at ganun din kay Lea na maayos na naka-upo at kausap ito.
Bago ako nag lakad paalis sa Opisina ni Dad, nag pahabol pa si Mae ng matalim na titig kay Lea.
Walang salita na lumabas sa bibig ni Mae ng sandaling iyon at naka-busanggot na sinunod si Dad na ipag timpla sila pareho ng maiinom. Tumunggo ako sa pantry at kumuha na ng dalawang tasa ng kape para makapag-timpla na.
Habang nag titimpla, mangilan-ngilan din na mga mata ang nag mamasid sa akin.
Mga matang puno ng pang-huhusga.Inis kong kina-lingon ang mga matang kanina pa nag mamatyag at namutla naman kaagad ang mga empleyado.
"What? Gusto niyo bang itapon ko ang laman nito sa pag mumukha niyo?" Pag sindak ko pa lalo sa mga empleyado at kina-takbo naman ng mga ito palabas sa pantry. Walang mga modo!
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag titimpla ng kape, kahit masama sa loob kong gawin iyon.
Can you believe it?
Ang isang CEO na isang kagaya ko na mag titimpla lamang ng kape sa hampas-lupang Lea na iyon?Bakit kailangan na ako pa ang gumawa ng mga ito?
Habang tumitimpla ng kape; sumasagi na rin sa isipan ni Mae na haluan ng lason ang inumin ni Lea para tuluyan na itong mawala sa landas ko.
Mawala lamang ang isang Lea Kristine, karangalan na iyon sa akin.Matapos ko mag timpla ng inumin, bumalik na kaaagd ako sa Opisina ni Dad at naabutan ang dalawa na masinsinanan nag uusap tungkol sa kanilang proposal. Ito ang una kong makita si Lea na seryoso at sobrang galing na galing makipag usap kay Dad sa lenggaweng english.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going